♔ Chapter 5 ♔

648 119 118
                                    

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Magaling na ako. Iyon, sinimulan na akong patabain ng parents ko.

At pinagbawalan muna akong gumala with James. Hayy Salamat hindi ko na muna sya makikita.

Nag eemote pa ako sa kwarto ng biglang sumigaw si mama...

"Sam, bumaba ka nga dito. May bisitang nag iintay sayo sa labas"pasigaw na sabi ni mama

Huh? Bisita? Sino kaya ung bumisita sa akin?

Dahil medyo nanghihina pa ako, 10 years ang nakalipas bago ako nakababa, joke!

Jusko, kala ko pa naman matinong bisita un pala bwisita...

Alam mo ba kung sino sya?

Ang sabi ko pa naman hindi ko na sya makikita...

Fine.

"Hi James!" mabait kong pagkakasabi.

"Hoy magpagaling ka nga, pinag aalala mo naman ako eh" sabi nya.

Wow ha, eh ikaw nga ung may kasalanan eh, ang nasa isip ko.

"Ito oh, para sayo. Ubusin mo lahat yan ha." sabi nya sabay abot ng flowers and fruits.

How sweet. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ay gaga ka, itigil mo yang kabaliwan mo Sam ha. Tandaan mo, hindi ka papatol sa stranger.

"Thanks." Pagkatapos kong sabihin un, umalis na rin sya.

Isang linggo na rin ang nakalipas bago ako bumalik sa normal.

Pinayagan na rin akong gumala gala.

Habang naglalakad ako nakaramdam ako ng kulog sa tiyan ko, it means na nagugutom na ako.

Buti may nakita akong Kenny's sa kabilang side, kaso kailangan ko lang tumawid.

Naglakad na ako ng biglang...

"Ayy, shit!" sabi ko kasi ang akala ko mabubunggo na ako.

"Ayy sorry miss" sabi nung driver.

Sorry? Kagagaling ko pa nga lang sa ospital, muntik na naman ako puruhan.

Ayoko na ngang bumalik sa ospital eh.

Bwisit na driver na yan, tatanga tanga.

"Sam? Ikaw ba yan?" ang tanong nung driver.

Ala naloko na. Kilala ako nung tangang driver.

"Excuse me?" ang sabi ko. Parang pamilyar ung boses na un. Hindi naman kay James...

Ohh! Shit. Kilala ko nga.

"Jeremy." ang sabi ko.

"Sam." ang sabi nya. Nagkasabay kaming nagsabi ng pangalan.

"Uy, musta ka na? Halika kain muna tayo." sabi nya.

Wow ha! Parang walang nangyari.

Pumasok sya sa Starbucks, pumasok na rin ako.

Gosh!!! Sam??? Nakita mo ung ex-crush mo...

Ano gagawin mo? Sam!!!

Ung ex-crush mo...

Paulit ulit na sinasabi ng utak ko.

"Musta ka na? Wala na akong balita sayo ah"sabi nya.

Iyon, nagkwentuhan na lang kami ng nag kwentuhan.

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon