Chapter 10.3

15.2K 318 15
                                    

Adolf's POV


Kahit puro bakas ng pintura yung sahig papuntang CR, hindi namin inalintana iyon basta makaligo kami,

deretso kami agad ng CR, ako na ang nagbukas ng shower

" wala ka bang bathtub?... poor" tanong ko sa kaniya habang binabasa ang katawan ko ng tubig mula sa shower

" wag kang maghanap ng wala no! ... di ako katulad mo, mayaman!" sabi niya at tinulak niya ako para siya naman ang mabasa ng tubig sa shower

" aray!!!... hindi pa nga ako tapos e" sabi ko, tapos habang nababasa kami ng tubig ay unti-unti namang natatanggal ang mga pintura sa katawan namin, tapos yung kulay ng tubig hindi maintindihan...

Nang medyo kaunti nalang yung pinturang nakadikit sa amin...

" nasan yung bodysoap mo?" tanong ko sa kaniya

" ayun no! " sabay turo niya sa lalagyan at kinuha ko na, pati shampoo at facial wash na din, tapos kinuha ko na rin yung parang kulambo na kulay blue, panghilod ata ito,

" ako na magsasabon sayo a" sabi ko tapos pinabula ko na yung sabon gamit ng kamay ko at yung panghilod...

" sige, dito sa likod" sabi niya at sinumulan ko na yung paghilod sa katawan niya... yung likod niya, kitang kita yung pagkalining ng muscles niya, hulmang hulma ang pag gi-gym niya

ayun natatanggal na din yung mga pintura... tapos nung nasa may bewang na niya ako naghihilod sabi niya

" wag diyan! ako na!" sabi niya tapos inagaw niya sa akin yung panghilod...

" bakit?" tanong ko tapos kumunot pa noo ko

" basta!" sabi niya tapos siya na ang naghilod ng bewang niya... at nakahalata ako

" may kiliti ka diyan no!?" nakangiting sabi ko... tapos agad ko siyang kiniliti....

" T***n na mo Adolf... wahahhahaha" hindi ko maipinta ang itsura niya habang kinikiliti ko siya, iniiwas niya yung mga kamay ko

" ayieeeee... diyan pala ang kiliti mo a!" sabi ko na pang-asar ang ngiti

" takte ka! tumigil ka na, di tayo matatapos nito" sabi niya tumigil na din ako at pinagpatuloy niya yung ginagawa niya,,, 

nang matapos na niyang linisin ang katawan niya...

" o talikod ka!" sabi niya tapos ako naman ang hinilod niya sa likod

" anu bayan! nakakabanas naman 'tong likod mo, ang HOT..." sabi niya tapos bigla niyang tinaas yung kamay ko at....

bigla niyang hinilod kilikili ko

"Oy oy.. oy...sabi ko at bigla kong iniwas yung paghihilod niya.... may kiliti kasi ako.. hahaha

" aaa... may kiliti ka pala diyan a" sabi niya tapos muli niyang tinataas yung kamay ko, pero ako todo pigil... ang laks ng pwersa niya para lang maitaas yung kamay ko,,, hahahah pero sorry siya mas malakas ata ako... hahahhaha pero sa may bandang likod ng balikat ko, nakuha niya rin yung kiliti ko,, tinusok-tusok pa niya ng daliri niya, at ako naman pinipiglan siya

" tama na! tama na!" sabi ko habang tumatawa... hindi ko na kaya yung pagkikiliti niya, yun ang kahinaan ko kapag tinusok ng madiin doon sa may bangdang kilikili ko... hahhahaha 

Itinigil na niya yung pagkikiliti niya sa akin tapo lumapit na ako sa kaniya, 

sa dibdib ko naman siya naghilod...

kung makatitig sa dibdib ko wagas! hahaha

" makatitig ka sa hard chest ko a!' nakangiting sabi ko sa kaniya

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon