Chapter 32 - Potassium

594 27 1
                                    

Chapter 32

Sam POV

Nagulat na lang kami ng tumawag sa akin si Rich na nasa hospital daw siya dahil na baril si John.

Nadatnan na lang namin sa labas ng Operating Room si Rich at nakayuko. Nang maramdaman niya ang presensiya namin kaya tinignan niya lang kami saka umalis na.

Flashback

Naiwan na lang kaming pito sa mesa. Nakikipag biruan naman sila Leila kaya hindi masyadong boring. Nagulat na lang ako ng biglang nagring ang phone ko. Lumayo ako para marinig ng mabuti kong sino ang tumatawag.

"Yeoboseoyo?" Si Rich pala ang tumatawag.

"Saint Gab. Memorial Hospital. Nabaril si John" saka binaba. (Wag niyo na lang pansinin yung hospital na yan. Hehe)

Agad akong tumakbo pa balik sa pwesto nila.

"Guys. Bilis! Nabaril si John" natatarantang sabi ko.

"What!" Sabay nilang sabi.

"How about Rich? Okay lang ba siya?" Worried na sabi ni Raevin.

"Yeah! Okay lang siya. Lets go bago pa mag umpisa yung klase" saka umalis na dun.

End of flashback

Simula nun ay hindi na namin nakita si Rich na dumalaw dito. Tatlong araw na din ang nakalipas at nagkaroon din ng malay si John. Nasa ismag private room kami ngayon kaya solong solo namin lahat.

"Guys nabobore na ako dito" inis na sabi ni John. Pano ba naman siya di mabobore eh hindi siya makapanood ng tv dahil pinag-aagawan ng kabarkada niya yung remote. Sa gilid lang naman yung tama niya at daplis lang naman yun kaya ok na siya ngayon.

"Tumahimik ka nga. Wag kang maarte" sabat naman ni Blake. Busy kasi sila lahat manuod ng basketball. Boys talaga.

"Hmpp. Sam bakit ba ayaw pumunta ni Rich dito?" Tanong sa akin ni John. Bakit nga ba? Eh alam naman nilang allergy yun sa hospital.

"Tsk. Magpahinga ka nga nalang diyan." Sabi ni Leila.

Nandito kaming girls at boys sa room niya. Palitan kaming magbantay well except kay Rich na di man lang dumalaw. Dumadalaw din naman dito yung parents ni John pero sa sobrang busy nila minsan lang sila dumalaw. Yung nakakabatang kapatid lang niya ang lagi naming kasama dito.

Knock knock

Pumasok ang isang nurse na may hawak na tray ng mga gamot. Tila nanginginig ito ng sobra.

"S-sir anti-biotic po" saka kinuha ang syringe.

Akmang iinject na niya sana kay John ng

.

.

.

.

"Don't you dare!" Sabi ng isang  malamig na boses na ng galing sa may pintuan. Napatingin kami kung sino ang nagpigil.

"Rich/Eveth" sabay halos naming sabi. Shock pa rin kami dahil sa nangyari. Bakit nga ba?

Pumasok lang naman siya sa loob at kinuha yung syringe sa kamay nung nurse at tinignan ng masama. Yung nurse naman mukhang maiihi na sa sobrang kaba.

"Scared?" Malamig niyang sabi.

"H-Hindi po. B-Bakit naman" pinagpawisang sabi ng nurse.

"Mukhang natatae ka na Ms. Bakit?" Takang tanong ni Wave. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon