Chapter 37 - Revelation

731 11 0
                                    


Chapter 37



Pinky POV

Hindi mo malalaman ang mga mangyayari.



Magugulat ka na lang kapag nangyari na iyon.



Hindi natin alam ang hinaharap.

"Blake? " pabulong kong sabi.

Ngumisi lang siya at makikita mo ang dark aurang nakapaligid sa kaniya.

"You traitor!" akmang susugurin na ni Purple ng pigilan ko siya. Hindi natin alam kong anong kaya niyang gawin. All this time ang taong akala mo mabait yun pala halimaw.

Humalakhak lang siya. Halakhak na nagtagumpay. Halakhak na nakakapanindig balahibo.

"Ikaw si........................King? "

Bigla ulit siya humalakhak ng sinabi ko iyon. Are this guy crazy?

"What if I am?"nakangisi niyang sabi.

Ang sarap niyang ih chop chop at itapon sa ilog Pasig. Ay wag na pala baka ipakulong kami ni Duterte.

"Papatayin kita" malamig kong sabi. Ngumisi lang siya.

"Dahil traidor ka! Walang hiya niloko mo kami! Anong ginawa namin para gawin mo sa amin to?" gigil na sabi ni Purple.

"Wala? Pero siya meron"

Siya? Sinong siya?

"Kaya pala kahit saan kami pumunta ay natatakasan kami. Dahil may nagsasabi kong ano ang plano namin. At ikaw yun" sigaw ko sa kaniya.

"Galit na kayo agad? Di niyo pa nga alam kong ano pa yung pasabog na haharapin niyo" makahulugan niyan sabi.

"Why? Bakit mo to ginagawa?" matapang kong sabi.

"Boring kasi kaya nakisama ako sa kaniya."

"Pagnalaman ito ni Red sisiguraduhin niyang mapapatay ka"

Naiinis na talaga ako! Nawawalan na ako ng pasensya. Pano pag nalaman to ni Red? Pano kapag bumalik na naman siya sa dati? Maraming pano ang lumalabas sa isipan ko. Iniisip ko kong ano ba ang atraso namin sa kaniya at nagawa niyang lokohin kami. Bestfriend siya ni Red. Bullshit!

Susugod na sana ako ng may usok na lumabas. Shet pampatulog ba ito? Pero bago ko pa natakpan ang ilong ko ay nawalan na ako ng lakas. Nanghihina ako kaya napasalampak ako sa sahig. Nakita ko namang nawawalan na ng malay si Purple.

Ngumisi siya. "Remember: Don't trust to much. Baka hindi mo alam kahit pinaka matagal mo nang kilala.... Kaaway mo na pala" makahulugan niyang sabi bago ako nawalan ng malay.

Red......... be safe.






Red POV

Kitang kita ng dalawa kong mata kong ano ang nagyari dito. Parang mga manika silang nakatayo lang. Tulala ang mga mata at parang wala na silang buhay.

Anong ginawa nila sa kanila? Ganito na ba sila ka desperadang gumawa ng human soldiers? Para saan? Anong gagawin nila?

Parang sasabog na ako sa inis. MGA WALANG PUSO!!

Habang naglalakad kami papalapit ay may naka agaw sa aking pansin. Parang pamilyar siya?

Nilapitan ko siya. Kong titignan mo siya ay parang normal lang siyang tao pero kapag nalaman mo na ang totoo masasaktan ka lang kasi hindi mo na siya makokontrol. Dahil isa na siyang robot.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon