Chapter 24 - Secrets Revealed

3.1K 79 0
                                    

Hera

Bukas na ang enhancement pero wala pa ring improvement ang imbestigasyon namin at ng taga council. Ganoon parin, si Iris parin ang itinuturo. Kung sana nga lang sabihin ni Iris ang totoong nangyari doon sa garden mapapadali ang lahat. Ayaw naman niyang sabihin dahil nga may prinoprotektahan siya. Ganoon ba talaga kaimportante ang prinoprotektahan niya at kaya niyang isakripisyo pati sarili niya?

"Ang lalim na naman ng iniisip mo Hera" I looked at Luke and hugged him. Ginantihan din naman niya ako ng yakap. Kailangan ko talaga ng yakap ngayon.

"Hey guys"napabitaw ako sa yakap at napatingin kami sa tumawag. Its Charles kasama din niya si Daphne, Thalia, Terrence , Matteo and Janus.

"Pinapatawag tayo ng master" aniya. Bakit na naman kami pinapatawag ng master?

"Wait, Where's Cy?"I asked them when I noticed Cyrine is not with them. Saan kaya iyon naglakwatsa?

"We don't know, maybe she's in the office right now?"Thalia answered na para bang hindi siya sigurado.

"Guys tayo na" Anang bagong dating. Its Cy, saan kaya galing ang babaeng to?

"Saan ka galing?" her brother asked her.

"Diyan lang sa tabi-tabi, nagpapahangin" sagot ni Cyrine. Napakunot noo naman si Charles. "Kung gusto mo magpahangin tawagin mo lang si Janus and ask him to use his element for you, hindi yung bigla ka nalang nawawala. Alam mong delikado ngayon" pinagalitan na ni Charles si Cyrine but Cy just rolled her eyes. 

"Tama na yan, lets go na baka naghihintay na si Master " Thalia said to stop their little fight. Umuna naman siyang lumakad at sumunod na kami.





"Bukas na ang enhancement" napatingin kaming lahat kay master sa sinabi niya. Alam naman namin na bukas na ang enhancement. Iyan lang ba ang sasabihin niya?

"Oh tapos?"siniko ko si Luke dahil sa tono ng pananalita niya. Wala talagang galang sa matatanda.

"Mag-ingat kayo bukas, talasan niyo ang mga mata niyo. Observe the students tomorrow , lahat ng estudyante" seryosong sabi nito, tumango naman kaming lahat. Nangangamoy misyon ito. Medyo masama din ang pakiramdam ko sa enhancement. 

"And about Iris, bantayan niyo rin siya nararamdaman kong siya ang punterya ng kradians" lahat kami ay napakunot noo dahil sa sinabi ni Master. Bakit naman nila pupunteryahin si Iris? 

"Why Iris?" I asked master. Alam kong malakas si Iris at matalino rin pero bakit siya ang pupunteryahin ng Kradians? Unless Iris is hiding something that kradians want or she did something to provoke those bad guys. "Hindi ko din alam at kung may isang tao man ang nakakaalam nun ay si Iris lang"  Tama siya, lahat ng mga katanungan namin ay masasagot lamang ni Iris. 

"Don't worry master, we'll take care of her" si Matteo na nakatayo na at parang handa na siyang umalis. Saan naman kaya to pupunta? 

"Aalis ka na ba?"

"May gagawin lang ako ngayon" nakangiti niyang tugon. Tiningnan ko lang siya ng masama pero hindi naman niya iyon napansin dahil nakatingin lang siya kay master. Bakit parang masama ang nararamdaman ko ngayon kay Matteo? Parang may gagawin siyang hindi ko magugustuhan.

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon