♔ Chapter 17 ♔

276 42 36
                                    

Samantha's Point of View

"Boss, ang ganda naman niyang dala mo sa amin" ang sabi nung unang lalaki

"Oo naman. Ang galing kong pumili noh?" si Aldrin ata yung nagsalita dahil nabobosesan ko siya

"Anong balak mong gawin dyan? Mukhang fresh pa yan ah." ang sabi nung ikalawang lalaki

"Syempre bago ko muna perahan ang magulang nyan, titikman ko muna siya. Ang tagal kong inintay ang oras na ito." ang sabi ni Aldrin

"Bigyan mo rin kami niyan ha?" ang sabi ng ikatlong lalaki

"Aba! Hindi pwede. Nahirapan ako sa paghuli dyan kaya akin lang yan. Hahanapan ko na lang kayo ng iba. Maraming kaibigang babae yan si Samantha kaya kumuha na lang kayo dun. Subukan niyo lang galawin ang akin, kung hindi pasasabugin ko ang mga bungo niyo." ang sabi ni Aldrin

"Opo boss." ang sabi ng tatlong alalay ni Aldrin

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Nandito ako sa isang napakadilim na kwarto.

"Nasaan ako?" ang sabi ko

"Mukhang gising na ata ang aking prinsesa." ang sabi ni Aldrin

"Tara Boss, pumasok na po tayo." ang sabi nung isang lalaki

Binuksan nila ang pinto at pumasok sila sa kwarto kung saan nakatali ang mga kamay ko

"Good Afternoon my Majesty!" ang sabi ni Aldrin

"Bitch ka! Nasaan ako?" ang sabi ko

"Nasa isang lugar kung saan walang makakahanap sa iyo." ang sabi ni Aldrin

"Anong gagawin mo sa akin?" ang sabi ko

Lumapit sa akin si Aldrin at dahan dahan niyang hinawakan ang buhok ko, hinimas ang likod ko at inamoy amoy ang leeg ko.

"Please, maawa ka sa akin. Parang awa niyo po. Handa ko pong ibigay ang cellphone at pera ko, pakawalan niyo lang po ako" ang sabi ko

"Hahaha. Hindi ko kailangan ang pera mo." ang sabi ni Aldrin

"Sino ka ba at bakit mo ako dinukot? May atraso ba ako o ang pamilya ko sa iyo?" ang sabi ko

"Pangalan ko lang ang alam mo pero hindi mo alam ang pagkatao ko." ang sabi niya

"First Year College ka pa lang sa W.U ay pinagmamasdan at sinusundan kita araw araw. Nagkita na tayo dati pero napaka taray mo. Nakabunggo tayo pero hindi mo man lang ako pinansin. Nung nalaman ko dati na naging boyfriend mo si Jeremy, nagselos at nagalit ako. Kilala mo si Khei diba? Naging kaibigan mo siya diba?" ang sabi ni Aldrin

"Khei Sanchez? Oo, kaibigan ang turing ko sa kanya pero kaaway ang turing niya sa akin. Siya ba ang nagpadukot sa akin?" ang sabi ko

"Oo si Khei Sanchez. Pero wala siyang kinalaman dito. Si Khei ay isang magandang babae. Nagkagusto siya sa akin. Nagalit siya sa iyo dahil nalaman niyang nagkakagusto ako sa iyo. Naisipan kong gamitin si Khei para mapag hiwalay kayo ni Jeremy. Pumayag naman siya sa aking plano basta kapag nagawa niya iyun ay papayag akong makipag date sa kanya." ang sabi ni Aldrin

"Teka, Naguguluhan ako." ang sabi ko

"Inutusan ko siyang agawin si Jeremy sa iyo." ang sabi niya

"Hayop ka!" ang sabi ko

"Kilala mo si Alex Barcelona? Pinsan ko yun na kinakailangan kong gamitin para mag break kayo ni Jeremy." ang sabi ni Aldrin

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon