♔ Chapter 15 ♔

293 43 37
                                    

3rd Year College

Grabe ang bilis naman ng panahon, biruin mo 3rd Year na ako.

Sabi dati nung pinsan kong si Andrea, mas lalong mahirap ang mga lectures at subjects sa 3rd Year at 4th Year sa College.

Buti naman at pinayagan na akong pumasok sa W.U na family doctor namin.

1 week rin akong pinag pahinga ng doktor dahil kailangan ko munang ipahinga ang mga mata ko.

Nasa classroom ako ngayon at nakikinig sa boring na Chemistry Teacher namin.

Masaya namang makinig sa Teacher ko. Maganda, matalino at mukhang bata pa ang teacher na ito. Pero meron siyang negative sides, napaka sungit niya ay konting ingay lang eh nagagalit na siya.

Buti naman at Breaktime na dahil hindi kong matiis na makinig sa kanya dahil hindi mawawala ang sermon kada magiging subject ko siya. Feeling ko nga mas mahaba pa yung sermon niya kaysa sa lessons na tinuturo niya.

Lumabas na ako sa clssroom at dumiretso na sa Hallway. Hinahanap ko kung nasaan si Sammy pero hindi ko siya matagpuan.

"Pare!" ang sabi ni Jeremy

Nakakainis itong mokong na ito. Ginulat ba naman ako.

"Ohh Bakit?" ang sabi ko

"May good news ako para sayo." ang sabi ni Jeremy

"Baka naman kalokohan yan." ang sabi ko

"Hindi ahh." ang sabi niya

"Tungkol saan ba yan?" ang sabi ko.

"Nag announce kasi yung Dean kanina sa court na ang W.U. Basketball League ay mag lalaunch ng try out bukas para sa new batch ng varsity na makakasama nila sa mga laro. Local man o International." ang sabi ni Jeremy

"Eh ano naman ngayon?" ang sabi ko

Gusto ko sanang mag try out kaso . . . kaso . . .

"Ito naman. Alam ko namang gusto mo rin. Try out tayo bukas?" ang sabi ni Jeremy

"Bahala na. Pag iisipan ko pa." ang sabi ko

"Bahala ka dyan. Sayang ang chance Kung ako sa iyo hinding hindi ko iyun sasayangin kasi baka pagsisihan ko." ang sabi ni Jeremy

At umalis na siya sa harapan ko.

"Oooops, Sorry." ang sabi ni Jeremy

Hahahaha. Hindi kasi tumitingin sa daan si Kumag.

"It's okay." ang sabi ni Sammy

At umalis na si Jeremy

"James! Musta?" ang sabi ni Sam

"Ahmmm. Okey lang naman." ang sabi ko

"Mukhang okey na okey na kayo ni Jeremy ah. Ano ba yung pinag usapan niyo?" ang sabi niya

"W-Wala lang yun." ang sabi ko

"Ahh okey, Bye" ang sabi ni Sam

Buti na lang at nahila ko ang braso niya bago siya umalis

"Ito na nga. Sasabihin ko na" ang sabi ko

"Go, tell me now." ang sabi niya

"Ganito kasi yan. . . Nag announce daw kasi yung Dean kanina sa court na ang W.U. Basketball League ay mag lalaunch ng try out bukas para sa new batch ng varsity na makakasama nila sa mga laro. Local man o International Sa tingin mo, mag try-try out kaya ako para dun?" ang sabi ko

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon