ELSIE'S POV :
Lumipas ang ilang araw na dito ko naninirahan sa probinsya kasama si Tita Miranda at si Marco , Hindi parin nagpapakita ang Mom and Dad ko . Nasaan na kaya sila ?
Alam kong may mali . Alam kong may problema . May itinatago sila sakin . Kailangang malaman ko 'yun . Miss na miss ko na kasi sila eh .
Nandito ko ngayon sa bahay-kubo at iniisip kung kailan ko makikita ang mga magulang ko . Miss ko na talaga sila . Sana ayos lang ang kalagayan nila . Sana magkita na kami .
Pati si Janine miss ko na rin eh . Hindi ko naman ma-contact dahil mahina ang signal dito ngayon . Pati sila Jungkook miss na miss ko na rin nang sobra .
Maya-maya pa , Biglang umupo sa tabi ko si Tita Miranda .
"Ayos ka lang ba , Elsie ?" Tanong niya sakin.
"Ayos lang po ko , Wag po kayong mag-alala . Miss na miss ko na po ang parents ko . Gusto ko na silang makita" Sagot ko .
"Pasensya ka na , Elsie . Hindi ko masabi kung kailan sila babalik dahil hindi ko rin naman sila ma-contact ngayon . Pero sigurado naman akong nasa maayos silang kalagayan ngayon" Sagot niya sakin.
"Talaga po ? Alam niyo po ba kung nasaan sila ? May itinatago po ba silang sikreto sakin ?" Malungkot kong tanong.
Nagulat na lang ako nang yakapin ako ni Tita Miranda nang mahigpit . Nabigla ako dahil umiiyak na siya . Anong problema ni Tita Miranda ?
"Ba--Bakit po kayo umiiyak ?" Tanong ko sa kanya.
"Wala 'to , Elsie . Miss ko na din kasi ang mga magulang mo . Saka , Ayokong nalulungkot ka nang ganyan" Sagot niya sakin.
"Tahan na po . Susubukan ko na pong hindi malungkot para sa inyo" Sagot ko sabay punas sa luha niya.
"Elsie , Hindi ko akalain na si Marco ang lalaking muntikan nang maging dahilan ng pagkamatay mo . Ayos lang ba talaga sayong kasama mo siya ngayon ?" Tanong ni Tita.
"Hindi ko rin po akalain 'yun eh . Ayos lang po ko . Alam kong napamahal na kayo kay Marco . Pamilya na ang turing niyo sa kanya" Sagot ko.
"So , Ayos lang sayo ?" Tanong niya.
"Ayos lang po , Nagkaayos na naman po kami ni Marco . Alam ko pong nagbago na siya . Kaibigan ko na siya" Sagot ko kay Tita kaya naman napatango na lang siya sakin.
Inakbayan ko na lang si Tita Miranda . Sana talaga makita ko na ang mga magulang ko . Sana isang araw sumulpot sila para naman mayakap ko sila.
"Sana naman kahit sandali makita ko sila . Lalo na si Mom kasi konting panahon lang namin nakasama ang isa't-isa" Sagot ko.
"Elsie , Wag kang mag-alala . Naniniwala akong magkikita na ulit kayo . Malapit na" Sagot niya sakin.
"Sana nga po , Miss na miss ko na sila eh" Sagot ko kay Tita Miranda .
Lumipas ang ilan pang araw na naghintay ako sa pagbabalik ng magulang ko pero wala parin sila .
"Elsie , Anong problema ?" Tanong ni Marco sakin .
"Wala parin sila Mom and Dad" Sagot ko.
"Magkikita rin kayo" Sagot ni Marco sakin.
"Sana nga" Sagot ko sabay upo na lang sa isang tabi .
"Elsie !" Malakas na pagtawag ni Tita Miranda sakin kaya napatayo ako . Agad akong lumapit kay Tita Miranda .
"Bakit po ?" Tanong ko . Napatingin ako sa taong kasama ni Tita Miranda .
"Anak" Nagulat ako nang makita ko ang Mom and Dad ko .
"Mo--Mom ? Dad ?" Tanong ko nang nakatingin sa kanila.
"Anak ko" Sambit ni Mom kaya naman agad akong napalapit sa kanya . Niyakap ko nang mahigpit ang Mom ko .
"Miss na miss ko na po kayo" Umiiyak kong sabi habang yakap si Mom .
"Miss ka na rin namin , Anak" Umiiyak na sabi ni Dad .
Agad ko na ring niyakap si Dad . Sa wakas , Nandito na ulit sila sa tabi ko . Hindi ko na sila hahayaang umalis pa nang sobrang layo .
Umiiyak kaming tatlo dahil ang tagal-tagal naming hindi nagkita .
Napansin kong sobrang namayat ang Mom ko .Bakit kaya ang laki ng ipinayat niya ? Tapos para pa siyang putlang-putla .
"Mom , Ayos ka lang ba ?" Tanong ko sa kanya.
"A--Ayos lang ako , Elsie" Sagot ni Mom sakin .
"Ang laki ng inipayat mo" Sagot ko.
"Mabuti pa at maupo na muna kami" Sabi ni Tita Miranda sa kanila.
Napansin kong inaalalayan na ni Dad si Mom . Para talagang may mali eh . Hindi naman ganyan kahina si Mom noon . Kumakain pa ba siya nang ayos ?
"Tita Miranda , Mas mabuti pa kung pakainin muna natin sila Mom and Dad . Maghahanda kami ni Marco ng pagkain" Sabi ko.
"Marco ?" Tanong ni Dad .
"O---Opo" Sagot ko.
"Welcome po sa pagbabalik niyo" Sabi ni Marco sa kanila.
"Bakit magkasama kayo ?" Tanong ni Dad.
"Mahabang kwento po . Wag po kayong mag-alala , Nagbago na siya . Nagkaayos na po kami" Sagot ko.
Napatingin na lang si Dad kay Marco . Niyakag ko na si Marco para naman mag-ayos ng mga kakainin namin kasama nila Mom and Dad .
Sobrang-saya ko ngayon dahil kasama ko na ulit sila 😍💞😘 GUSTO KONG MAGING SPECIAL ANG ARAW NA'TO PARA SAMIN .
💞To be Continued💞
Malaman na kaya ni Elsie ang kundisyon ng kanyang Mom ? Abangan .
BINABASA MO ANG
SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)
Roman pour Adolescents(SKETCHPAD) MARRIED TO BTS JUNGKOOK Book 2 Ang PAG-IBIG na marami nang napagdaanan ay mas tumatatag at mas lumalakas . Sa Pag-Ibig , Kailangan meron kang pagtitiwala taong mahal mo . Totoo nga ba ang salitang Forever at Destiny ? Posible nga ba ang...