♔ Chapter 23 ♔

98 4 2
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong maisip na paraan para makawala sa impyerno ito. Ang natatangi ko na lang na pag asa ay ang matanda na nasa piligro ang buhay ng kanyang pamilya anu mang oras.

Pumasok na muli ang matanda. Seryoso siyang naka tingin sa akin. Hindi ko mahulaan ang nararamdaman niya.

"Paano mo ilalayo ang pamilya ko kung tutulungan kita?" seryosong tanong ng matanda

"Pahiramin nyo po ako ng telephono or cellphone at tatawagan ko ang magulang ko. Puntahan nyo po ang pamilya nyo at sa bahay po namin sa probinsya kayo manirahan." ang sabi ko

"Paano kung hindi ka magtagumpay?" ang sabi ng matanda

Tama siya. Paano nga naman kung hindi ko magawa iyun? Paano kung maunahan ako ni Aldrin at ipapatay na niya agad ang pamilya ng matanda? BREATHE SAMANTHA. THINK POSITIVE.

"Siguradong sigurado po akong magtatagumpay tayo at wala ni isang masasaktan." pangakong nasabi ko dun sa matanda

Seryoso pa din naka tingin yung matanda ako. Buong akala ko eh hindi na niya ako tutulungan dahil hindi ko nasagot ng kumpleto ang tanong niya pero laking gulat ko nang iabot niya sa akin ang susi.

"Ingatan mo ang sarili mo iha. Pupunta na ako sa bahay namin at aalis na agad kami. Pero saan kami pupunta?" ang sabi ng matanda

"Pumunta po muna kayo sa probinsya namin sa Camino Real at ito po ang mismong address. Kung hindi nyo po makita, mag tanong tanong po kayo sa mga naninirahan doon ang bahay ng pamilyang Pangilinan. Pwede po muna kayong tumuloy dun sa bahay na yun habang hindi ko pa po nasasabi sa magulang ko ang mga nangyari. Pakisabi na lang po dun sa mga katulong na pinahihintulutan ko po kayo at pakibigay ang susing ito para makasiguro silang talagang inutos ko iyun." ang nasabi ko sa matanda

Tinanggal niya ang posas ko at sinabihan akong tumakbo na para sa ikaliligtas namin. Pinauna ko nang umalis ang matanda dahil kinakailangan ko pang maabutan si James sa bahay nila.  Alam ko na madadamay din si James dito dahil nga galit na galit sa kanya si Aldrin. Pagkarating ko sa harap ng bahay nila ay saktong papalabas pa lang si James.

"SHIT SAMANTHA!" ang sabi ni James

"Shhh! Huwag kang masyadong sumigaw dahil sigurado ako na pinapahanap na ako ni Aldrin kaya papasukin mo ako." ang sabi ko

Binuksan niya ang pinto at pinapasok na ako. Inutusan niyang magbantay maigi ang mga guards sa bawat entrance dahil maaaring magkaroon ng gulo kapag nag pumilit pumasok ang grupo nila Aldrin.

"Paano ka nakawala? A-Alam mo bang papunta na ako dun sa binigay na address ni Aldrin para lamang sagipin ka?" ang sabi ni James

"Nakawala ako dahil may tumulong sa akin at pahiram nga muna ako ng cellphone mo at tatawagan ko muna si Mama." ang sabi ko

Sinunod naman niya ang utos ko at iniabot na ang cellphone.

"Ma?" ang sabi ko

"Samantha, Baby? Ikaw ba yan?" ang sabi ni Mama

"Ma! Nasa panganip po ang buhay ko. Nandito po ako kina James. Ma, may pupunta pong mag anak sa bahay natin sa Camino Real. Pabantayan mo po sila dahil niligtas po nila ko kay Alrin." nangangatog na sabi ko

"Sure Baby! Basta be sure na lahat kayo ay okey dyan sa bahay nila James at tatawag na din ako sa pulis para tuluyan nang mahanap iyang Aldrin na yan at ikukulong habang buhay." galit na galit na sabi ni Mommy

Binaba ko na ang telepono. Sana naman mahuli na si Aldrin para naman bumalik na ulit sa dati ang buhay namin.

Makaraan ng ilang minuto ay tumunog ang cellphone ni James at nakita kong unknown number ang nakalagay. Sigurado akong si Aldrin yun.

"SHIT!" malakas na sabi ko

"JAMES! H-Huwag mong sasagutin ani cellphone mo dahil baka i-trace nila ang lugar natin. Hindi ko hahayaang maraming tao pa ulit ang madamay sa gulong ito." ang sabi ko

Pinatay na niya ang kanyang cellphone pero may naririnig kaming maingay na tunog sa labas. Hindi ko alam kung naglalaro lang ang mga bata o sadyang may bumabato sa pintuan nila James.

Mabilis akong hinila ni James papunta sa basement nila dahil kapag nagpumilit pumasok sina Aldrin sa bahay nila, hindi niya ako makikita. Pero matalino si Aldrin. Mahirap makipaglaro sa mga tulad niya. Sinigurado ni James na maayos na nakasara ang pintuan at nakulong ako sa loob.

SHIT! THIS MUST NOT HAPPENED.

Hindi ko dapat hinayaang lumabas na lamang si James dahil ayokong madamay na naman siya sa gulo ng pamilya namin. Pinilit kong buksan ang pintuan ngunit ito pala ay naka kandado.

I HOPE YOU HAVE TIME TO COMMENT, VOTE, FOLLOW AND SHARE

THANKS <3

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon