🌸 Special Chapter 🌸

426 8 1
                                    

Ito ay ang nakaraan ng Mama at papa ni Red. Kung paano nangyari ang pagkamatay nito. At kung ma confused man kayo sa mga dates at kung anong grade na sila Rich dito ay lagpasan niyo na lang. Kahit ako ay di na malimutan ang mga dates ng mga pangyayari. Pasensiya na. Pero para maliwanagan kayo ay paki basahin ito. Salamat

Eto na ang pinakahihintay ng lahat ng bayan. Hahaha sana magustuhan niyo.




6 years before

"Yehey!! Natapos ko na" tuwang tuwang sabi ni Rea habang hawak ang isang bote na naglalaman ng expiremento niyang pinagpuyatan ng ilang linggo.

Gumagawa siya ng bagong expirement na kayang maging extra ordinary ang isang tao. 

"Talaga? Congratss!" tuwang tuwang sabi ni Bernardo pero sa totoo lang ay nagseselos siya dahil kahit anong gawin niyang expirmento ay di man lang natatapos o mas tamang sabihin ay palpak ito.

"Oh diba sabi ko matatapos ko ito bago pa umuwi ang asawa ko." Napahagigik ang ginang sa sinabi.

Umalis kasi ang asawa nito papuntang New York dahil may inaasikasong trabaho. Ang mga anak naman niya ay may kaniya kaniyang bodyguard kaya panatag ang loob niya. Kapag nasa bahay lang siya at walang ginagawa ay parang mamamatay na siya sa kaboringan. Kaya nga ay naisipan niyang pumunta ng laboratoryo at gawin ang matagal na niyang gustong matapos.

"Oo nga. Bilib na talaga ako sayo." napa iling na lang ang ginang dahil sa tinuran ng lalaki. Hindi man nito sinasabi pero alam niyang nagseselos ito sa kaniyang galing. 

"Oh siya. Maglilipit na ako. Susunduin ko pa yung kambal ko na yun at baka biglang magtampo na naman." Ini-ayos na nito ang gamit at tinago niya ang kaniyang bagong gawa sa kaniyang sekretong vault. Walang nakaka alam kong ano ang password noon kahit pa ang asawa nito. 

"Sige mauna ka na. Tatapusin ko lang to. Pa sabing kinakamusta ko yung kambal ha?" Saka ulit nagseryoso sa ginagawa. Napa iling nalang ang Ginang at umalis na ng laboratoryo.

Pinuntahan niya yung kambal kong saan ito nag aaral. Nasa elementary pa lang ang mga ito kaya tinatrato pa lang niya itong mga baby pa niya. Natatawa na lang siya dahil laging naka-nguso ang dalawa kapag tinatawag niya itong baby. Ang tatlong pa niyang mga anak ay pawang malalaki na. Ang panganay niyang lalaki ay nasa kolehiyo na at ang sumunod namang dalaga ay nasa ika-apat na ng high school at ang pangatlong lalaki ay nasa ika-dalawa na ng high school. Pawang mga binata at dalaga na ito. Napapansin na din niya ang pananamit ng kaniyang dalaga kaya napapailing na lang siya.

Pagkadating niya sa paaralan ay agad niyang pinark ang sasakyan at lumabas na ito. Kita niya ang mga naghahabulang at mga naglalarong mga bata. Meron ding mga nanay na katulad niyang hinihintay na lumabas ang mga anak.

Uupo na sana siya sa waiting shed ng biglang may sumigaw kaya agad siyang napangiti.

"Mommy!" sigaw ng dalawa at agad siyang niyakap. Natatawa na lang siya sa tinuran ng dalawa.

"Hey how was school?" saka pinisil ang pisngi ng dalawa.

"I got a perfect score in math" proud na sabi ng batang Rich.

"Very good. How about you Ken? "

"I just got 49 mom. My answer is wrong in number 29." malungkot na saad ng batang lalaki. Napangiti na lang ang ginang at ginulo ang buhok.

"Its okay little boy. Atleast its just one mistake right? " Napangiti nalang ang batang lalaki at tumango.

"Let's go. What do you want for dinner?" Habang pumapasok sa loob ng sasakyan.

"Adobo!" sabay na sigaw ng dalawa. Napa iling na lang ito at inumpisahan ng magmaneho.

• • •

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon