Chapter 10.1 Pintura

20.9K 390 38
                                    

Adolf's POV

Nakadapa ako sa kama ko, binuksan ko ang mga mata ko at nagtaka ako dahil wala sa tabi ko si Aica at si Joxel, inangat ko ang sarili ko para ilibot yung paningin ko, natanaw ko sila sa terrace na tila nag-uusap ng massinsinan.

tignan ko yung katawan ko, tanging kumot lang ang nakatakip sa pang-ibaba ko, muli kong sinubsub ang mukha ko sa kama,

Iniisip ko ang mga nangyari kanina, 

Bakit nagawa ito ni Aica? 

Bakit ginusta niya na dalawa kami ni Joxel sa ganitong sitwasyon,?

Hindi ko alam pero, nararamdaman kong meron siyang matinding dahilan kung bakit niya nagawa ito, at malalaman ko rin niyan, hindi man ngayon...

Inaamin ko, nang tanggalin ni Joxel ang suot na bra ni Aica, nakabuo ako ng maraming agam-agam,

ibig sabihin gusto rin ni Joxel na may mangyari sa kanila ni Aica... haystt... 

at nung tinanggal ko yung nakatapis sa akin, inaasahan ko na tignan ang pagkalalaki ko ni Joxel, pero nagkamali ako,

lumapit nalang ako kay Aica, upang maipahiwatig na gusto ko rin ang pwedeng mangyari sa aming tatlo...

pero, .. habang hinahagkan ko si Aica, isa lang ang nasa isip ko walang iba kundi si JOXEL... siya ang lamang ng isip ko habang magkadikit ang katawan namin ni Aica... 

pero

..

pero

...

hindi niya dapat ito mahalata,

pinigil ko ang aking sarili sa mga pwede kong magawa kay Joxel sa harap ni Aica, at nagawa ko nga ito, hindi ako nagpakita ng kahit anong motibo, na gusto ko ring hagkan ang lalaking ito. 

dahil, sobrang natatakot ako kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag-nagawa ko yun... baka-pagmuhian ako ni Aica kapag nagawa ko 'yun... parang hindi ko kaya na kahit isang tao sa paligid ko ay mag-iba ang tingin sa akin,... hindi ko ATA kaya!

____________________________________

____________

Joxel's POV

Ako ang unang bumangon sa aming tatlo, mukhang napagod silang dalawa,

Dahan dahan akong umalis sa kama, baka kasi magising sila, nang makatayo na ako, kinuha ko agad yung damit ko at agd kong sinuot, 

napatigil ako bigla, tinignan ko silang dalawa habang natutulog,  napatanong  ako sa sarili ko, totoo ba itong nangyari sa aming tatlo? 

Bakit ginusto ni Aica na mangyari ang lahat ng ito?

Hindi ko alam,!!! pero... alam kong may dahilan... nakita ko yung terrace at agad kong tinungo, sinandal ko ang mga braso at pinagtaklob ko ang mga daliri ko, tinanaw ko ang pinaka malayong matatanaw ng aking mga mata... habang iniisip ko ang mga tanong sa aking isipan...

nagulat nalang ako nang may nagsalita sa likuran ko

" Napagod ata si Adolf" sabi ni Aica at tumabi siya sa akin

"A-a...oo nga.. mahimbing yung tulog niya" tangin nasabi ko sa kaniya

" sorry" biglang sambit niya at napatingin ako sa kaniya habang siya ay nakatingin sa kawalan

" B-bakit ka nag sosory?" tanong ko

" ako ang nagpapunta sayo dito! hindi si Adolf" sabi niya at napayuko siya at muling nagsalita

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon