Chapter 30 - Organization

663 21 0
                                    

Chapter 30

Ilang araw na din akong hindi pumapasok sa loob ng klase simula ng malaman kong nawawala si Dad. At sa loob ng ilang araw na yun ay nandito lang ako sa loob ng headquarters naghahanap ng idea kung saan dinala ni King si Dad at kung sino siya.

Simula pa lang alam kong nasa palagid lang siya. Nasa paligid lang yung traidor. Pero sino? Maybe in the mafia pero alam kong iniisa na nila Ken yun. Bumisita dito si Raevin tinatanong kung bakit daw hindi ako pumapasok. Sinabi ko na lang na may sakit kaya di ako makakapasok. Umalis siya ng mga lunch dahil may pasok pa siya. Pero di pa rin nakaligtas sa kaniya yung mga ginagawa ko kaya napapilitan na akong sabihin sa kaniya.

Nag-iisa lang ako dito ngayon dahil pinapasok ko silang tatlo kahit labag sa kalooban nila. Ayoko ng madamay pa sila dito. Kapag may nasaktan pa sa kanila ay baka hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ilang minuto ang nakalipas na nakatulala lang ako. Napansin kong kanina pa may nagdodoorbell. Kaya napa kunot noo ako dahil wala naman akong ineexpect na bisita tsaka kung sila Sam yan makakapasok sila dahil may susi sila at kung si Raevin yan magtetext sakin yan na pupunta. Kaya nakapagtataka.

Binunot ko ang nakatagong baril sa ilalim ng sofa. Nilagay talaga namin doon para in case na may mangyari. Actually lahat ng pwedeng pagtaguan dito ay may mga baril na nakatago.

Kinasa ko iyon ng mahina lang at tinignan sa butas kong sino ang nandun. Naging alerto ako dahil may narinig akong kalabog sa kusina at may nakita akong tao malapit sa veranda.

Binuksan ko ang pinto sabay tutok sa taong yun.

"What the fuck Rich" nakataas kamay na sabi ni Blake. Nasa likod niya ang nakataas din na kamay na sina Wave at Peter

Napatingin ako sa kusina at nakita may hawak na tinapay si
Kenth habang lumabas sa veranda si John na naka poker face.

"Ganyan ka ba mag welcome ng bisita" nakataas kilay na sabi ni Wave. Napa tsk na lang ako at binaba yung baril.

"Saan ba kayo nagtago at ngayon lang kayo lumabas sa lungga niyo" naka pameywang na sabi ko. Nandito na kami sa sala at nasa harap nila ako. Kulang na lang na mag lagay ako ng antipara para mapagkamalang terror teacher ako.

"We have new mission at nagkataon na sa France yun kaya wala kami ng ilang buwan dito. May mga pasalubong kami" sabi ni Blake saka pakita ng pasalubong niya. Apat na paper bags. Nakita ko ding may mga bags din yung iba.

"Ginutom niyo ba yung iba dyan at basta basta na lang kumuha ng pagkain?" Pagpaparinig ko kay Kenth. Nakita ko namang napa lunok siya.

"So what's happening here? Narinig ko dun sa base na nawawala yung dad mo? Any clue kong sino ang dumukot?" Tanong ni Wave. Napa buntong hininga nalang ako saka umupo katabi ni John

"I dont know pero may hint na ako kung sino ang dumukot but I'm not sure yet." Nasa babang tono kong sabi. Hindi ko talaga malaman kong sino ba talaga si King. I mean bakit ba niya ginagawa ito? May kasalanan ba kaming ginawa? Or baliw lang talaga siya at mamamatay tao?

Lumapit sa akin si Blake at inakbayan ako. "Everythings gonna be alright. Mahahanap din natin ang Dad mo. Tinitrace na siya ng mga repear so dont worry ok?" Napa nod na lang ako.

Nag stay lang sila ng ilang minuto saka umalis dahil may kailangan pa daw silang puntahan. Binigay nila sa akin yung nga bags at kila Sam kaya dinala ko nalang sa secret room. Naiwan naman akong mag-isa sa headquarters. Bumalik nalang ako sa Secret room ko at ginugol sa paghahanap ng clue kong saan ba talaga dinala ni King ang dad ko.

Ring ring

Napatigi naman ako sa cellphone ko katabi ng laptop.

Raevin's calling

"Yeobosaeyo?"

"Nasa labas ako."

"Geh" saka binabaan at lumabas.

Nakita ko siyang naka tayo sa may pintuan at may hawak na plastic. Mukhang mga pagkain yun. Niluwagan ko ang pagkabukas ng pinto kaya nakapasok siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Ibinigay lang niya saakin yung plastic saka umupo sa may sofa. Napa ikot nalang ako ng mata. Anong drama nito.

Sinundan ko siya at umupo sa kaharap niya. "Namiss kita kaya dinalaw na kita. Mukhang di ka nakatulog sa paghahanap ng dad mo kaya ako muna maghahanap" napa kunot noo naman ako.

"Pano mo naman gagawin?" Curious kong sabi.

"Nakita ko kung pano yung ginagawa mo kaya gagawin ko yun. Atsaka marunong akong mangulikot ng computer baka makatulong ako. Alam mo na sa gwapo kong to naku mapapabilib ka"

May bagyo ba? Ang hangin eh. Mukhang signal number 4 na dito sa amin.

Binato ko siya ng throwing pillow pero nasalo niya at tumawa.

"Heto naman. Joke lang beyb pinapasaya lang kita." Pinapasaya? Sa ganun? Come on Raevin yelo itong kausap mo pano yan tatawa kong di naman marunong? Atsaka yung beyb mo naku babatukan na kita.

"Tigilan mo ako sa joke mo ha. Kung yan ang gusto mo fine. Dun tayo sa room ko. Para mabantayan kita." Saka tumayo na at nauna ng lumakad. Naramdaman ko namang sumunod siya. Tinuro ko sa kaniya kong nasaan yung room ko saka pumuntang 3rd floor para kunin yung laptop ko.

Pagdating ko sa room ay nakita ko siyang nakahiga sa higaan ko. Aba! Feeling at home yung loko.

"Here" sabi ko saka lapag sa kaniya ng laptop. Kinuha niya naman yun at sinimulan ng gawin. Nasa kabilang side siya ng higaan at ako nasa right side. Tinitignan ko kung tama ba yung ginagawa niya at napabilib ako dahil alam niya kong pano gawin. Sa sobrang tingin ko sa ginagawa niya di ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising na lang ako ng may ilaw na tumatama sa mga mata ko. Napa dilat ako ng isa kong mata para tignan kong sino yun. May narinig din akong bulungan kaya naisip ko ng may tao sa paligid. Ng imulat ko na yung dalawang mata ko ay agad akong napatingin sa tatlong babae na hawak ang mga cellphone nila. Tinignan ko sila ng masama at tatayo na sana ng may kamay na nakadagan sa bewang ko.
Nagulat ako ng makitang si Raevin ito.

"What the?" Itutulak ko na sana siya pero nakita ko na ang himbing ng tulog niya kaya pinabayaan ko na lang. Tinignan ko naman yung tatlo na naka talikod sa akin ngayon. Si Sam naka upo sa gilid ng kama habang nag seselfie. Si Kate nag babasa ng libro. Muntik pa ako matawa dahil baliktad naman yung pagkakahawak niya. At si Leila naman umaakting na may tawag.

Kaya kinuha ang isang unan at binato sa kanila. Napa ouch/aray naman sila kaya tinignan ko ng masama. Ang lalakas ng sigaw nila baka magising yung taong natutulog naku.

Sinenyasan ko silang lumabas dahil nakakaistorbo sila. Chos. Di kasi ako maka alis dahil sa higpit ng pagkakayakap sa akin ni Raevin. Tsaka lang sila lumabas ng may hawak na akong dagger. Nakatago kasi yun sa gilid ng kama. You know in case of emergency.

Makalipas ng ilang minuto ay naka alis na ako sa pagkakayakap ni Raevin. Nakita ko pang naka on yung laptop ko kaya tinignan ko kung tama yung ginagawa.

Dark Mafia Organization

Seriously?

***

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon