ELSIE'S POV :Ewan ko ba kung anong trip ni Janine at bigla na lang siyang nagiging emosyonal ngayon . Baka nga may pinoproblema na ang bestfriend ko eh .
Nang dumating kami sa Pilipinas , May mga nakakitang supporters samin kaya nagpapicture sila samin . Agad nadin kaming umalis ng Airport . Sumakay kami sa Taxi . Ihinatid ko muna si Janine sa bahay ng parents niya .
"Janine ! Miss na miss ka na namin , Anak !" Tuwang - tuwang sabi ng Parents ni Janine sabay yakap .
Namiss ko tuloy lalo ang parents ko . Napasmile na lang ako habang pinagmamasdan si Janine na kayakap ang magulang niya . Okay lang ako , Naniniwala naman akong babalik sila Mom .
"Elsie" Sambit ni Janine sabay hila sakin . Nagulat ako dahil isinama niya ko sa group-hug nila .
"Pamilya ka na din namin" Sambit ng parents niya .
"Salamat po" Sagot ko . Kahit papaano , Nabawasan ang lungkot ko . Ipinikit ko na lang ang mata ko at inisip na sila Mom and Dad ang kayakap ko .
"Dito ka na kumain , Elsie . Dito ka na din muna tumuloy" Sabi ng Parents ni Janine sakin.
"Naku , Hindi na po . Salamat na lang po. Kailangan ko na po kasing mauna . May pupuntahan po kasi ako" Sagot ko.
"Samahan na kita dun" Sabi ni Janine sakin. Hinawakan ko sa kamay si Janine .
"Dito ka na muna sa magulang mo , Magbonding kayo . Ayos lang ako . Kaya ko nang pumunta dun nang mag-isa . May arkilado naman akong taxi eh" Sagot ko.
"Pero Elsie ......" Sabi niya.
"Salamat po , Aalis na po ako . Kitakits na lang , Janine ~ Enjoy . Fighting ! Bye muna sa ngayon" Sambit ko sabay yakap kay Janine. Wala na siyang nagawa . Nauna na ko . Sumakay na ulit ako sa taxi at nagsimula nang bumiyahe papunta sa Farm ni Tita Miranda . I'm sure na masu-surprise sakin yun . Hahahaha !
Dahil excited ako , Itinext ko si Tita Miranda .
"Tita , Kumusta ka na diyan sa farm ?"
"Elsie , Maayos naman ako dito . Tinutulungan ako ng itinuturing kong tunay na anak sa pagma-manage ng Farm" - Tita Miranda
"Miss na po kita"
"Miss na rin kita , Elsie" - Tita Miranda
"Don't Worry , Someday bibisita ko sa inyo . Promise yan . Sana din po makita ko na sila Mom"
"Sana nga ~ Salamat Elsie . Wag tayong mawawalan ng pag-asa" - Tita Miranda
Napangiti na lang ako . Tama si Tita ! Dapat hindi mawalan ng pag-asa . Fighting lang !
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MARCO'S POV :
Katatapos ko lang tumulong sa gawain sa farm ni Nanay Miranda nang makita ko siyang abala sa pagse-cellphone .
"Nanay , May iba pa po ba kayong ipagagawa sakin ?" Tanong ko.
"Wala na naman , Salamat Marco ~ Magpahinga ka na muna" Sabi ni Nanay Miranda sakin.
"Sige po . By the way , Mukhang abala ka sa phone mo ah" Pang-aasar ko sa kanya.
"Marco , Ka-text ko kasi ang pamangkin ko ~ Miss ko na kasi 'to" Sabi niya sakin.
"Bakit di niyo po siya bisitahin ?" Tanong ko.
"Masyadong busy dito sa farm eh . Siya na lang daw ang bibisita dito balang araw . Excited na kong ipakilala ka sa kanya" Sabi niya sakin.
"Talaga po ? Excited din po ako ~" Sagot ko.
Nakakaexcite naman talaga ! Maganda , Mabait , Matalino , Masipag , Maalaga , Mapagmahal etc . siya sabi ni Nanay Miranda . Nakuwento niya kasi sakin noon na mabait daw talaga ang pamangkin niyang yun . Naexcite tuloy akong makilala yung pamangkin niya.
"Baka ma-inlove ako dun" Loko ko kay Nanay Miranda .
"Naku Marco ! Hindi na pwede ~ May husband na yun . Too late ~ Haha" Sagot ni Nanay Miranda kaya natawa na lang ako .
Ay ! Sayang ~ May asawa na . Bakit palagi akong nauunahan ? HAHAHA ! Pagong kasi ako eh . Ang bagal ko !
Hayaan na nga ~ Alam ko namang balang araw , Mami-meet ko din ang tamang babae para sakin .
BASTA EXCITED NA KONG MA-MEET YUNG PAMANGKIN NI NANAY MIRANDA !
Bigla ko tuloy naalala si Elsie . Pareho kasi sila ng katangian base sa mga kwento ni Nanay Miranda about sa pamangkin niya .
Kaso , Alam ko namang masaya na ang buhay ni Elsie ngayon . Ayoko nang guluhin pa ang buhay niya ~ Masaya na ko para sa kanya .
TO BE CONTINUED ..............
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ABANGAN ~ HAHAHA .
BINABASA MO ANG
SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)
Teen Fiction(SKETCHPAD) MARRIED TO BTS JUNGKOOK Book 2 Ang PAG-IBIG na marami nang napagdaanan ay mas tumatatag at mas lumalakas . Sa Pag-Ibig , Kailangan meron kang pagtitiwala taong mahal mo . Totoo nga ba ang salitang Forever at Destiny ? Posible nga ba ang...