Chapter 22 - Wait For Me 💞

163 6 0
                                    

SUGA'S POV :

"Suga , This is it ! Makakasama na ulit natin ang Queens ng buhay natin" Masayang sabi ni Jungkook sakin .

"Tama ka ! Swag ~ Excited na ko" Sagot ko sa kanya .

"Goodluck sa inyo , Guys ! Fighting !" Sigaw ni Taehyung samin.

"Fighting ! Iuwi niyo dito ang Queens niyo ah" Sabi naman ni Namjoon.

"Aba , Siyempre ! Hindi ako babalik dito nang 'di kasama si Janine noh" Sagot ko.

"Hindi rin ako babalik dito hanggang sa makita na ulit ni Elsie ang parents niya" Sagot naman ni Jungkook .

"So , Ano ? Galingan niyo ah ! Fighting !" Sabi naman ni Jimin.

"Mag-ingat sa biyahe , Galingan niyo ang pagpunta kila Elsie at Janine nang hindi pinagkakaguluhan ng fans" Sabi naman ni J-Hope.

"Salamat sa inyo ,Kaya na namin 'yun ! Kahit naman pagkaguluhan kami , Walang makakapigil samin" Sagot ni Jungkook.

"Lakad na , Mahuli pa kayo sa flight niyo" Sabi naman ni Seokjin kaya naman lumakad na kami .

Sumakay na kami sa Van kung saan kasama namin si Manager Song na pumunta ng Airport . Ihahatid daw niya kami . Hahaha !

Bumibiyahe pa lang , Sobrang excited ko na . Siyempre ! Makikita ko na si Janine . Sisiguraduhin kong masu-surpresa siya sa muling pagkikita namin .

Kailangang special ang muling pagkikita namin ni Janine noh . Yun tipong mapapa-swag siya sakin .

Nang makarating sa Airport , Hinayaan na kami ni Manager Song .

"Mag-ingat kayong dalawa 'dun" Sabi niya samin.

"Swag !" Sagot ko sa kanya .

"Bye" Matipid na sagot ni Jungkook kay Manager Song . Lumakad na kami ni Jungkook. Siyempre , Hindi kami nagpapahalata . Naka-shades kami at face mask . Kaya namin 'to . Kapag may nakakita , Smile lang . Hahahaha .

Hanggang sa makasakay na kami sa Airplane , Malapit na ko ~ JANINE , MAGKIKITA NA ULIT TAYO ~ WOOHOO !

💟💟💟💟💟💟💟💟

JUNGKOOK'S POV :

Matapos ang mahabang biyahe namin papuntang Pilipinas , Sa wakas--- Nandito na kami ! Excited na talaga ako .

Agad na kaming nagmadali para naman makabiyahe na kami papunta sa bahay nila Elsie at Janine .

Nag-apir na lang kami ni Suga dahil hindi naman kami pinagkaguluhan eh .

"Paano na ? Suga , Mukhang maghihiwalay na tayo ng biyahe" Sabi ko kay Suga na relax lang .

"Tama ka , Bye . Jungkook , Sabihin mo na lang sakin kapag nagkita na kayo ni Elsie" Sagot niya sakin.

"Sige na , Bye" Sagot ko . Lumakad na si Suga dala ang gamit niya . Samantalang ako , Sumakay na ko ng Taxi . Malapit na ko , Elsie . Nararamdaman ko na ! Yieeh 😘

Sisiguraduhin ko talagang mapapa-iyak siya sa muling pagkikita namin.  HAHAHAH . Ie-enjoy ko talaga ang moment namin together .

Habang bumibiyahe ako , Wala akong ginawa kundi imagine-in yung happy moments naming dalawa .

Yung panahong parang aso't-pusa pa kami . Yung unang pagkikita naming dalawa . Yung moment na kinasusuklaman pa niya ko . Hanggang sa maging okay na kaming dalawa . Lalo pa nung moment na hinanap ko siya nang mag-away kami . Yung pag-amin ko sa harapan ng maraming reporters . Yung paglaban na ginawa ko para sa pagmamahalan naming dalawa . Kahit na madaming pagsubok , Nalagpasan parin namin lahat ng 'yun nang magkasama .

Kapag bumalik na kami sa Sokor , Palagi kaming magiging masaya sa sariling bahay namin . Sisiguraduhin kong palagi siyang nakangiti . Elsie , Mahal na mahal kita .

🌹To be Continued🌹

Ano na nga ba ang mangyayari sa muli nilang pagkikita ? Abangan .

SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon