Chapter 25 - The Light of Iris

3.2K 85 0
                                    

"Ngayon ang enhancement nila Lord Diego" anang isang babae sa kausap nila sa salamin. Napatango naman ang sinasabi nilang Lord Diego at napangiti ng malademonyo.

"Alam niyo na ang gagawin niyo. Kunin niyo ang guardian na iyan. Sigurado akong alam niya kung nasaan ang prinsesa"tumango lang ang dalawa sa sinabi nito.

"Opo atsaka hindi na rin problema iyan dahil lahat ng estudyante dito naniniwalang siya ang traydor kaya kahit kunin natin siya walang may pakialam"

"Magaling, kapag nakuha na natin ang guardian na iyan at sasabihin niya kung saan ang prinsesa patayin niyo na" napangisi naman ang dalawa at nagkatinginan saka naglaho ang imahe sa salamin.


Iris

Ngayon na ang enhancement paniguradong nandito ang isang iyon. Alam kong may kasama siya at alam na nila kung sino ako kaya kailangan kong mag-ingat. I know that they want to kill me hindi ko lang alam kung paano nila iyon gagawin lalo na at maraming estudyante ang manunuod isama pa ang mga taga council.

I'm heading to the arena right now. While walking I just can't help but look at the people around me. Iniisip talaga nilang traydor ako. Lalakad na sana ako pero naramdaman kong may tatama sa likod ko kaya yumuko ako. Tumingin ako sa likod ko and there I saw Elina and her friends at nakangisi sila. Kapag ako talaga hindi nakapagpigil naku! Sila ang may pakana ng lahat. I mean sila ang unang bumully sa akin at gumaya naman ang iba.

"Oh hi traitor" bati niya sa akin. Nginitian ko siya at bumati din. "Oh hi"

"Bakit ka pa kaya nandito? Ahh alam ko na dahil kaibigan mo ang mga prinsesa. Manggagamit ka talaga, hindi ka bagay dito sa Aviana. " sabi niya sa akin. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya kung sino talaga  ako. Ang sinasabihan niyang hindi bagay sa aviana ay isang aviana. Lihim akong napangiti dahil doon. I can't wait for her to know and see her reaction.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako ang traydor. Alam mo, minsan tingin tingin din sa paligid ha" makahulugang wika ko sa kaniya. I know that one of her friends is the traitor. Si Elina ay hindi mabait obvious naman pero alam kong isa siyang magaling na valerian. Gusto niyang maayos ang aviana at valeria, she will be a good knight someday.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at lumakad na siya. Binangga pa ang balikat ko.

"Iris" napatingin ako kay Eve na nakalapit na pala sa akin. Thankful ako kay Eve dahil naniwala siya sa akin at parati niya akong sinasamahan. Kahit naman weird tong babaeng to mabait naman. Also to Devonne and her squad. I really like those girls. "Oh bakit?"

"Ano na naman ang sinabi sayo ng babaeng iyon?"

"Wala naman" sagot ko pero umirap lang siya. Natawa naman ako ng mahina.

"Tayo na nga. Nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari ngayon" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam kong may mangyayari talagang hindi maganda mamaya dahil nandito ang mga kradian. Pero pati si Eve nakakaradam din?

"Sige tayo na"sabi ko at lumakad na kami.









Nakaupo na kami sa seniors bleachers. Hindi ko katabi sina Cyrine at mga ate dahil nasa unahan sila. Mga prinsesa eh, pati na rin si ate Hera. Nasa pinakalikod kami pero okay lang dahil kitang kita naman lahat ng nangyayari sa arena.

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon