Chapter 39 - Captured Princess

2.6K 74 0
                                    

Hindi natutulog at nakabantay lang lagi si Luciana sa kaibigan niya na nakaratay sa higaan. Nailigtas nila ito nang sumugod sila Kradia pero nang makita nila ito ay nakahiga lang ito at hindi gumagalaw. Hindi nila alam kung ano ang ginawa ng mga Kradians.

"Take a rest Lucia baka sa susunod na araw eh ikaw naman ang mahihiga diyan" Nag-aalalang wika ni Nathalia. Napatingin naman si Lucia sa kaniya. 

"Nat" Kasama ni Nathalia si Mavis at Jane na nag-aalala din.

"Kami naman ang magbabantay kay Mina" Tumango nalang si Lucia kay Mavis at tumayo na. Aalis na sana siya pero tumingin ulit siya kay Mina. "Dont worry Luce, we'll take care of her"Jane assured her. Napanatag naman ang kalooban niya kaya umalis na muna siya upang magpahinga.

Nasa Palasyo silang lahat maliban kay Stephen na nasa Aviana na. Dito muna sila habang wala pa silang plano na ginagawa. Hinihintay pa din nila ang pagbabalik ng royalties. Habang naglalakad siya ay hindi niya namalayang may nakabanggaan pala siya.

"Patawad po Mahal na prinsesa Luciana"

"General, ikaw pala yan and please just call me Tita Lucia parang hindi naman tayo magkakilala niyan" napangiti ang General at tumango ito.

"Gusto ko po sana kayong makausap tungkol po sa Aviana" Kinabahaan naman bigla si Luciana sa sinabi ng batang Heneral ng Knights. Bata pa ito at sa pagkakaalala niya ay nasa edad 25 pataas lang ito. Napakabata ngunit ang laki ng nakamit nitong posisyon.

"Bakit General anong nangyari?"

"Huwag po kayong kabahan, wala pong nangyaring masama atsaka Arthur nalang po, para po kasing ang tanda ko na para tawaging general" sabi nito. Nakahinga naman ng maluwag si Luciana. Akala niya ay kung ano na ang nangyari sa Aviana.

"Pagpasensyahan mo na ako Arthur medyo pagod lang kasi at ano nga ba ang gusto mong sabihin tungkol sa Aviana?"

"Ah gusto ko po sanang magdagdag ng knights pa doon para masiguro natin ang kaligtasan ng mga estudyante"

Magsasalita na sana siya nang may biglang tumawag sa kanya. "Tita!" Tawag sa kanya ng bagong dating na si Lili. Lumapit ito sa kanila. "Okay na po ba si Tita Mina?" Tanong nito.

"Liane?" Napatingin si Lili sa lalaking katabi niya. Napakunot noo naman si Lili at tiningnang mabuti ang binata.

"Do I know you?" Arthur chuckled." Wala ka pa ring pinagbago, pangit ka pa rin"

Nanlaki ang mata ni Lianne sa sinabi ni Arthur gayundin si Lucia. Pero napaisip si Lucia, magkakilala ba ang dalawang to? Napangiti nalang si Lucia sa dalawa. 

"Kayo nalang dalawa ang mag usap" sabi niya sa dalawa at iniwan sila.

"Hoy lalaki, kung makapagsalita ka parang ang gwapo gwapo mo ah" naaasar na wika ni Lianne at pinaningkitan pa ng mata si Arthur.

"Gwapo naman talaga ako"

"Ang hangin! Teka sino ka ba?"

"Grabe ka pangit" Napaisip naman si Liane kung sino ito. Parang may naalala siya bigla. Isa lang ang tumatawag sa kanya ng pangit.

"Arturo!" Pinitik nito ang noo niya pero hindi naman iyong malakas. "Ang tagal tagal na nating magkilala pero hindi mo parin magawang sabihin ng tama ang pangalan ko? It's Arthur"

Napahawak sa noo niya si Liane at sinamaan ng tingin ang binata. "Che! Bagay iyan sayo. Pangit na ang pangalan, pangit rin ang may ari ng pangalan" Kahit ganyan si Liane sa kanya ay masaya siya at nakita niya muli si Arthur. Her childhood sweetheart. Childhod sweeetheart talaga?

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon