Chapter 9 - Drunken

601 22 3
                                    



JANINE'S POV :


Bigla akong kinabahan nang todo nang makitang walang malay sa loob ng kotse si Suga. Ni hindi man lang niya nagawang isarado ang pintuan ng kotse . Paano kung napaano siya ?! Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil sa sobrang pag-aalala .


''Suga ! Wake Up , Hoy ! Min Yoon Gi !'' Panggigising ko kay Suga.


''Kumusta si Suga ?" Tanong ni Elsie sakin.


''Guys ! Si Suga ! What happened ?!'' Nagpapanic kong tanong.


''Relax Janine ! Mukhang lasing lang si Suga kaya walang malay . Ang daming bote ng alak dito oh'' Sambit ni Taehyung.


''Talaga ?!'' Tanong ni Jungkook kay Taehyung na hinawakan pa ang isang walang lamang bote ng alak.


''Kasalanan ko 'to ! Kung inintindi ko lang sana siya'' Sabi ko sabay yuko.


''Wag mong sisihin ang sarili mo , Mas mabuti pa ay iuwi na natin si Suga'' Sabi ni Elsie . Nang akma na akong kikilos ay bigla akong hinawakan sa kamay ni Suga . Natigilan kaming lahat sa ginawa niya . Nagkaroon siya nang malay pero lasing na lasing padin siya.


''Nasa langit na ba ako ?! Hayy ~ Mabuti naman ~ Kasi naman eh ! Hirap na hirap na ko kay Janine'' Sabi ni Suga na pikit pa din ang mata.


''Suga.....I'm Sorry'' Sabi ko.


''Janine , Bakit ba kasi hindi mo ko binibigyan ng halaga ?! Wala na ba kong kwenta para sayo ?! May iba ka nang mahal ?! Di mo na ko kayang mahalin ?! Sige ! Iwanan mo na ko !'' Sabi ni Suga .


Napayuko na lang ako . Kasalanan ko 'to ! Ni hindi ko man lang inalala ang maaaring maramdaman ni Suga . Agad na naman siyang inayos ng higa nila Jungkook sa loob ng kotse. Si Seokjin na ang nagmaneho ng kotse pabalik sa dorm habang kami naglakad pabalik sa dorm dahil nakahiga na si Suga sa loob ng kotse . Sumakay na rin si Jungkook sa loob ng kotse at sumabay kay Seokjin samantala kami nila Jimin at Elsie ay naglakad lang .


Habang naglalakad pauwi ay hindi ko mapigilang mapatingin kay JIMIN dahil alam na niya ang katotohanan . Natatakot ako na baka masabi niya kay Elsie nang di sinasadya . He looked at me seriously na para bang sinasabi niya sa pamamagitan ng pagtitig na wala siyang sasabihin na kahit ano.


Bigla namang napatingin samin ni Jimin si Elsie . Agad kaming umiwas ng tingin ni Jimin sa kanya. Sana di niya mahalata .


''Bakit ? May problema ba ? Jimin ? Janine ? Bakit nagtitinginan kayong dalawa ?" Tanong ni Elsie samin.


''Ahhhmmm....Wala naman'' Sagot ko sabay yuko.


''Si...Sige , Sabi mo eh . Bilisan na natin ang lakad para naman maasikaso na natin si Suga sa bahay'' Sabi ni Elsie samin kaya naman nagmadali na kaming umuwi sa bahay .

SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon