Chapter 42 - Vs. Diego

2.2K 107 0
                                    

Luke

Nang nagpasabog na si Coach Andrea ay agad kaming sumugod. Marami sila pero alam kong makakaya namin ito. Nagpalabas ako ng Apoy sa kanang kamay ko at itinapon ito sa kalaban ko. Natumba naman ito. May sumugod ulit sa akin at mabilis ko itong nasuntok.

Abala ako sa mga kalaban ko sa harapan at di ko namalayan na meron pala sa likod ko.

"Chris, watch out" dinig kong sigaw ni Terrence kaya napatingin ako sa likod. May balak ata akong pugutan ng ulo ng kradian na ito. Mabilis akong umiwas at tumalon nang biglang umilaw ang singsing na ibinigay ni Diana. Nang mawala ang ilaw ay may espada na akong hawak. Hindi lang iyon, this is the sacred sword used by all the Royalties of Fire. Ibig sabihin, nagamit narin ito ni Dad.

Napakaganda ng espada at napakalaki. Ang pagkakagawa nito maganda rin. Sa blade nito ay may mga apoy na lumalabas. Pula rin ang kulay ng hawakan nito.  This is so cool. Hindi ko na tinagalan pa at agad akong sumugod sa mga kalaban ko gamit ang espada. Napakalakas nito, isang wasiwas ko lang ay marami na ang natutumba.

Napatingin ako sa paligid. Si Terrence ay may pana na kada asinta niya ay may kuryente rin na lumalabas. Si Daphne na may whip na humahaba at lumalaki. Mayroon ding mga tinik na matutulis. Si Charles naman ay parang isang shield na tinatapon niya sa kalaban at napupunta kay Cyrine na tinatapon din nito and ended to Charles' hand, ito siguro yung sinasabing dapat silang magtulungan (iyong parang kay Captain America). Si Janus naman ay may malaking boomerang (parang kay Sango sa Inuyasha), malakas rin ang hangin nito. Si Eve na may Dagger na itim, may lumalabas rin na itim na elemento sa dagger nito. Si Night naman ay may malaking Axe na kapag tinataas niya ay umiilaw, bulag siguro ang mga taong hindi nasisilawan nito kahit ako ay nasisilawan rin. Coach Andrea also had a staff. May Orb sa dulo nito at kapag ginagamit niya ito ay may mga itim na ulap na dumadating sa kung saan si Cooach at naglalabas ng kuryente at ulan. Mayroon ding mga ipi-ipo siyang natatawag. Heck! Coach Andrea is powerful.

Kapag ganito, mapapadali na ang lahat.

I just hope Diana and the others are okay.


3rd Person Pov

Habang naglalaban sa labas ay nakikipaglaban din sina Diana. Nilalabanan ni Lianne ang ibang Kradian na naroroon sa silid. Kaharap din ni Diana ngayon si Diego na nakakagamit ng tubig na siyang ikinabigla niya.

"Too late Diana, I already absorbed Princess Thalia's element, well hindi naman talaga yung buo dahil dumating kayo"

Napatingin si Diana kay Thalia na ngayon ay tinutulungan ni Athena at Matteo na makawala sa kadenang nakakonekta kay Thalia. Hinarap niya si Diego. Hatred is written in her face. Mabilis niya itong sinugod at sinuntok na may apoy sa kamay. Alam niyang maiiwasan ito kaya nagpalabas din siya ng kuryente at natamaan naman ito.

While the two are fighting, Athena and Matteo placed Thalia in a safe place. Nag-aalala sila kay Thalia lalo na at may mga pasa ito sa katawan. 

"Thalia, hey wake up" Tinatapik tapik ng mahina ni Matteo si Thalia pero hindi ito nagigising at gumagalaw. Athena tried her best to heal Thalia pero wala pa ring epekto. "Why isn't it working?" Nagtatakang wika ni Athena at pilit paring ginagamit ang healing ability niya. 

"Hindi kaya ng kapangyarihan ko. Masyadong malaki ang kapangyarihang nakuha sa kanya." aniya nang mapagtanto na hindi ang katawang nito ang may problema kundi ang elemento nito,

"Why don't you use your ability to make someone's element strong?" Matteo suggested. Umiling naman si Athena. "I don't have that ability Kuya Matt. Nagpapahina lang ako ng elemento"

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon