ELSIE'S POV :
Nagdesisyon na akong lapitan si Janine para personal na alamin kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya . Naaapektuhan na ang relasyon nila ni Suga . Umalis si Suga sakay ng kotse ngayong gabing-gabi na . Baka mapaano pa yun sa labas di na naman namin napigilan . Alam naman naming mapilit si Suga kaya nonsense din kung pipigilan namin. Kinatok ko ang pintuan ng kwarto kung saan nagpapahinga si Janine . Mabuti naman at pinagbuksan niya ko.
''Oh Elsie , Bakit ?" Seryoso niyang tanong sabay pahid sa mata niya.
''Umiiyak ka ba ?" Tanong ko sa kanya . Nagsmile lang siya sakin sabay iling .
''Hindi , Ayos lang ako . Sadyang inaantok na talaga ko kaya nagluluha ang mata ko'' Sagot niya sabay hikab.
''Pwede ba tayong mag-usap ?" Tanong ko.
''Importante ba ? Pwede bang bukas na lang ? Pa...Pagod na ko eh'' Tanong niya sabay akmang sasaraduhan ang pintuan. Agad ko namang pinigilan ang pagkasarado ng pintuan sabay tingin sa kanya nang paseryoso.
''Importante 'to Janine , Pakiusap'' Sabi ko sa kanya kaya naman pumayag na siya. Pumasok ako sa loob ng kwarto at umupo sa tabi niya sa higaan.
''Ano ba yun Elsie ?" Tanong niya.
''Hindi ka naman ganyan eh , Kahit gabing-gabi na ready ka paring makipagkwentuhan sakin pero ngayon ..... May kakaiba sayo'' Sabi ko sa kanya .
''Elsie naman , Pagod lang 'to . Wag kang mag-alala'' Sabi niya sakin.
''Janine , May problema ka ba ? May problema ba kayo ni Suga ?" Tanong ko sa kanya.
''Bakit mo naman natanong yan ?" Tanong niya.
''Wala lang , Pakiramdam ko kasi talagang may mali eh .Nandito lang ako Janine . Pwede mo kong sabihan ng mga problema mo . Handa akong tumulong sayo'' Sabi ko sa kanya .
''Elsie , Wala 'to . Babalik din ang lahat sa normal'' Sabi niya.
''Alam mo Janine , Kung about yan kay Suga . Mabuti pang mag-usap kayo'' Sabi ko sa kanya.
''Paano kung hindi 'to tungkol sa kanya ?" Tanong niya.
''Huh ? Tungkol kanino ?" Tanong ko.
''Nevermind na lang , Elsie . Magpahinga ka na'' Sabi niya sakin sabay hila sakin palabas ng kwarto . Nagpumilit naman akong manatili.
''Sandali lang , Janine . Mag-usap na kayo ni Suga . Wag mong hayaang masira ang relasyon niyo . Magsisisi ka pag nagkataon . By the way , Di parin siya bumabalik dito sa Dorm ngayon . Baka mapaano pa yun sa labas eh'' Sabi ko.
''Talaga ? Anong gagawin natin ?" Tanong niya.
''Ewan ko , Tulog na yung ibang members eh'' Sabi ko sabay kamot sa ulo.
''Napakapasaway talaga nun !'' Sabi niya sabay kunot ng noo.
''Sige na , Magpapahinga na ko . Basta 'pag kailangan mo ko nandito lang ako.'' Sabi ko sabay labas ng kwarto nang bigla akong matigilan . Kinatok ko agad ang kwarto kung nasaan si Janine .
''Ano na naman Elsie ???" Tanong niya sakin.
''Talagang may problema ka noh'' Sabi ko sa kanya.
''Huh ? Alam mo Elsie Antok lang yan . Matulog ka na'' Sabi niya sakin.
''Diyan din kaya ako matutulog sa tutulugan mo . Tabi kaya tayo dahil wala naman akong ibang tutulugan na room kasi puro lalaki dun . Hello ~ May problema ka nga'' Sabi ko sa kanya sabay pasok sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)
Teen Fiction(SKETCHPAD) MARRIED TO BTS JUNGKOOK Book 2 Ang PAG-IBIG na marami nang napagdaanan ay mas tumatatag at mas lumalakas . Sa Pag-Ibig , Kailangan meron kang pagtitiwala taong mahal mo . Totoo nga ba ang salitang Forever at Destiny ? Posible nga ba ang...