3: The party

12.4K 182 12
                                    

LAWRENCE

Tsss, bakit ba kasi ako pumayag sa kalokohan ng babaeng yun? Yan tuloy, mas lalo akong naging cute at gwapo sa paningin niya.

Anong nangyari? Vinideohan lang naman ako ng abnormal kong girlfriend habang nagi-gwiyomi.

Haha, sana di niya yun ipost sa YouTube kundi mapapatay ko siya...

.

.

.

.

.

.

Papatayin ko sa tawa't pagmamahal. Naks.

Kaninang umaga kasi, habang kumakain kami, may naisip syang kalokohan. Paunahan daw. And as I expected, sya nauna. As always, matakaw yun eh. And the thing is that kung sino ang matalo, may gagawing consequence. And I'm 100% sure na alam nyo na tinutukoy ko.

Nakaupo lang ako sa kama habang iniisip ang video nang may maalala ako. Oo nga pala, may party ngayon si Lolo. Tsk, maliligo pa pala ako.

"Nat! Magbihis ka na! Malapit na tayong umalis!" sigaw ko at pumasok na sa banyo para maligo.

NATALIE

"Natalie! Magbihis ka na! Malapit na tayong umalis!" narinig kong sigaw ni Lawrence sa labas ng pinto ko. Buti na lang at magbibihis na lang ako, di tulad ni gurang na tamad maligo.

Nagbihis na ako at lumabas na ng kwarto ko. Ang cute ng dress. It's a black dress na hanggang tuhod. I paired it with some black pumps and naglagay lang ng light make up. I'm not a fan of heavy make up. Nakakairita sa mukha. TAAS ANG BANDERA NG MGA BABAENG AYAW SA MAKE-UP! HAHAHA. Okay, sorry.

Naglakad na ako papunta ng pinto. Pagbukas ko ng pinto, andun si Lawrence, gwapo paren. Galing ko magsinungaling no? Panget yun, abnormal pa.

"Tsss, bakit ang tagal mo?! Tara na!" sabi niya sabay kaladkad -I mean, talagang kaladkad, as in parang hinihila na ako, wait. hinihila pala talaga ako- saken papunta sa kotse niya. Gentleman no? Onti na lang talaga bibigyan ko na to ng best boyfriend award.

Pumasok na kami sa kotse niya at nagsimula na siyang mag-drive. 1 hour trip ang gagawin bago makadating sa kanila Lolo. Bakit ba? Ganun daw ang itawag ko sa kanya kasi magiging lolo ko na rin daw siya in the near future. Sino ba ako para tumanggi dba?

After 1 hour and 30 minutes

Ang traffic kaya medyo natagalan kami. Nakarating na kami dun at napansin kong ang daming tao. Tsss, what did I expect? Syempre, madaming tao, party nga dba?

Paglabas namin ng kotse, pinagtinginan kami ng mga tao dun. Waaahhh! Nakakahiya at nakakailang. Di ako sanay na may tumitingin sa akin ng ganyan. Feeling ko matutunaw ako.

Biglang may humila saken kaya napabitaw ako kay Lawrence at nakita kong isang bading yun. Ahhh, si KuTe Christian a.k.a Christie.

"BAAAKKLLLAA! Ay sus ginoo! Bakit hindi ka man lang nagmake up?! Yan tuloy! Ayos na sana eh! May kulang lang! Pati accessories! Tara nga!" sermon niya sabay takbo ng super bilis na halos malapit na akong mangudngod sa lupa. Siya nga pala si Chritia--- este Christie. Ang beki friend ko since 1st year HS. Oha? Lagi yang ready para saken. Malakas ata ako sa kanya! Kaso wag mo lang tawaging Christian, mab-beastmode yan bigla.

"Gaga! May make-up ako pero light lang!" Sabi ko at di na sya sumagot.

Pumasok na kami sa isang kwarto at pinaupo ako sa isang stool. Kumuha muna sya ng wet wipes at ipinahid sa mukha ko. Sinimulan na niya lagyan ng kolorete ang mukha ko. Sana simple lang ang gawin niyang make up.

My Teacher, My Secret Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon