JUNGKOOK'S POV :
Makalipas ang ilang oras ng paghihintay, Lumabas na ang doctor para harapin sila Elsie. Agad na din naman akong lumapit para alamin ang resulta.
"Kumusta na ang asawa ko, Doc ?" Tanong ng Dad ni Elsie.
"Ano na pong nangyari sa Mom ko ?" Tanong naman ni Elsie na halatang kabado.
"Ikinalulungkot ko pong sabihin na wala na po ang pasyente. Ginawa na po namin ang lahat para mailigtas siya. Nakikiramay po kami sa inyo" Sagot ng doctor.
"Ano ?! Hindi totoo 'yan ! Sabihin mo doc, Diba hindi totoo yung sinabi niyo ?!" Naiiyak na tanong ni Elsie.
"Pasensya na po talaga. Excuse me po" Sagot ng doctor sabay lakad.
Agad na nagmadali si Elsie para pumasok sa kwarto kung nasaan ang mom niya. Tuluyan nang humagulgol si Elsie nang makita na niya ang kanyang mom at nang malaman na niya ang katotohanan.
"Hindi ! Mom ! No way ! No ! Wake up !" Patuloy lang sa paghagulhol si Elsie habang yakap-yakap ang kanyang nanay na wala nang buhay.
"Anak, Wala na siya. Tama na" Naiiyak na ring sabi ng Dad niya.
"Hindi pwede 'to ! Hindi pwede ! Mom, Gumising ka diyan. Ano ba ?! Hindi ka pa pwedeng umalis !" Sabi ni Elsie habang umiiyak.
Napatayo na lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan si Elsie na humahagulgol sa tabi ng kanyang dad.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto kong sabihin sa kanyang nandito lang ako para sa kanya kaso hindi ko magawa. Alam kong ito na ang pinakamahirap at pinakamasakit na problemang hinaharap niya.
Hindi ko maiwasang malungkot nang sobra habang pinagmamasdan ang mahal kong nasasaktan nang sobra. Hindi na dapat nangyari 'to eh. Hindi ko na dapat pinairal ang kahibangan ko.
Maya-maya pa, Bumalik na rin sa loob si Tita Miranda kasama si Marco.
"A--Anong nangyari ?" Tanong ni Tita Miranda.
"Wa--Wala na si Mom" Umiiyak na sagot ni Elsie.
"Tama na 'yan, Elsie. Tanggapin na natin ang katotohanan" Sabi ng Dad niya.
Agad namang naluha si Tita Miranda sabay yakap nang mahigpit kay Elsie.
"Tama na, Elsie. Wala na siya. Wala na ang Mom mo" Lumuluhang sabi ni Tita Miranda.
Nagkatinginan naman kami ni Marco. Pareho muna kaming nanatili sa labas ni Marco.
"Ano ? Ito ba ang gusto mong mangyari kay Elsie ? Ito ba ang gusto mong maramdaman niya ?" Seryosong tanong ni Marco sakin.
"Walang mag gusto ng nangyari"
"Pakiusap, Huwag na nating palalain ang lahat" Sagot niya sakin.
"Bakit ka pa kasi bumalik sa buhay namin ?!"
"Hindi ko alam na may koneksyon sa isa't-isa sinabi Nanay Miranda at Elsie" Sagot niya sakin.
"Hindi mo alam ?! Baka naman sinadya mo talaga !"
"Ano bang sinasabi mo ? Bakit ba takot na takot kang bumalik ako sa buhay ni Elsie ? Natatakot ka bang balikan niya ko ?" Tanong ni Marco kaya naman nag-init ang ulo ko.
Agad ko siyang sinugod at binigyan ng suntok hanggang sa tuluyan na kaming magkagulo. Agad namang kumilos ang Dad ni Elsie para pigilan kami.
"Ano ba kayo ?! Tama na 'yan ! Huwag niyo nang dagdagan ang problema ! Kung gusto niyong magpatayan, Huwag dito ! Huwag sa harapan ni Elsie ! Alam niyo nang ang dami-dami na niyang pinagdadaanan , Sasabay pa kayo ?!" Galit na sabi ng Dad ni Elsie.
"Umuwi na muna kayo pareho ! Lakad na !" Sabi naman ni Tita Miranda.
Hindi naman umimik si Elsie. Nanatili lang siyang umiiyak sa loob. Siguro hindi na niya napapansin ang ibang nangyayari dahil masyado siyang nag-iisip tungkol sa kanyang Mom.
Nagkatinginan na lang kami nang masama sa isa't-isa ni Marco. Nauna na kong lumakad paalis dahil baka hindi na naman ako makapagpigil. Bumalik na muna ko sa bukirin at nagpalipas ng oras. Kailangan kong kumalma . Kailangan kong magpakatatag para kay Elsie. Hindi ko dapat dagdagan ang kanyang problema.
~ TO BE CONTINUED ~
A/N : Matagal ko nang natapos 'tong part na 'to kaso nakalimutan ko palang i-publish. Sorry sa paghihintay. Sorry talaga. Thank you so much. Susubukan ko ulit magupdate as soon as possible.
BINABASA MO ANG
SKETCHPAD (Married To Bts Jungkook II)
Teen Fiction(SKETCHPAD) MARRIED TO BTS JUNGKOOK Book 2 Ang PAG-IBIG na marami nang napagdaanan ay mas tumatatag at mas lumalakas . Sa Pag-Ibig , Kailangan meron kang pagtitiwala taong mahal mo . Totoo nga ba ang salitang Forever at Destiny ? Posible nga ba ang...