Red POV
Ilang araw na din ang nagdaan since that "picnic day" happened. Bumalik ulit kami sa di pagpapansinan pero minsan ngumingiti siya sakin.
"Uy! Red naka review ka ba sa darating na test natin?" Tanong sakin ni Sam.
I just look at her at umiling.
"Huhuhu. Paano na yan? Baka bumaba grades ko." Ang childish talaga nito.
"Hoy tumahimik ka nga. Wag kang mag pout di ka cute." Here it goes again the bitch.
"Wag mo nga akong pakialaman. Purket kinuha mo yung answer key." Taas kilay na sabi ni Sam.
What! Kinuha niya yung answer key? Kaya pala di sya nag rereview. I just glare at her at ang loka nag peace sign lang sakin. Napa buntong hininga na lang ako. Bakit nga ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganito?
Si Kate naman ayun as usual may dala dalang libro. Di na talaga nag bago.
Ilang minuto ang lumipas saka dumating yong prof namin.
"Good morning class. Sa darating na Examinition niyo ay dapat makakuha kayo ng mataas na score kung hindi di kayo makakasama sa fieldtrip."maraming umangal kaya naman yung iba ko namang mga kaklase ay nagkukumahog na kumuha ng notebook at nagsimulang magbasa.
May isang babae ang nagtaas ng kamay.
"Sir saan po yung fieldtrip?" Tanong niya.
Isa sa mga nausapan namin ng mga professor namin noong nag meeting kami nung isang araw ay ang pagkakaroon ng fieldtrip. Di naman kami umalma ni Ken at inapprobahan iyon. Remember: kami nga diba ang may ari ng school kaya alam namin.
"Sa batangas tayo. Ang gagawin natin dun ay pag aaralan ninyo kong pano mabuhay ng walang electricity. Walang ilaw tanging kandila o lampara ang pwede. Provided yun ng school. We will stay there three nights and four days. No gadget is allowed. Understand." Sabi ni Sir
Di na umimik ang mga kaklase ko kaya nagsimula na ang klase namin.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. As usual kumakain.
"Leila punta tayong mall mamaya. Bili tayo ng bagong damit at mga kailangan para sa fieldtrip." Excited na sabi ni Sam.
"Excited much? Mukhang kampante ka na papasa ka ah. Loser!" asar ni Leila kay sam. Bigla namang sumimangot si Sam.
"Di ako kampante no. Sigurado akong papasa ak." saka bumelat
"Edi wow"
Kumain na lang ako habang sila nagbabangayan. Biglang tumahimik ang cafeteria ng biglang pumasok sina Ken.
Tumingin ako kay ken na kanina pa pala na nakatingin sa akin at mabilis na pumunta sa table namin. Nagbulungan naman yung mga tao.
"Rich sabay tayong uuwi mamaya ha. Hintayin kita sa parking lot" sabi ni Ken sabay halik sa pisngi ko at umalis na kasama yung barkada niya. Di man lang ako tinignan nong isa. Tsk.
Nag umpisa na naman ang bulungan. Kesyo daw bakit lumapit si Ken sa akin at may pahalik halik pa daw. Mga chismosa. Mga cancer sa lipunan. Sinamaan ko nga ng tingin. Umiwas lang sila ng tingin.
"Oh anong sabi ni Ken?" Naka taas kilay na sabi ni Sam.
"Sabay daw kami umuwi." Bored kong sabi. Tumango lang sila at nag umpisa ng kumain.
Makalipas ng ilang minuto ay bumalik na kami sa room. Hinintay lang namin yong prof namin.
Uwiian na. Hinintay ko munang makalabas lahat ng kaklase ko bago ako nag ayos ng gamit.
"Uy Rich una na kami ha. May sundo ka naman." Sabi nila Sam. Tumango lang ako sa kanila dahil alam kong gagala sila.
Tinignan ko rin si Kate at tumango ako sa kanya tanda na pwede siyang umalis. Agad naman siyang umalis kaya ako na lang natira.
Palabas na ako ng may humigit ng braso ko.
"Are you avoiding me?" malamig niyang sabi. Tinignan ko siya with a bored look. Ako pa ang umiiwas?
"No"sabi ko saka hinigit yong kamay ko at umalis na. Hindi pa ako nakakaisang hakbang ng hinigit niya ulit ako.
"You are." Malamig niyang sabi. Tinignan ko siya with my cold face.
"You're avoiding me. You didn't look at me. WHAT IS YOUR PROBLEM?" Galit niyang sabi.
"Why? Why are you acting like that?" Malamig ko ding sabi. Natigilan siya. Pero bumalik din sa dati yong itsura niya.
"Nothing. Just do whatever you want. I DONT CARE" sabi niya saka nagwalk out. What's wrong with him?
Lumakad na ako papuntang parking lot dahil sigurado akong nandun na si Ken. Pagkadating ko dun ay nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Tsk bago na naman yong car niya. Maka bili rin nga ng bago. Lumapit ako sa kanya at nakita ko namang tumingin siya.
"Lets go" sabi niya saka binuksan niya ako ng pinto. How sweet.
Pumasok na ako at nagmaneho din naman siya. Di na ako nagtanong kong bakit kami sabay na umuwi dahil alam ko na din kung bakit at wala din naman akong sasakyan na dala. Naki-sakay lang ako kila Kate kanina.
Pagkadating namin sa bahay ay agad kaming tumuloy sa bahay. Nakita ko naman ang mga kapatid ko dun. Nandito din sila daddy. Anong ginagawa nila dito? Bakit umuwi sila?
Nakita kong nakatingin sakin si dad kaya lumapit ako at humalik sa pisngi niya. Ngumiti siya sa akin. Pumumta din ako kay Kuya Dwayne at humalik sa pisngi niya at kay Ate Voilet. Aalis na sana ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Ako wala ba akong kiss?" Baritong tono na sabi ni Kuya Vince. Napakuyom ako ng kamao.
"Why would I?" Malamig kong sabi sa kanya. Narinig ko namang tumawa siya.
"Di ka pa rin nagbabago." Sabi niya sakin. Yeah whatever.
Pagkatapos ng awkward moment ay kumain kami ng tahimik. Walang umiimik. Nang biglang basagin ni Dad ang katahimikan.
"As you can see pinatawag ko kayong lahat dahil may ibabalita ako sa inyo."seryosong sabi ni dad.
"Our company is getting bigger and more. So as what Im saying is ikaw Dwayne ang mamamahala sa farm and restaurant. Violet your in charge in boutiqe . Ken ikaw ay katulong ng kuya mo sa company at ikaw Rich ay sa school. Pansamantala muna akong aalis dahil may importante akong gagawin." Maowtoridad na sabi ni dad. Tumango na lang kami at pinagpatuloy ang pagkain.
Nandito na ako sa loob ng kwarto at may hawak na libro. Oo mag rereview ako. Nahiya naman ako sa kanila dahil grabe ang pagreview nila. Take Note sarcasm.
Bumaba muna ako para kumuha ng tubig. Wala ng stock ng ref dito sa kwarto ko kaya bababa muna ako.
"I will tell her soon. Don't put the blame on me! "
"Tell her now or you'll regret what will they do to her. "
"I will tell her so please shut up. I don't want to make her feel bad. I want her to keep safe."
"I also want her safe. But please tell her."
Napatigil ako sa pag-akyat pabalik ng kwarto. May kaaway ba si dad? Pumunta akong library at kita kong nakabukas ng konti yung pinto. Kaya pala naririnig sa labas, soundproof ang lahat ng kwarto.
Pagtingin ko ay kausap ni dad si Kuya Vince. Bat sila nag-aaway? Sino yung pinag-uusapan nila?
Di ko na lang sila pinansin at bumalik sa kwarto ko. It's not my business.
I was about to sleep because its already midnight when a music interupt it. I hold my cellphone and see who is the caller.
"Hello" malamig kong sagot
"War is approaching. The blue sky will be dark. The green grass will turn in blood. Many people will die. See you soon." Sabi ng tumawag at pinatay.
***
BINABASA MO ANG
Red [Under Editing]
Mystery / ThrillerShe is nice before. She is innocent. But one day she became cold. She has no reaction or emotion. She doesnt care anymore. She became a heartless cold-hearted and merciless. She wants to revenge on what they do. And then one day her life will change...