Chapter 7 - Favor

4K 105 0
                                    

Daphne

Mahimbing akong natutulog sa kwarto ko nang may biglang kumatok. Iminulat ko ang mga mata ko at napabuntong hininga. This was the first time that someone disturbed my sleep. I rolled my eyes when I heard another knock. Pinilit ko nalang ang sarili ko na bumangon.

"Anak, pwede ka bang makausap? Importante lang" dinig ko sa kabilang side ng pinto. It was my mother. Ano naman kaya iyon at ginising pa talaga ako sa ganitong oras? Sana naman importante talaga. I lazily walk to the door and opened it. "Bakit po ma? Tungkol saan po ba?" tanong ko sa kanya. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para ipakita sa kaniya na galing talaga ako sa pagtulog na dinisturbo niya.

"Sa baba na tayo mag-usap"aniya sa seryosong tono. Mukhang importante nga talaga. Una na siyang bumaba at nagbihis na muna ako ng presentableng damit bago sumunod. Pagbaba ko ay nakita ko si mama, papa, lolo at isang matandang lalaki. Tumingin siya sa akin at ngumiti saka yumuko para bumati. "Mangandang gabi mahal na prinsesa" Sino naman kaya itong matandang ito?

"Magandang gabi din ho" bati ko din sa kanya. "So anong pag-uusapan natin?"tanong ko sa kanila saka umupo sa sofa na nandoon. Nagkatinginan naman si mama at papa at napabuntong hininga. I think I won't like whatever they will say. "Anak hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Ipapadala ka namin sa Aviana" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Sabi ko na nga ba at hindi ko talaga magugustuhan ang sasabihin nila.

"Ano! Bakit naman po? Okay na ako dito. Hindi ko na kailangang mag-aral doon"Hindi ko mapigilang sumigaw nang sabihin ko iyon. I am well trained here in our place or hideout and I don't need to be trained by others. Si mama at papa ko lang sapat na. I don't even want to go in the academy. Ayoko ng maraming tao at ayokong pinagsasabihan ako ng ibang tao.

"Anak para sa ikabubuti mo iyon. Mas mapapalakas pa nila ang kapangyarihan mo. Hindi sapat ang patuturo namin sa iyo dito at-"putol ni mama at tumingin sa akin ng may pagaalinlangan. Napakunot noo ako. "at?" tanong ko. Kinabahan tuloy ako sa susunod nilang sasabihin.

"Mahal na prinsesa, nakatanggap kami ng isang sulat mula sa propesiya. Bilang ikaw ay ang prinsesa ng nature, ikaw ay nakatakdang tumulong sa itinakdang prinsesa"singit ng matandang lalaki. Itinakdang prinsesa? What the heck? What kind of princess is that? Anong nakatakdang tumulong? Hindi ko maintindihan, paanong tutulong? Malapit na ba ang digmaan? Is it about the Kradians?

"At anak, mas ligtas ka sa Aviana. Alam mo namang nasakop na ng Kradians ang lugar natin at baka mahanap tayo dito. Baka mapano ka pa. Kapag nandoon ka sa Aviana mapoprotektahan ka nila and at the same time you will be trained"Wika ni papa. I sigh because he is right but I'm just worried about them. Paano nga kung matunton ang pinagtataguan namin dito? Wala na akong magagawa at kailangan kong sumunod sa kanila. Kailangan kong tulungan ang itinakdang prinsesa na sinasabi nila.






"BAKIT lahat nalang ang lalim ng iniisip" sigaw ni Iris na nakapagbalik ng ulirat ko. Ilang minuto ba akong tulala?

"Keep quite Iris" suway ni Hera kay Iris kaya napasimangot ito. Napailing nalang ako at tumingin sa dinadaanan namin. We are heading to the Master's office para sabihin lahat ng nalalaman namin ni Thalia. The others are already there waiting for us kaya nagmamadali kami ngayon.








KASALUKUYAN kaming nakaupo ngayon sa sofa ng opisina ni master. Nakaupo din siya sa upuan niya habang seryosong nakatingin sa amin. "Sa mga sinabi niyo, posibleng malapit na ang digmaan"casual na sabi lang nito. Bakit hindi man lang siya nabigla o nasorpresa?

"Wait Master, sinasabi mo bang hindi kayo nakatanggap ng sulat mula sa propesiya?" takang tanong ni Thalia. Ganoon din sana ang tanong ko. Sa tingin ko ay wala nga silang natanggap na sulat. Bakit kaming dalawa lang ni Thalia ang nakatanggap?

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon