MARCO'S POV :
Nang mabili ko na lahat ng pinamili ko sa palengke , Agad na kong nagmadaling bumalik sa farm ni Nanay Miranda .
I'm sure matutuwa si Nanay Miranda sa mga pinamili ko . I'm thankful kasi naging pamilya ko siya. Nang dumating ako sa farm , Nagmadali ko nang inilapag ang mga pinamili ko .
Teka , Nasaan na ba si Nanay Miranda ?
"Yah ! Nanay Miranda ! Nandito pa ko ako !" Pagtawag ko sa kanya sabay lakad sa tabi-tabi . Maya-maya , Nakita ko na siya .
"Nay Miranda ! Kanina pa kita hinahanap" Sambit ko sabay lapit sa kanya .
"Oh , Marco . Salamat sa pamimili ah . Saka pala , Dumating yung pamangkin ko . Si Elsie" Sagot niya sakin nang nakangiti.
"Talaga po ? Mabuti . Ako na pong magluluto" Sagot ko.
"Sandali , Gusto kong magkakilala kayo . Nandito siya . Elsie !" Sambit ni Nay Miranda sabay tawag sa pamangkin niya .
Aba , Nandito pala yung pamangkin niya . I'm sure masayang-masaya si Nay Miranda . Miss na miss na niya ang pamangkin niya eh .
Napangiti na lang ako at sinundan si Nay Miranda . Nawala ang ngiti ko nang tuluyang makaharap yung pamangkin niya . Parang tumigil ang mundo ko nang makita siya .
Hindi pwede 'to ! Totoo ba 'tong nakikita ko ? Siya ba talaga yung pamangkin ni Nanay Miranda ? Si El---Elsie !
"Elsie ?" Gulat na gulat kong Tanong.
"Marco ?" Nagulat din siya nang makita ako.
"Hala , Magkakilala na kayo ?" Tanong ni Nanay Miranda samin .
"Elsie , Ikaw nga ! Pa--Paano ?" Tanong ko.
"Anong Paano ? Pamangkin ako ni Tita Miranda . Ikaw ? Paano ka napunta dito ? Anong nangyari sayo ?" Tanong niya sakin.
"Ahhhmmm , Nung pabalik na ko noon dito sa Pilipinas . Nagkakilala kami ni Nay Miranda . Kinupkop niya ko at itinuring na pamilya" Sagot ko.
"Hala ! Nakakagulat !" Sabi ni Elsie sabay lapit sakin.
"Magkakilala na pala kayo . Sige na , Maiwan ko muna kayo para naman makapag-usap kayo . Ako nang magluluto . Mukhang ang tagal niyong di nagkita eh" Sambit ni Nay Miranda sabay alis .
I looked at her seriously . Nakangiti naman siya sakin .
"Sorry Elsie , Sa lahat-lahat" Sambit ko sa kanya nang paseryoso .
"Ano ka ba ? Matagal na 'yun . Kalimutan na natin yun . Long Time No See" Sambit niya nang nakangiti .
"Sorry talaga" Sambit ko.
Nagulat ako dahil bigla niya kong niyakap . Namiss ko talaga siya . Lahat-lahat sa kanya .
"Kalimutan na nga natin 'yun . Ang mahalaga maayos na ang lahat" Sambit niya sakin.
"Si--Sige , Elsie . Kumusta na kayo ni Jungkook ?" Tanong ko.
"Maayos naman kami . Busy pa siya sa Group Schedules nila eh" Sagot niya.
"I'm sure na magagalit 'yun kapag nalamang magkasama tayo . Nangako akong never nang magpapakita sayo o sa kanya eh" Sabi ko.
"Naku ! Hindi 'yan . Wala nang problema . Napatawad na kita . Wag kang mag-alala . Alam ko namang nagbago ka na talaga" Sabi niya sakin.
"Salamat sa pagpapatawad sakin , Elsie" Sambit ko sa kanya sabay smile.
Akalain mo . Magkikita pala ulit kami . Aksidente ba talaga ang lahat o sinasadya ng tadhana ? Ang gulo eh . Akala ko never ko na siyang makikita pero heto siya ngayon at kasama ko . Namiss ko talaga si Elsie.
Masaya na rin ako at nakasama ko siya . Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan naming dalawa hanggang sa maluto na ang pagkain na niluluto ni Nay Miranda . Nagkwentihan kami nang nagkwentuhan ni Elsie . Mabuti na rin 'to , At least nakapagbonding ulit kami . Natupad 'yung wish ko .
Masaya na ko dahil nakita ko siya ulit . Kahit naman ganito , Alam ko parin ang limitasyon ko . Alam ko kung hanggang saan lang ako dapat . Nirerespeto ko sila ni Jungkook.
"Handa na ang pagkain" Sambit ni Nay Miranda .
Sabay-sabay na kaming kumain sa Bahay Kubo . Tawanan lang kami nang tawanan . Ang saya ko ngayon .
~ To Be Continued ~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Guys , Maraming Salamat dahil hindi niyo ko iniwanan . Madaming Salamat dahil pinalakas niyo ang loob kong ipagpatuloy ang kwentong 'to . Inaamin kong nahihirapan padin ako pero ginagawan ko na ng paraan para maayos ang story na 'to . Thank you talaga sa inyo . Fighting ! Cheer Up ! Sana magustuhan niyo parin kahit lame update lang ang nagawa ko . Balang araw , Makakabawi din ako para sa inyo . Pangako 'yan . Salamat ~
BINABASA MO ANG
SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)
Teen Fiction(SKETCHPAD) MARRIED TO BTS JUNGKOOK Book 2 Ang PAG-IBIG na marami nang napagdaanan ay mas tumatatag at mas lumalakas . Sa Pag-Ibig , Kailangan meron kang pagtitiwala taong mahal mo . Totoo nga ba ang salitang Forever at Destiny ? Posible nga ba ang...