MARCO'S POV :
Ni minsan hindi ko hinangad na magkaganito ang lahat. Hindi ko gustong magkagulo. Wala naman akong ginawang masama eh. Hindi ko hinahangad na agawin si Elsie kay Jungkook.
Bakit palagi na lang masama ang tingin niya sakin ? Bakit palagi na lang ako ang kontrabida ? Bakit palagi na lang niyang binibigyan ng masamang meaning ang lahat ?!
Kasalanan ko bang magkita kami ni Elsie dito ? Kasalanan ko bang naging parte na si Nay Miranda ng buhay ko ? Kasalanan ko bang magkaganito ang lahat ?! Wala akong masamang intensyon !
Dahil sa naganap na away namin ni Jungkook, Pinabalik na kami ng Daddy ni Elsie sa bukirin. Gusto ko pa sanang magstay sa hospital para damayan si Elsie. Alam kong sa pagkakataong 'to, Kailangan niya ng karamay. Kailangan niya ng taong susuporta't uunawa sa nararamdaman niya.
Nang dumating ako sa bukirin, Nakita kong mag-isang nakatambay si Jungkook sa ilalim ng puno. Nagkatinginan na lang kaming dalawa. Siyempre ! Iiwas na ko sa gulo kaya lumayo na muna ko.
Sana maging maayos na ang lahat. Sana maging ayos na si Elsie. Ayokong nasasaktan siya. Ayokong umiiyak siya. Kahit 'di niya ko mahal, Patuloy parin akong susuporta sa kanya. Patuloy ko parin siyang mamahalin kahit hindi niya ibalik ang pagmamahal na 'yun.
Ang dami nang nangyari sa buhay niya. Ang dami na niyang napagdaanan. Alam kong kakayanin niya 'to. Sa oras na kailanganin niya ko, Darating ako para tulungan siya.
Hanggang sa dumating na si Nay Miranda. Agad ko na siyang sinalubong.
"Nay Miranda, Hindi ko ginustong magkagulo"
"Wag kang mag-alala, Wala ka namang ginawang masama eh" Sagot niya sabay ayos sa buhok ko.
"Kumusta na si Elsie ?"
"Ayun, Naiyak padin. Kasama ng dad niya. Hindi parin niya matanggap ang masakit na katotohanan. Naaawa ako sa pamangkin ko. Sobra na yung sakit na pinagdadaanan niya. Sobra na yung problema ni Elsie sa buhay niya. Walang may gusto sa nangyari. Isa yung aksidente. Sa ngayon, Inaasikaso na ang bangkay ng Mom niya" Sagot ni Nay Miranda.
Agad namang lumapit si Jungkook samin. Alam kong mainit padin talaga ang dugo niya sakin.
"Kumusta na po si Elsie ?" Tanong ni Jungkook.
"Ayun. Naiyak padin. Inaayos pa ang bangkay ng dad niya" Sagot ni Nay Miranda.
"Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang damayan" Sabi ni Jungkook.
"Huwag muna! Hayaan muna natin siyang mapag-isa"
"Ikaw ba ang kausap ko ?" Galit na tanong ni Jungkook sakin.
"Unawain mo naman ang lagay ni Elsie!"
"Nauunawaan ko si Elsie. Pero ikaw, Hindi eh. Hindi ko nauunawaan kung bakit balik ka pa nang balik sa buhay namin !" Sagot niya
"May masama ba kong nagawa sayo ?! Sabihin mo !"
"Oo! Simula nang bumalik ka sa buhay niya. Yun yung masamang ginawa mo ! Nagkagulo na naman nung muli kang nagpakita" Sagot ni Jungkook sabay lakad na palayo.
"Wag mong sisisihin ang sarili mo" Payo ni Nay Miranda sakin kaya naman napatango na lang ako sa kanya.
Naupo na lang ulit ako sa isang sulok at napag-isip muna tungkol sa mga nangyayari.
~ To Be Continued ~
A/N: Sorry sa slow update. May writer's block ako dito sa kwentong 'to. Sana maintindihan niyo. Thank you.
BINABASA MO ANG
SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)
Teen Fiction(SKETCHPAD) MARRIED TO BTS JUNGKOOK Book 2 Ang PAG-IBIG na marami nang napagdaanan ay mas tumatatag at mas lumalakas . Sa Pag-Ibig , Kailangan meron kang pagtitiwala taong mahal mo . Totoo nga ba ang salitang Forever at Destiny ? Posible nga ba ang...