Chapter 34 - Abduction (Part 1)

654 19 0
                                    

A/n: Sorry sa last na chapter. Nag emo pa ako. Madali kasing pang hinaan ng loob si author kaya ganun na lang. Mianhe. So guyss enjoy this next chapter.

Paalala: Ang nilalaman ng chpater na ito ay Rated SPG (Super patay gutom----de joke). Spg nga talaga yung chapter na to. Medyo may pagkabrutal.

So here it is *wink*

Chapter 34

Someone's POV

Gabi na. Ito na ang simula ng pagdanak ng dugo. Puro barilan ang maririnig. Sigaw ng mga humihiling ng tulong. Marami ang mamamatay. Sa huli hustisya ang magtatagumpay.

Sam/Purple POV

Nasa loob na kami ng van. Papunta na kami sa lugar na kinalalagyan ng mga kaaway at kung nasaan din ang ama ni Rich.

"Pinky okay na ba ang lahat?" Tanong ni Red. Nasa harap siya naka upo.

Tinignan ko naman si Pinky na nasa tabi ko. Nasa harap siya ng kaniyang laptop ngayon at may tinatype.

"Patapos na ako" sabi niya habang di inaalis ang tingin sa kaniyang laptop.

Napatingin nalang ako sa labas ng van. Alas diyes na ng gabi pero heto nasa sasakyan pa rin kami. Malayo ang Ilocos kaya mahigit dalawang oras na kaming nagbabaybay.

Napatingin naman ako sa labas  mukhang uulan pa ata. Wala akong makitang mga bituin. Diba sabi nila kapag daw walang star ay uulan?

Napatigil naman ako sa pagkatulala ng maramdaman kong may humihikbi sa tabi ko.

"Hey Range Bitch What's wrong?" Alalang sabi ko. Once in the blue moon lang kasi to umiyak. Parati kasing nag aasar yung mukha niya tas lagi pang naka simangot. Nahalata ko na kanina pa na tahimik lang siya walang kibo.

"Si Aero... He told me the whole story. Sabi niya na kaya niya lang daw niya ako sinaktan dahil baka mapahamak ako. Sh*t I don't know what to do." napasapo na siya ng kamay.

Niyakap ko na lang siya. Alam ko ang kwento niya. Hindi mo aakalaing na ang b*tch na tulad niya ay may itinatago.

"Wag mong idamay mamaya ang nararamdaman mo. Just Focus" narinig kong sabi ni Red.

Pero alam kong nag aalala din siya kay Range. Nagpunas ng luha siya at humarap sa akin. Pilit na ngiti.

"Yes. Tama siya. Kailangan kong mag focus dito. Baka ikapahamak ko pa yun" natatawang sabi niya. Napangiti na lang kami ni Pinky.

"Masamang damo ka diba? Kaya hindi ka mapapahamak." Nakangising sabi ni Pinky.

Binato naman siya ng tissue nito. Napatawa na lang ako dahil sa kalukokan nila. Napatigil ako ng tawa ng mapansin kong nakangiting naka tingin sa amin si Red. Napangiti na lang ako. Kahit pala ganiyan siya ka cold di pa rin pala nawawala sa kaniya ang pagmamahal sa kaibigan.

Hanga ako sa kaniya dahil sa lahat ng pinagdaanan niya ay nagagawa niyang magseryoso at ngumiti kahit once in the blue moon lang. Nakikita ko din ang kislap sa kaniyang mga mata habang kasama si Raevin. Mukhang inlababo na ata ang malamig kong kaibigan. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Kailangan kong magfocus para sa mangyayari.

Makalipas ng ilang minuto ay nagising ako dahil sa yugyog ni Pinky. Napatingin naman ako sa paligid. Nandito kami sa isang abandonadong gusali. Nakikita ko pa ang mga armadong bantay. Tsk Weak.

"Hey wake up. Nandito na tayo" saka kinuha ang gamit at bumaba na. Suot na niya ang kaniyang maskara.

Nagmadali na ako at sinuot na din ang maskara at lumabas na dala ang mga gamit ko.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon