Chapter 10 Ang Plano ni Aica

17.4K 358 58
                                    

Hayst... ito na yung Lovescene... pasenxa na first time kong gawin to e... hahhahahah....

this chapter is dedicated to......DL... hehhehehe tnx bro... 

Adolf's POV


Ito ako ngayon, nakangiti, si Joxel na sa CR pa rin, hindi na ata kinaya ang hiya sa harap ko! hahahah 

napatagil ako sa kakangiti ng tumunog ang cellphone ko

New Message from Aica


Aica: Nasaan ka, nandito ako ngayon sa bahay nyo, sabi ni manang umalis ka daw

-text ni Aica, teka ano naman ang ginagawa nito sa bahay, hindi muna siya nagtext sa akin

Ako:  nandito ako ngayon sa mcdo, kumain lang kami

-reply ko, 

Aica: kayo? sinong kasama mo?

-reply niya, panu niya nalaman na may kasama ako,, naku tignan ko nga sa sent item kung anong tinext ko sa kaniya " nandito  ako ngayon sa mcdo, kumain lang kami"... ay tanga nasabi ko palang "kami"

Ako: kasama ko si Joxel, maglalaro sana kami kaso, kumain nalang kami dito

-reply ko

Aica: si Joxel na naman...??? ;( umuwi ka na nga! kainis ka!

-reply niya, tapos mukhang nagalit pa ata,

panu na 'to?... 

______________________

_______________________________________

Aica's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ng boyfriend ko, may dala akong bake macarroni, surpresa ko sa kaniya, 

nakita agad ako ni manang na nagdidilig at agad ko siyang tinanong

" manang si Adolf po?" tanong ko sa kaniya habang bitbit ko yung isang tray ng bake macarroni

"ay maam, lumabas po siya e, magba-basketball po 'yun, pasok po muna kayo" sabi niya tapos binitawan yung host na hawak niya, 

" ganun ba? sige pakilagay nalang po itong pagkain sa kitchen" sabi ko at inabot niya yung hawak ko, at kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko agad siya,

tinanong ko siya kung nasaan siya, sabi niya nasa mcdo daw siya, at kumain lang daw sila...

sino naman 'tong kasama niya.

agad ko siyang nireplayan kung sino yung kasama niya

sabi niya si Joxel daw... uggggrrrr... nakakpanggigil magkasama na naman sila

kaya agad ko siyang nireplyan na umuwi agad siya...naiinis na talaga ako...

tapos hindi na siya nagreply siguro papunta na 'yun dito,  

pumasok na ako at umupo sa sofa, hindi pa rin ma-alis sa isip ko kung ano man ang namamagitan sa dalawang ito, kailangan gumawa ako ng paraan para malaman ko kung tama ang mga hinala ko, 

maya-maya pa'y dumating na si Adolf, tapos tumingin ako sa likuran niya kung may kasama siya

" si Joxel?" bungad ko sa kaniya nang makalapit sa akin

"umuwi na! ... napa-aga ka ata?" tanong niya sa akin 

" nagdala lang kasi ako ng bake mac... kaso mukhang busog ka na!" malditang pagkasabi ko

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon