JUNGKOOK'S POV :
Habang nasa emergency room ang Mom ni Elsie , Nakita kong umiiyak si Elsie sa waiting area katabi ng kanyang Dad at Tita Miranda .
Anong gagawin ko ? Gusto ko siyang damayan sa mga oras na 'to pero mukhang ayos na siya sa pamilya niya . Iyak lang siya nang iyak kaya naman nalulungkot rin ako.
Ayokong nakikita siya nang ganyan . Ayokong makitang umiiyak siya . Ayokong maramdaman niyang wala ako sa tabi niya .
Napatingin naman ako kay Marco na napadaan sa harapan ko . Natigilan siya nang makita ako .
"Mag-usap tayo" Sambit ko sa kanya kaya naman sumunod siya sakin sa pwestong makakapag-usap kami nang maayos .
"Ano bang kailangan mo ? Masaya ka na ? Masaya ka nang makitang umiiyak si Elsie ?" Tanong niya.
"Para sabihin ko sayo , Hindi ko ginusto 'to . Saka , Diba't sinabihan na kita noon na wag na wag ka nang magpapakita" Sagot ko sa kanya.
"Tama ka , Pero anong magagawa ko ? Mukhang sinasadya ng tadhana na magkita kami ulit" Sagot niya sakin . Gustong-gusto ko talaga siyang suntukin ngayon pero nagtitimpi lang ako .
"Huh , Sinasadya ng tadhana o baka naman sinasadya mo ?!" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo , Wala akong balak makigulo sayo eh . Pwede ba ? Kahit ngayon lang , Wag kang gumawa ng gulo ?" Tanong niya sakin.
"Ikaw 'tong gumagawa ng gulo sa muling pagpapakita samin" Sagot ko.
"Nagkakamali ka diyan , Ikaw 'tong naunang sumuntok sakin . Ikaw 'tong hindi nakinig sa mga explanations namin . Kita mo na ? Look what you've done" Sabi niya sabay turo kay Elsie na umiiyak sa di kalayuan.
"Ako pa talaga ang sinisi mo noh ?! It's your fault !" Sagot ko sa kanya.
"Nagkakamali ka diyan . Ikaw 'tong sugod nang sugod . May sakit ang mom ni Elsie . Meron siyang sakit sa puso . Dahil sa basta-bastang action mo , Inatake siya sa puso" Sagot niya sakin.
"What ? Ma--May sakit sa puso ang Mom ni Elsie ?" Gulat kong tanong.
"Tama ka diyan , Matagal na niyang iniinda ang sakit niya . Ipinaalam na sakin ni Nay Miranda . Yun ang dahilan kung bakit ang tagal na nawala ng parents ni Elsie . Kadadating lang nila at balak pa naman sana nilang magbonding pa pero nasa alanganin na ang Mom niya ngayon . Happy ?" Sambit ni Marco sakin nang paseryoso.
Hindi na ko nakasagot kay Marco . Agad rin namang lumakad palayo si Marco sakin .
Hind ko alam na may sakit pala ang Mom ni Elsie . Hi--Hindi ko sinasadyang sumugod nang basta-basta . Parang gumuho yung mundo ko sa nalaman ko .
Ngayon lang ulit sila nagkita , Ngayon lang ulit sila magkakasama-sama pero --- Sinira ko ang lahat nang 'yun nang dahil sa padalos-dalos kong actions .
Napaupo na lang ako sa isang tabi . Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa dami ng tumatakbo sa isipin ko .
🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
ELSIE'S POV :
Nabigla ako sa pagdating ni Jungkook . Bigla na lang niyang sinugod si Marco nang hindi pa nalalaman ang explanations ko .
Pero , Mas nagulat ako sa nangyari sa Mom ko . Agad siyang natumba sa sahig habang nagkakagulo sila Marco at Jungkook .
Parang huminto ang mundo ko nang makita kong tumumba ang mom ko . Agad na naman namin siyang dinala sa hospital at inisailalim na sa emegency room .
Naupo na muna ko sa waiting area kasama ni Tita Miranda at ni Dad .
"Da--Dad , Anong nangyayari kay Mom ?" Naiiyak kong tanong.
"Panahon na para malaman niya ang katotohanan" Sambit ni Tita Miranda kay Dad.
"Anong katotohanan ?" Kinakabahan na ko sa isasagot ni Dad sakin . Ayoko ng ganito .
"May sakit ang Mom mo" Sagot ni Dad sakin.
"Sakit ? Anong sakit ?" Naluluha kong tanong sa kanya.
"Sakit sa puso" Sagot ni Dad sakin kaya naman bumagsak na ang luha sa mata ko .
May sakit sa puso ang Mom ko ? Kailan pa ? Totoo ba 'to o isa lang masamang panaginip ?
"Wag naman magbiro , Dad" Sagot ko.
"Sana nga't isang biro lang ang lahat pero ito ang katotohanan . Ito ang dahilan kung bakit ang tagal naming nawala . Sinubukan naming humanap ng magaling na doctor pero wala . Malala na ang sakit ng Mom mo" Sagot niya.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi sakin ?!" Umiiyak kong tanong sa kanila.
"Dahil 'yun ang kagustuhan ng Mom mo , Ayaw niyang namomroblema ka" Sagot ni Dad.
"Yung Mom ko , Kailangan niyang gumaling ! Kailangan ko siya" Umiiyak kong sagot .
Agad naman akong niyakap ni Dad habang umiiyak ako . Hindi ko akalain na ito pala ang sikretong matagal na nilang initatago sakin .
Masakit eh , Masakit dito sa puso ko . Masakit na makitang nahihirapan ang Mom ko na gusto ko pang makasama nang mas matagal .
Patuloy lang sa pagbagsak ang luha ko kasabay ng pagkirot ng puso ko sa mga nangyayari .
"Iiyak mo lang , Anak . Pasensya ka na dahil initago namin ang katotohanan" Sambit ni Dad.
"Lalaban ang Mom mo , Elsie" Sambit naman ni Tita Miranda .
Agad na rin naman akong hinayaang makapag-isa nila Tita Miranda at Dad . Naiwan akong nakaupo sa waiting area na umiiyak lang bang umiiyak .
Maya-maya pa , Napalingon ako sa di kalayuan . Nakita ko si Jungkook na papalapit sakin kaya naman agad na kong tumayo muna at lumakad na papunta sa chapel ng hospital upang magdasal .
Ayoko munang makipag-usap sa kahit na sino . Gusto kong mapag-isa . Gusto kong mapag-isip isip ang lahat .
Nagpunta na ko sa chapel ng church at agad rin namang nagdasal .
💔To be Continued💔
Ano na nga kayang mangyayari ngayong nasa alanganing sitwasyon na ang Mom ni Elsie ? Anong magiging reaction niya kapag nalaman niyang alam ng mga kaibigan niya ang katotohanan ? Abangan .
BINABASA MO ANG
SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)
Teen Fiction(SKETCHPAD) MARRIED TO BTS JUNGKOOK Book 2 Ang PAG-IBIG na marami nang napagdaanan ay mas tumatatag at mas lumalakas . Sa Pag-Ibig , Kailangan meron kang pagtitiwala taong mahal mo . Totoo nga ba ang salitang Forever at Destiny ? Posible nga ba ang...