Chapter 25 - Master's Slave

766 25 2
                                    

Happy 400+ reads. Yehey.Thank you.

Ps. Sagutin niyo yung picture sa taas. Anim ang pwedeng mabuo dyan. Kung ayaw niyo ok lang.

So enjoy

Red's POV

Nagdadalamhati ang lahat dahil sa naganap na pagpaslang. Halos hindi ma-ipinta ang kanilang mga mukha.

"Nakitang patay si Ace Beltran sa kaniyang dorm. Nakaratay ito at may tama ng baril sa ulo, dibdib at braso. Mukhang nanlaban pa ito pero hindi din siya nakaligtas. Sabi ng landlady may bumisita na isang lalaki. Malaki ang pangangatawan, matangkad at kulay itim ang suot. Pumasok ito sa kwarto ni Ace mga alas diyes na ng gabi. Hindi na sana siya papapasukin ng landlady pero sabi niya tito daw siya ng lalaki. Matapos bumisita ng lalaki sa dorm ay hindi na daw lumabas sa kaniyang dorm si Ace. Nag aalala na ang landlady nila kaya pinuntahan niya ito at doon nakita si Ace na wala ng buhay." paliwanag ni Kate. Mukha siyang nagbabalita. Ang seryoso pa naman ng mukha niya.

"Tito ba talaga yun ni Ace? At bakit hindi man lang sila nakarinig ng putok ng baril? Saka bakit di agad naghinala ang landlady?"

"Nah! Wala ng pamilya si Ace. Pinapaaral siya ng kaniyang tiyahin dito sa manila. Nasa probinsya ang kaniyang tiyahin at ang kaniyang lola. Imposibleng may tito siya sapagkat walang asawa ang kaniyang tiyahin. At ang iba nilang kamag-anak ay nandoon sa Davao. Mukhang silencer ang gamit dito kaya di nila narinig yung putok ng baril. Hindi din alam ng landlady na wala pala itong tiyuhin." sabi Leila.

"So sino ang lalaking iyon at bakit sinabi niyang tito siya ni Ace?"

"I don't know pero ang hula ko pinadala yun para patayin siya. Like Jack at Quinne pinatay din sila ng naka itim na lalaki. May nakita ding baraha na Ace na kulay itim pero walang naiwang sulat. Nakakapagtaka naman na walang kahit anong sulat na natagpuan. Kila Jack at Quinne kasi ay may sulat. Pano nangyari na wala manlang babala?" Takang tanong ni Sam.

Di ko alam pero mukhang alam ko na kung bakit walang kahit anong sulat.

"Mag-iingat ka..... Red"

Naalala ko ang huling sinabi sa akin ni Ace. Seryoso ang kaniyang mukha noong nga panahon na yun.

Mukhang may ipinapahiwatig talaga ang mga nangyayari. Una nong pinatay si Jack Persey. Namatay ito sa party ni Tina. May nakalagay na itim na papel sa kaniyang kamay. Naka usap ko pa ito at mukhang masaya pa siya. Pangalawa si Quinne Maurice. 3rd year students at namatay sa kaniyang dorm. May nakalagay na king sa pader at may itim na papel ulit. Natulungan ko pa siya at naka usap pero namatay din ito. At ang huli ay si Ace Beltran. Badminton Captain at crush ng university. Namatay sa kaniyang dorm. May pumuntang lalaki sa kaniyang dorm. Pagkalabas ng lalaki ay wala ng Ace ang nakita. Walang nakalagay na sulat pero may baraha na ace doon. Nakalaro ko pa siya. Hay buhay.

Mukhang galing ito sa baraha. Jack, Queen at Ace. Ano sunod? King? Nah mukhang papalapit na ang pagkikita namin. Lets see

*Cafeteria*

"Ano sayo Rich?"

"Hotdog sandwich at lemon juice" at umalis na sila. Habang hinihintay namin sila ay narinig kung nag-uusap ang nasa kabilang table. Namumukhaan ko sila. Sila yung member ng badminton Club.

"Grabe yung nangyari kay Ace noh. Di ako makapaniwala na namatay na siya" sabi ni Mia. Sa aking paglagay sa kaniya ay mukhang matagal na siyang may gusto kay Ace kaya ganun na lang ang kaniyang pagkalumo ng mamatay ito.

"Oo nga. Pero ano kayang dahilan ng pagkamatay niya?" Tanong naman ni Kyle.

"Sa pagkakaalam ko ay nag-away sila ng kaniyang tiyahin na nasa probinsya. Ng gabing yun ay tulala lang siya. Parating may katext tapos manginginig. Yan ang nadatnan ko ng bumisita ako sa dorm niya. Pero makalipas ng ilamg araw ay balik sa pagiging jolly ulit siya." Paliwanag naman ni Carla. So nag-away pala sila ng kaniyang tiyahin. Ano naman kaya yun?

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon