Chapter 11 - Mystery guy

1.4K 48 0
                                    

Sam POV

"SAM, wake up."

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

"Ano ba!" inis kong sabi. Ang sarap ng tulog ko eh!

"Aray!"

Tinignan ko ng masama ang epal na gumising sa akin.

"Sarap na sarap ka naman ata na matulog sa balikat ko ano?" sarcastic niyang sabi. Wait?

"Baka gusto mo ng gumising dahil andito na tayo." pagkasabi niya ay agad siyang tumayo at iniwan akong naka nga nga. Talaga bang nakatulog ako sa balikat niya?

Inayos ko muna ang mukha at damit ko baka may laway pa bago tumayo. Nakita kong kumaway sakin si Leila.

"What?"

Tinuro niya ang pwesto kung nasaan sila Rich at agad nanlaki ang mata ko.

Ang cute!!! Tulog ag dalawa at naka unan pa si Rich sa balikat ni Raevin. Hawak naman ni Raevin ang kamay ni Rich na mukhang prinoprotektahan ito. I'm so kinilig!

Dali dali kong kinuha ang camera ko sa bag at agad na pumunta sa pwesto nila.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Leila

"Ano ba ang ginagawa kapag may camera? Malamang mag pipicture" sabi ko saka umpirao.

Pinicturan ko na sila baka kasi magising pa.

Pumunta din sa tabi ko si Leila at pinicturan din sila.

"Uy tama na yan. Magagalit si Rich na yan" pananakot samin Ken. Kasama niya si Aero.

Nabigla na lang ako na dumilat si Rich. Kasabay si Raevin na nagkukusot pa ng mata. Waaahh ang cute.

Bigla naming tinago yong camera at tumingin sa paligid. Waaaahhh We're going to die.


Red POV

Masarap ang tulog ko ng mapansin kong may mabigat sa ulo ko. Tapos may parang flash pa na tumatama sa mukha ko. Sino ba yun? Tsk malilintikan talaga sila kong sino man yon.

Idinilat ko ang isa kong mata at nakita kong may hawak na camera sila Sam at Leila at nandoon sa gilid nila sila Ken at Aero na umiiling. Bigla naman nilang tinago at tumingin tingin. Arghh mga to talaga.

Bat ba may mabigat sa ulo ko?Tinignan ko kong sino.

O.o




o.O




O.O

OMG totoo ba to? Bat nakaunan ako sa balikat niya eh samantalang siya nga yong naka unan sa balikat ko noon?.

Bigla naman akong napa ayos ng upo at kinuha ang gamit ko at lumabas na.

Raevin POV

Tsk. May saltik talaga sa utak yun. Lumabas na din ako at nakita ko ang mga gago kong kaibigan.

"Hey Raevin ayos ka lang ba? Hahaha" gagong to.

Tinignan ko ang paligid. Maganda naman dito at may hotel. Pero sa kadahilanang camping kami ngayon hindi kami mag hohotel kundi mag tetent kami. Pumunta kami sa parang gubat na parte ng hotel. Maganda dito may mga halaman at mga puno.

Nagtipon tipon kami sa parang mini stage na ginawa ng mga hotel staff para sa camping namin. Pumunta doon ang teacher namin sa physics.

"Ok student we are here to experience the life without electricity. As of now we provided the tent and you will going to install it here. So in one tent there are four student that can share. Okay Group yourself into four and go in front to get the things you need. GO."

Di na namin kailangang mag group dahil apat naman kaming magkakaibigan so we go infront and get the things so that we can start.

Pumunta din yong isang kasama ni Rich which is Kate at kumuha din sila ng gamit.

We decided that were going to build a tent beside on there tent. Nagsimula na kaming mag build.

Rich POV

Habang nag aayos kami ng tent ay nakita kong sa tabi pala namin nag build sila Ken.

Abala ako sa pag aayos ng bigla akong kinabahan at na estatwa. Akala ko ako lang ang nakaramdam pero mukhang nakaramdam din sila Kate dahil bigla silang huminto. Narinig kong sumigaw si Aero kay Ken dahil nabitawan niya yong tali. I see them on my peripheral vision.

May nahagip akong isang lalaki sa malayo. Pero kitang kita ko siya dahil matalas ang mga mata ko. Nakatingin siya sakin na para bang may gustong gawing masama. Bigla akong kinabahan ng maalala ko kong sino ang tao na yon. Siya yong nakita kong lalaki sa kotse. Yong nasa bus kami tapos may nakatingin sa akin na lalaki na para bang nakikita niya ako sa tinted na bus. Bigla siyang tumakbo pa alis.

Maya maya narinig kong nagsalita si Kate.

"Uy Rich hinga hinga naman diyan.." Sabi niya. Dun ko lang napagtanto na pinipigilan ko ang aking paghinga. Agad ko naman ako huminga ako ng maayos.

What's happening? Ano yong naramdaman namin na yon? At sino yong lalaki na yon.

"Naramdaman niyo ba yon?" Parang takot na sabi ni Sam.

Tumango lang ako katulad nila Leila. Matalas kasi ang pandama at pandinig namin. Natutunan namin yun noong nasa korea palang kami. Hindi ba nila nakita yong lalaki?

Sasabihin ko na sana kong nakita nila yong babae ng magsalita si Leila.

"Asan sil Blake? Bakit wala pa sila?

Oo nga, Nasaan kaya sila Blake? Hindi kasi namin sila nakasabay sa bus dahil nandoon sila sa kabilang bus.

"Hey guys" speaking of

"Uyy bakit kayo parang namumutla at ikaw Re---Rich tulala.?" Tanong sa amin ni Wave. Muntik na niyang masabi yong Red.

"A-Ahh wala ahh. H-Hindi kasi kami nakapag-breakfast kaya ganun. He he" sabi ni Sam. Mukha namng naniwala sila pero si Blake ay nakatingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at inumpisahan ulit ang ginagawa.

Third Person POV

"Na ayos mo na ba ang lahat sa camping nila?" Tanong niya sa mga alagad niya.

"Opo master"

"Good" kinuha niya yong baso na may wine at ininom ito.

"Hahaha magsaya ka ngayon Red dahil sisiguraduhin kong masisira ang fieldtrip nyo. Maraming mamamatay kasama ka na doon." sabi niya at tumawa ng pangdemonyo.

Makikita mo talaga sa kanyang mukha ang galit at pagkasabik.

***

Hey guyss. Di ko na alam kong ano yong isusulat ko next chapter. Kaya baka hindi ako maka update next week.

Hi sa REDnatics daw. Hahaha love you.


-raindropIU

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon