*************************************
LAWRENCE
"LAWRENCE! STOP THAT!" narinig kong sigaw ni Natalie. Napalingon kaming dalawa nung lalaking nagtresspass sa kanya at nakita namin siyang nakakunot ang noo habang nakatingin samen.
"Ano bang nangyayari dito ha?! Ikaw!" sabi niya sabay turo saken, "Bakit mo naman sinapak si Chord?! Ano bang ginawa niya at sinapak mo diya?! Gusto mo ikaw sapakin ko!" sabi niya. Aba... at talagang mas ipanagtanggol niya pa tong lalakeng to kaysa saken?! Eh, tresspass to eh!
""Eh bakit mas pinagtatanggol mo pa tong bwisit na lalaking to kaysa saken?! Tell me! Kaano ano mo ba siya at nagagawa mo siyang ipagtanggol kaysa saken ha?!" sabi ko.
"Oy! Anong tresspass dyan?! He's my best friend! Siya yung lalaking laging nandyan pagkailan ko!" sabi niya. Ohh, kaya pala. " Ngayon, Chord! Bakit ka niya sinapak?! Ano ba talagang nangyari ah?!" tanong niya kay Mr. Tresspasser a.k.a Chord. Eh, yun daw ang pangalan niya eh.
"Ummm.... hindi ko rin alam eh. Nakaupo lang ako dyan tapos bigla niya akong sinapak." sabi ni Mr. Tresspasser kay Natalie. Tsss -_______-
"OH! Ganun naman pala eh! Ngayon, IKAW ULIT!" sabi niya sabay turo saken, para naman siyang nanay na nanenermon ng anak niya na inaway yung nakababatang kapatid niya ._., "bakit mo siya sinapak?! Gusto mo tayo na lang magsapakan ano?!" dagdag pa ni nanay este, Natalie.
"Nay, este! NAT! Malay ko bang best friend mo yan! Akala ko tresspasser eh! Hindi ka ba magugulat kung paggising mo may makita kang random stranger na prenteng nakaupo sa upuan mo?!" depensa ko sa sarili ko. Totoo naman eh. Kayo ba, hindi ba kayo magugulat kapag may nakita kayong hindi niyo kakilala sa prenteng nakaupo sa sofa paggising mo? Siguro naman magugulat kayo. Kasi kung hindi kayo magugulat, nako. Ewan ko na lang.
"Hmmm, point taken but! Uso naman magtanong diba? Siraulo ka talaga! Haisst, tara na nga Chord! Magpalamig muna tayo ng ulo! Iwan muna natin yang lalaking nanghahalik ng kung sino sinong babae at nananapak ng bigla!" sabi niya kay Mr. Tresspasser sabay hawak sa kamay niya at hila palabas. Aba't, saan naman kaya sila pupunta?! At hanggang ngayon mainit paren ang ulo niya saken?! Dahil paren ba sa nakita niya kagabi?
"Oy! Saan naman kayo pupunta?!" tanong ko.
Humarap silang dalawa saken at tumingin saken si Natalie ng masama bago sumagot. Si Chord naman wala lang, nakahawak lang sa kamay ni Natalie. Wait..... HAAA?! NAKAHAWAK SA KAMAY?! P^©H@! AKO LANG ANG PWEDENG HUMAWAK DYAN! +__________+
"Mall! MAGPAPALAMIG! IKAW! Bahala ka na sa buhay mo! Baka kasi gusto mong bumalik dun sa babaeng kahalikan mo kagabi! Baka nabitin ka eh! Tss, pasensya! Nahuli kayo eh! Nahiya naman daw ako. Sa susunod kasi matuto kang magtago!" sabi niya sabay hila ulit palabas kay Mr. Tresspasser at sirado ng malakas ang pinto. Sobarang lakas na halos dinig sa buong bahay. Sabi na nga ba eh, nagseselos parin siya. Hmm.... kailangan ko muna siyang suyuin. Help me guys! Haha.
---------------
Natalie Mae Scantler's Point Of View
"A-a-ARAAAAYYYYY! OUUCCH!" sabi ni Chord. Ooppss, nadiinan ko... Nandito kami ngayon ni Chord sa likod ng sasakyan niya. May first aid kit siya dito kaya dito ko na lang siya ginamot.
"Sorry, nadiinan ko... nga pala... sorry sa pagsapak niya ha? Hayaan mo.. ako naman sasapak sa kanya next time." sabi ko. Guilt written all over my face. Grabe, naging pasa agad yung part na sinuntukan ni Lawrence...
"Ayos lang.... sa susunod, sabihan mo yang boyfriend mo na magtanong muna bago manapak nang basta basta." sabi niya. Mas lalo tuloy akong naguilty.
BINABASA MO ANG
My Teacher, My Secret Boyfriend [UNDER REVISION]
Novela JuvenilJust read the prologue. Thanks.