Epilouge

975 25 0
                                    

A/N: Bago man lang ang pasukan gusto ko lang tapusin na ang kwento ni Red. Maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng sumoporta at nagtangkilik sa istorya ni Red. Sana ay wag kayong magsawa na sumuporta sa kanila. 5k reads and still counting pa rin po. Mamimiss ko po kayong lahat. And again Maraming maraming salamat po.
 

Rain

Red's POV


Revenge involves hurting or someone who has or you.  

Sabi nila, Hindi tama ang paghihiganti. Hindi tama ang maghiganti sa kapwa na may kasalanan sa iyo.

Pero binalewala ko iyon.

Nilamon ako ng galit ang pagkamuhi ng dahil sa pagkamatay ng aking ina na hindi ko man lang inalala ang mga taong malapit sa akin. Ito ay naging resulta ng pagtratraiduran at pagkamatay ng isa sa mga malalapit na kaibigan. Maraming tao ang nasangkot ng dahil sa larong ginawa ni King. Maraming nasaktan at higit sa lahat naging matatag at mas naging makabuluhan ang buhay ng bawat isa.


1 Year Later

"Rich!"

Napalingon ako sa tumawag. Sila Samantha pala. Itinulak ni Kate ang naka wheelchair na si Leila papasok ng HideOut. Naka suot sila ng kulay puting dress at may hawak na bulaklak si Leila. Kahit naka lipas na ang isang taon ay hindi pa rin gumagaling ang binti niya. Masyadong napuruhan ito kaya tumagal ito ng ganito. Pero every month naman siyang nagthe-theraphy at minsan ay nakakalakad na siya ng paunti-unti.

Sunday ngayun at ngayong araw ang Anniversary ng pagkamatay niya. Ngumiti ako sa kanila at tumayo na ng matapos kong maitali ang suot kung puting sapatos.

"Let's go!" sabi ko sa kanila at agad naman silang sumunod. Nasa labas na sila Wave na naka suot pa ng shade. Hindi pa rin talaga nawawala ang sakit kapag hindi pa talaga naghihilom. Nasa iisang van kami kasama ko sila Kate at sila Raevin na ngayun ay naka tulog na sa balikat ko. Nasa kabilang van naman sila Wave at ang iba pa.

Holy Roman Cemetary


Pagbaba namin ay sumalubong kaagad ang malakas na hangin. Mukhang binabantayan niya kami.

Naunang pumunta doon ang mga kaibigan niya. Kahit sa malayo ay kita ang lungkot sa mga mata nila Peter,Patrick,Wave,John at Kenth. Hinayaan muna namin silang magstay doon. Makalipas ng ilang minuto ay agad naman silang umalis kaya kami naman sunod. Hihintayin na lang daw nila kami sa Van.

Nauunang lumakad ako papunta sa kinaroroonan niya. Naka alalay naman sa akin si Raevin. Nasa likuran lang namin sila Sam, Ken, Leila, Steve, Kate at Aero.

Blake Quimpo

Born: May 3, 2000 Died: May 27, 2016

Age: 16 years old

Narinig ko nalang ang malakas na iyakan nila sa aking likuran at hindi ko napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumuwala.

Masakit. OO. Dahil saakin namatay ang isang taong  mahalaga sa akin. Kahit alam kong may kasalan din siya sa akin pero napilitan lang siya dahil na din sa tatay niya ang umuutos nito. Nalaman ko din kay Leila na kaya pala niya tinanggap ang alok na maging kabilang sa kaaway ay dahil hawak nito ang kaniyang mga magulang at baka ito ang maging dahilan ng pagbagsak ng negosiyo nila na pinaghirapan ng kaniyang ama na patayuin.

Kumalma na ang lahat pero ako tulala pa rin. Naka upo kami sa buhangin kaharap ang lapida ni Blake. Nakita ang dalawang bangkay na nasunog sa lumang gusali. Nakilala agad namin iyon dahil na din sa bracelet at damit nito. Pati na din yung tatay ni Blake na si King ay di nakaligtas.

Hinaplos ko ang kaniyang lapida at taimtim na nananalangin.

"Kung nasaan ka man ngayon Blake sana ay masaya ka na at makakapaghinga ka na. Wala ng mag uutos sayo. Sana ay bantayan mo kami lagi. Mahal na mahal kita,aking kaibigan."



Pagkatapos kong sambitin ang mga salitang iyon ay parang may yumakap sa akin na hangin. Napangiti naman ako. Alam kong binabantayan niya kami.

"Let's go guys. Kailangan na nating mag pa-enroll. Nalalapit na magsimula ang klase" Tumayo na din sila at nagsimula ng umalis.

"Ang bilis ng panahon noh?" Nakangiting wika ni Leila.

"Oo nga babe. Kaya dapat makalakad ka na ha? Para naman hindi na ako magtutulak sayo."

Natawa na lang kami ng hampasin ni Leila si Steve ng hawak na pamaypay.

"Ewan ko sayo." At nagsimula ng amuhin ni Steve ang dalaga. Parati naman silang nagtatalo pero nagkakasundo din naman.

Natawa na lang ako. Lahat sila ay masaya na kasama ang mga bagong partner nila sa buhay. Nakatanaw lang ako sa kanila. Nagulat pa ako ng bigla akong akbayan ni Raevin.

"Beyb alis na tayo." Ngumiti lang ako at tumango.

"Guys alis na tayo. Yung totoo!" Natawa na lang kami sa salita ni Sam. Nakakapit sa bewang niya si Ken. Ginulo lang niya yung buhok ni Sam kaya mas lalong nalukot yung mukha niya. Hinalikan na lang siya kambal sa pisnge. Ayun namula ang babaita.

"Love, tara na nga. Iwan na nga lang natin yung mga baliw nating kaibigan."

Tumawa na lang kami ng biglang binatukan nung tatlo si Aero. Nagtago naman siya sa likod ni Kate na ngayo'y naka pokerface sa kaniya. Ang cute talaga nila.

"Tara na nga" aya ko sa kanila kaya natigil sila sa kakahabulan.

"Senior high here we come" naka ngiting sabay na sabi namin.



Isang taon na ang nakalipas. Isang taon na puno ng pasakit at pagkawala ng isang matalik na kaibigan. Ngayong nasa panibagong yugto na kami. Ang panibagong yugto na sana ay wala ng problema. Panibagong yugto na sama sama naming kinakaharap. Marami mang problema ang dumaan sa pagkakaibigan namin pero naging matatag kami sa mga oras na yun.

Hindi maganda ang paghihiganti sa kapwa. Dahil nagreresulta ito ng panganib at hindi maunawaang problema. Mahalin mo ang mga sandaling nandiyan ang mga magulang mo. Dahil hindi natin masasabi kong kelan sila mawawala sa mundo.

"Beyb?"

Napatingin naman ako kay Raevin ng bigla siyang nagsalita.

"Mmm?"

"This is really the end right?" Parang hindi siguradong tanong sa akin niya. Napahagikgik naman ako at hinalikan siya.

A sweet kiss

Yes beyb, I guess.




Lesson learn:

Kahit nakagawa man ng kasalanan sayo ang iyong kapwa, kailangang marunong kang magpatawad.


****

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon