♔ Chapter 11 ♔

378 63 55
                                    

Oo nga pala. Birthday na ni Khei ngayon. Ang bilis nga naman ng panahon oh. Malapit lapit na rin yung birthday ko. Joke. April pa yung birthday ko.

Tutal wala pa naman akong klase sa umaga... dederetso muna ako sa SM para bumili ng ireregalo ko kay Khei mamaya.

Bakit ganun? Napakainit naman ng panahon ngayon samantalang malapit ng mag Pasko. Siguro kasi . . . Napaka HOT ko.

At bakit ganun? Traffic na naman. Nakakainis >.<

At sa wakas. Nakarating na rin ako sa mall. Pag pasok na pagpasok ko eh dumiretso na muna ako sa Jollibee. Ano ba kayo? Minsan lang ako kumain dito, kaya lulubos lubusin ko na. Bumili ako ng kung ano anong pagkain na feeling ko eh hindi magkakasya sa tiyan ko sa sobrang dami.

Nakatapos na rin akong kumain at dumiretso na ako sa Department Store. 18 years old na si Khei ngayon, so that means na Debut niya na. Syempre bonggang bongga yun kasi super duper yaman nung babaeng iyan.

Hindi na ako bumili ng gown, susuoting ko na lang yung blueng cocktail dress na nabubulok na sa aparador ko.

Inumpisahan ko ng maghanap ng ireregalo sa kanya. Mahirap kasing magregalo sa isang mayamang babae, na bestfriend mo, na may pagka choosy.

So pumunta na ako sa mga damit kaso feeling ko hindi niya ito magugustuhan.

So I went to this Shoes Station. Maraming heels at mga bongga talaga . . .Bonnga din naman yug presyo.

Parehas kami ng shoe size ni Khei. At mabuti naman at alam ko yun. May nakita akong black wedges na babagay sa kanya. At alam na alam ko na magugustuhan niya talaga ito. Buti at nag sale sa Primadonna. 1,000 na lang itong wedges na ito. So binili ko na rin ito.

Pagkatapos kong bayaran yung wedges ay dumiretso na ako sa Wrapping Station, wala na kasi akong time para ako na ang mag wrap nito.

Maraming nakapila.

Maraming tumitingin sa akin.

Maraming nagbubulungan.

Nagagandahan siguro sa akin.

Mukha daw ata akong artista.

Then may lalaking lumapit palapit sa akin.

"Miss, napakadami po ng glitters sa mukha mo." sabi nung boy.

Gusto ko sanang sabihin na anong pakielam niya kaso nakakahiya.

"Ohh. Thanks." sabi ko sabay inabutan niya ako ng wet wipes.

Kaya pala tingin ng tingin itong mga etchuserang palakang ito. May mga glitters lang namana ako sa mukha. Sorry sila, nag niningning ang kagandahan ko.

And yes. Natapos na rin akong magpa gift wrap.

Dumiretso na ako pauwi.

Then may nadaan akong Salon, uuwi na dapat ako diba? Wala eh kailangan kong magpa ganda kahit hindi ako ang center of attraction mamaya.

Buti naman at ako yung pangatlo nilang customer para hindi na ako maghintay ng matagal.

Pinakulot ko lang yung buhok ko at nagpa makeup ng simple.

Dumiretso na talaga ako pauwi. Grabe talaga! Debut na ni Bespren. Pero wala yung parents niya dito sa bansa, nasa Singapore ata sila or sa Europe. Buti nga at natuloy yung debut niya kahit wala parents niya.

Sinalubong agad ako ni Mama at sinabing

"Sam, tumawag kanina dito si ... Keyi ata pangalan nun. Susunduin ka daw niya mamayang 5pm" sabi ni Mama. Hahahaha. Key daw, as in Susi

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon