Chapter 11.3

12.7K 277 10
                                    

Joxel's POV

"Joxel!" tawag sa akin ni Arthur at lumapit ako sa kanila, yung tatlo nakatayo sa may likuran yung dalawa naman naka-upo sa armchair tapos yung dalawa pa at si Arthur ay naka-upo ng maayos.

" bakit, Arthur!" mahinahong sabi ko

" Ang yabang ng Kaibigan mo! hindi ko gusto tabas ng dila niya kanina" seryosong sabi ni Arhur, naku mukhang nagalit nga si Arthur sa sinabi ni Adolf

" ano.. sasapakin niya daw ako? ha?" sabi ni Arthur at tumayo siya, aaminin ko nakaramdam ako ng takot, pero gusto kong magmatapang sa harap nila pero ako na lang ang nagpakumbaba

" Arthur.. nagulat lang yun nung babatukan mo ako... pero wala 'yun... wag mong papansinin 'yun" sabi ko sa kaniya tapos tinapik ko yung balikat niya

" pagsabihan mo 'yang kaibigan mo a, kung hindi, lahat kami dito makakalaban niya!" sabi ni Cloi

yun totoo? gusto nila nang gulo? o away?

pwes ako

syempre

ayaw ko!

hindi naman sa duwag ako!

ayaw ko lang na magkaroon ng gulo... lalo na kapag involve kaming dalawa ni Adolf, at syempre lalo na kapag si Adolf ang hinahamon nila.

eh ang dami-dami nila oh! one...two...three... four...five... six... seven...

SEVEN sila tapos mag-isa lang si Adolf... 

ayus a!

" sige ako na ang bahala dun!.. wag nyo nang probelamhin 'yun! magkakasundo din kayo nun!" sabi ko... pero mukha hindi nila nagustuhan yung sinabi ko, 

Natapos na yung usapan namin ng dumating na yung Prof. namin

________________________

__________________________________________

Adolf's POV

Masaya ako dahil nagustuhan ni Joxel ang niluto ko para sa kaniya...

muntik na ngang masira ang araw ko e...

dahil dun sa Arthur na yun!

pero nasaktan ako sa pagpapakilala sa akin ni Joxel a...

KAIBIGAN DAW!

asussss,,,

pero naiintindihan ko naman siya... hindi pa naman kami handa..

pero masakit pa rin e... yung ipakilala ka lang bilang kaibigan...

ay ewan! 

sa susunod hindi ko na hahayaan na ipakilala niya ako bilang kaibigan...

siguro dapat pag-usapan namin 'to...

___________

Naglalakad ako papuntang classroom ko, sinalubong na ako nila Ustin

" uy 'tol... malapit na mothsary nyo a... nakapag book ka na ba?" pabirong tanong sa akin ni Ustin

"e kung sapakin kaya kita!" sabi ko, 

" ito naman... di na mabiro" sabi ni Ustin at tumawa yung mga kabarkada ko.

"wala na kami!" biglang sabi ko... tapos nilagyan ko ng konting emote... para kunwari malungkot... hahah

"ANO???/" sabi nila chorus pa!"

" mukhang ito lang ang naging girlfriend mo na hindi umabot ng isang buwan a!" sabi ni Ustin

" hayaan nyo na nga kami... hindi na kami masaya sa isat-isa... hanggang dun nalang ang masasabi ko!" ----> ako at pumasok na ako sa room at umupo na ako, pinalibutan ako ng mga barkada ko. wala pa naman kaming prof palagi namang late yun e.

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon