Chapter 13 - Necklace

3.3K 87 0
                                    

It's sunday kaya wala silang pasok. Hera decided to just stay in their dorm at magmukmok nalang. Nakaupo siya sa kama niya at malakas na napabuntong hininga. It's been what? 1 month and 2 weeks pero hindi parin niya nahahanap ni anino ng kapatid niya. She already met the royalties, she had an enemy but later became friends and she became a superior. All of those things happened during her stay in the academy in less than two months but finding her sister has no improvement at all. Hindi parin naman siya nawawalan ng pag-asa dahil alam naman niyang maaga pa but she misses her already even though hindi sila lumaki ng magkasama. 

Talking about becoming a superior. Lumipat na sila ng classroom nila pero pareho parin naman ang coaches nila iba nga lang ang adviser. Coach Jack Boom is their adviser now at ang saya at swerte nila dahil kaklase nila sina Christian Luke, Charles, Matteo, Terrence at Janus (notice the sarcasm). Bigla tuloy niyang naalala ang nangyare noong araw na iyon.

Flashback

"Everyone, meet the new superiors, kaunti lang sila at puro babae pa kaya be good to them and ladies introduce yourselves now" Coach Boom said. They are nervous but at the same excited. Marami ang magbabago at kabilang na doon ang training at ang mga kaklase nila. Napangiwi sila dahil sa tingin ng iba nilang mga bagong kaklase. Their stares are not very welcoming.

"Hello guys. I'm Cyrine Martel, Earth elementalist"unang nagpakilala si Cyrine. Sumunod si Hera, Daphne, Thalia at Iris. Huling nagpakilala si Eve Roberts na  walang pakialam sa tingin ng mga maarte nilang kaklase. Medyo balot kasi ang pananamit niya at nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Medyo maluwang ang uniform niya at lumampas ng kaunti ang palda niya sa tuhod. Wala din siyang nilagay na kahit ano sa mukha niya kagaya ng ibang mga babae.

"Thank you ladies, you may now seat" after their introduction humanap na sila ng mauupuan nila. Nakaupo na ang lahat pwera kay Hera. May bakanteng upuan naman kaya lang nakapwesto iyon sa harapan ni Luke na may  kakaibang ngiti sa labi. Alanganing napatingin si Hera sa upuan na kaharap ni Luke.

"Any problem Ms. Seine?" Coach Boom Asked. Umiling naman si Hera at pilit na ngumiti. "Ah, nothing sir" agad na sabi ni Hera. Luke smirked and Hera noticed it. She rolled her eyes at him and sit in the vacant chair. While sitting she just can't brush off the thought of killing Luke in her mind. Naiinis siya sa ngiti nito.

"Okay dahil may mga bago ngayon dito we will not have a class today, magbonding nalang muna kayo at ako naman ay kailangang pumunta sa Master's Office dahil pinatawag ako kaya babye na muna"paalam ni Coach Boom sa kanila. Napa 'yes' naman ang iba. One of the student's happiness is if their teacher has an emergency or ipinatawag ito ng head. Nang makalabas na si Coach Boom ay nagkanya-kanyang tayo ang lahat at lumipat ng mauupuan para makichismis. Nanatili naman sa upuan si Hera. 

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon