Chapter 13 - Black Mask

1.3K 47 0
                                    


Red POV

Gabi na at tulog na ang mga tao ngayon. Pagkatapos kasi ng activity namin ay wala ng kasunod kaya yong iba nagmall tapos yong iba natulog lang. Kami naman sa loob lang ng tent.

Di ako makatulog kaya nagsuot ako ng jacket. Nagdala rin ako ng armas in case na may kalaban. Tulog na sina Sam kaya di na nila ako mapapansin nito. Lumabas na ako ng tent at naghanap ng magandang tambayan.

Lakad lang ako ng lakad at dinala ako ng paa ko sa isang puno na malapit sa falls. Umakyat ako sa isang puno at umupo sa sanga. Malamig ang simoy ng hangin kaya tinatangay ng hangin ang buhok kong kulay red. Kung titignan mo ang buhok kong ito ay kulay itim pero kung natapatan ito ng araw ay nagiging red.

Habang nakapikit ako at dinadamdam ang simoy ng hangin ay may naramdaman akong may papalapit sa kinaroroonan ko. Marami sila. Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang at suot ko parin ang contact lense na ginawa ni Leila. Ginagamit namin ito para makakita kami sa dilim.

Agad kong nilibot ang paninhin ko at nakita kong may mga kalalakihan may armas ang nandoon. Papalapit sila sa pwesto ko kaya naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Ano tulog na ba ang mga estudyante?"

"Oo wala ng ilaw ang tent tapos nasa hotel ang mga teacher nila kaya pwede natin isagawa ang plano"

Napatigil naman ako dun. May balak silang salakayin kami ngayong gabi? Sino ang nagpapunta sa kanila dito? Shit kailangan kong sabihin ito sa kanila.

Agad kong pinindot ang kaliwang earring na suot ko. Isa ito sa mga invention na ginawa ni Leila. Kaya nitong maka send ng signal papunta sa kanila. Tig isa kami neto at parati namin itong suot. Nagsisilbi itong gps para malaman nila kong nasaan ako ngayon.

Naghanda na ako para sa laban. Marami rami rin naman ang dala kong armas kaya kayang kaya ko sila. Marami sila at may dala silang baril, baseball bat, mga dagger at shurikens. Hinawakan ko ang relo ko na nasa left arms. Nanonood ba kayo ng detective conan. Yong ginagamit ni Conan para patulogin yong tatay ni Ran. Pinuwesto ko iyon sa isang lalaki malapit sa pwesto ko.

Shoot. Tulog.

"Sinong nandyan?"

"May tao"

Mabuti nalang at all black ako ngayon kaya di nila ako nakikita. Kinuha ko yong silencer ko na nasa binti ko at pinatumba yong may mga baril na dala. Nagsilabasan din sila ng baril at hinahanap nila kong nasaan ako. Tsk mga duwag.

Naramdaman kong dumating sina Sam at nandoon sila sa kabilang puno naka pwesto. Habang pinapatamaan ko sila may biglang humagis ng katana sa pwesto ko. Mabuti na lang at nailagan ko yon. Binunot ko yong dagger ko at tinapon doon sa tumapon ng katana sa akin. Shoot 1 points.

Bumaba na ako sa puno at nagpakita sa kanila. Ganun din ang ginawa nila Leila. Marami rami pa sila kaya mukhang matatagalan pa kaming matalo sila. Naubos na yong dala kong armas at natitira nalang ay dalawang dagger, isang silencer at isang katana.

"Akala ko pa naman isang tao lang ang nandito. Apat pala kayo? At mga babae pa. Hahaha ang galing niyo ha pero di namin kayo hahayaang sirain ang plano namin ng dahil lang sa inyo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad silang tumakbo papunta sa amin. Hinawakan kong mabuti ang dalawang dagger. May sumugod sa akin na dalawa. May hawak na baseball bat. Inilagan ko ang mga tira at ng makahanap ako ng tyansa ay agad kong hinagis yong dagger sa isang kalaban. Hindi lang basta dagger yon. Nilagyan ko ng poison ang dulo ng bawat isa ng dagger ko.

Isa na lang.

Inawasan ko ang mga tira niya at hinagis ko sa kanya yong dagger na hawak ko pero nailagan niya ito. Tsk bwesit.

Red [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon