Chapter 5 - We are Family

4.7K 111 1
                                    

Hera

Nasa classroom lang kami at naghihintay sa coach namin para sa araw na ito. Para hindi kami mabore ay nagkwentuhan nalang kami, ulit. Hindi na nga namin alam kung ano pa ang pag-uusapan namin sa susunod dahil parang nakwento na namin lahat ng tungkol sa amin maliban sa akin. I still need to lie for my sister and mine's safety. Napatingin ako sa iba naming kaklase at ganoon din ang ginagawa nila. Chismis.

"I really like our subjet for today. Chemical making!" excited na sabi ni Thalia. Hindi ko alam kung anong utak mayroon ang babaeng ito. Noong history namin halatang bored siya pero pinipilit lang niya ang sarili kasi gwapo si Coach Daze at ngayon naman na mukhang mahirap ang subject ay excited pa siya.

"Parang masama ang kutob ko sa subject na'to. Chemical making, pangalan palang mahirap na. I can still remember nang pinakialaman ko ang libro ni kuya about sa subject na ito and I don't understand it at all. " wika ni Cyrine na mukhang hindi maipinta ang mukha. Natawa nalang ako ng kaunti.

Napaisip naman ako sa kapatid ko. Wala parin akong ginagawa para mahanap siya. Mahirap din kasi lalo na at maraming mata ang nakabantay sa akin.

"Hera, may problema ba? Natahimik ka?" just like Daphne. When someone spaces out she will always ask right away. Kaya hindi ako makaisip ng plano dahil sa kanya. I'm alway quite whenever I have something in mind and I can't make any plan when I'm busy talking with someone. Hindi ko kaya ang multitasking.

I smiled at her. "nothing" I said and I can tell that she's not convinced. Pinaningkitan niya ako ng mata and she's crossing her arms. Parang si nanay lang kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

"Bakit ganoon? I have a feeling na hindi ka nagsasabi ng totoo?" aniya. I forced a little laugh. "You are just overthinking"sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga nalang siya. "Okay, pero kung may problema ka pwede mo namang sabihin sa akin o sa amin. Anytime Hera" mukhang hindi na niya ako pipilitin pa. She won't win anyway. Sabi nga ni nanay, mas matigas pa daw ang ulo ko kaysa sa bato.
"Thanks" I said.

After a couple of minutes a beautiful woman entered our classroom. I thought she's our new classmate but she went in the middle and introduced herself as a coach. "Goodmorning rookies! My name is Andrea Rosevelt, your coach every tuesday and as you all know our subject is Chemical making" aniya. Napanganga kami sa sinabi niya. She looks so young to be our coach. Parang mas bagay pa siyang maging kaklase namin. Ang tono din ng pagsasalita niya ay katulad sa amin, bagets na bagets. Parang pamilyar din siya, siya yung babae na nagturo sa hagdanan papuntang opisina ni master kasama si Coach Boom.

"Hey rookies! Nakikinig ba kayo?"

Nabalik kami sa ulirat namin nang nagtanong siya. "Yes Coach!" sagot naming lahat.

"Grabe ang ganda niya. Sana kapag nagturo din ako dito ganyan din ako kaganda" bulong ni Thalia. I remember she mentioned that she wants to be a coach here in Aviana and I think that's good.

"Teka lang coach, ilang taon na po ba kayo? Magkaedad lang po ba tayo?" tanong ng isang kaklase ko. I think all of us are curious about her age. Tumawa lang si Coach. "No, mas matanda ako sa inyo ng ilang taon. I'm 24 years old"she said proudly.

"Talaga?"we all said in chorus. I'm not sure if I should believe her or not. I mean, she's 24 but she looks like 17 or 18.

"Yes. Anyway and again tungkol sa chemicals ang ituturo ko sa inyo every tuesday. Every tuesday din tayo gagawa ng mga chemicals kasali na doon ang mga potions. Potions ang kadalasang ginagawa natin dahil ito ang mas ginagamit ng karamihan especially in battles. I'll explain to you the kinds of potion next meeting." Wika niya.

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon