Chapter 23 -Ed, Anne and Lili

3K 83 0
                                    

Hera

"Diana, kailangan mo nang gumising" sabi sa akin ni Igrem. The Fire Goddess.

"Salamat po sa tulong niyo" pasasalamat ko sa kanila. Ang laki ng itinulong nila sa akin. Sinanay nila ako sa loob ng kaunting panahon pero sapat na iyon para madgdagan ang lakas at kaalaman ko sa mga elemento ko.

"You're welcome" si Panote. Pronounce as Pa-No-ty, the air goddess. Siya rin yung nagsabi sa akin na bob. Sa una naming pagkikita talagang maldita siya pero mabait rin naman siya pag nakilala ng husto.

"Basta tandaan mo ang lahat ng itinuro namin sa iyo Diana" si Dreadeath, the earth god at ang nagsabi sa akin ng stupid nung hinabol ako ng mga halimaw at nung kailangan kung mahanap ang portal.

"Opo tatandaan ko po lahat"

"Pero Diana, kailangan mong mag-ingat sa pagbalik mo. Huwag magtitiwala ng basta basta. Alam mo namang may traydor sa Aviana hindi ba" paalala sa akin ni Hyuno ang water god. Tumango naman ako.

"Oo nga at wag kang bobo ha" singit ni Panote. Nakita ko naman na napairap si Hyuno sa sinabi niya. Palaging nag-aaway ang dalawa na parang aso at pusa. Napahawak sa noo si Dreadeth at napailing nalang si Igrem. 

"At try mo minsan na pagandahin ang pangalan mo" sabi ni Hyuno kay Panote. Heto na naman sila. Napabuntong hininga nalang si Igrem at Dreadeth. Seryoso talaga ang dalawa.

"Kasalanan ko bang Panote ang ibinigay na pangalan ng kanunununuan ni Diana sa akin" sabi nito at napatawa naman kaming lahat.

"Tama na iyan, kailangan ng umalis ni Diana" wika ni Igrem. Napakaganda talaga niya, malakas at matalino pa. All of them are awesome actually. I'm happy that I finally met them. One of my dream came true. 

Nang mahimatay ako ay parang napunta ako sa ibang dimensyon at nakilala ko sila.Tatlong buwan din ako sa kanila. May sinabi din sila tungkol sa trabaho ko. Ang pagiging isang prinsesa. Hindi lang basta prinsesa, ang pagiging destined princess. The one Daphne and the royalties talked about. Tama nga ang hinala ko na isa akong prinsesa pero hindi ko inaasahan na ako ang destined princess. May kapatid pa din pala ako maliban sa bunso kong kapatid. Iyon ang kambal. Hindi ako makapaniwala noong una pero ang mga elemento ko ang siyang ebidensya ng lahat. Wala naman akong magawa dahil ako ang pinili. Mabuti narin ito kaysa naman ang bunso kong kapatid ang maging destined princess baka kung ano pamg mangyari sa kanya.

Marami silang mga impormasyon na sinabi pero alam kong hindi pa lahat ang nasasabi nila.

"Sige po" sabi ko sa kanila at nagdilim na ang paningin ko.

Napabangon ako sa higaan nang magising na ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. It's not really familiar. Hindi ito ang dorm namin ah. Oo nga pala, nakalimutan kong nandito pa ako sa gubat.

"Oh iha mabuti at gising ka na" napatingin ako sa may pintuan. Nakita ko ang isang magandang babae na may dalang mga damit.

"Ah opo, salamat po sa tulong niyo" sabi ko atsaka umupo sa kama. Umupo rin siya sa tabi ko at hinawakan niya ang pisnge ko at ngumiti. Her smile is very warm but I saw sadness in her eyes.

"Walang anuman, mabuti magaling kana tatlong araw ka naring tulog" sabi nito sa akin. Oo nga pala hindi magkapareha ang oras dito at sa kinaruruonan ng mga Gods. 1 day here is 1 month there. 

Tumayo na ako at inayos ang higaan. "Ito nga pala ang mga damit mo iha" Inabot niya ang dala niyang damit sa akin at tinanggap ko ito.

"Salamat po, thank you po talaga"

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon