Chapter 10.2 Abstract

17.4K 310 32
                                    

Nakaprivate po ung chapter 10.1
Spg po kasi PM niyo lang po ako

Joxel's POV

Hanggang ngayon nakayakap pa rin ako sa katawan ni Adolf... ayaw kong matulog, o kahit ipikit ko lang ang aking mga mata...

ayaw kong magising na panaginip lang ang lahat ng ito...

pero nassisigurado ko, na totoo ito

tiningala ko ang mukha ko at tumingin sa mukha ni Adolf... nakapikit ito at mukhang nakatulog, pinagmasdan ko ang kaniyang pilikmata, kay hahaba at makapal, ang kaniyang labi ang sarap sarap halikan, 

dinampi ko ang daliri ko sa labi niya, ang lambot talaga, mapula-pula pa! 

nagulat nalang ako ng bigla niyang kagatin ang daliri ko

" aray!" sabi ko at agad kong nailayo ang daliri ko sabay tapik sa dibdib niya, at tumawa lang tong kumag na 'to

" hahaha, bakit mo hinahawakan ang labi ko?" masayang  tanong niya

"  e kasi, mas mapula yang labi mo sa labi ko e.." sabi ko sa kaniya

" ngek!... mas masarap namang halikan 'yang labi mo, ang nipis tapos pinkish pa, bagay kasi sa balat mo kasi maputi ka, e kung mapula yan para ka nang naglipstick, e ako, medyo moreno kaya tama lang din sa akin na mapula ang labi ko" sabi niya sa akin

" siguro nga..." tapos hinawakan ko ang nakaumbok na buto sa ilong niya kasi ang ganda ng pagkakaform ang tangos e, tapos hinawakan ko rin yung akin

" oh, anu naman ang problema sa ilong ko?" tanong niya na nakakunot ang noo

" mas matangos ang ilong mo sa iong ko" sabi ko naparang bata lang na luging-lugi sa kalaban hahah

" wahahahaha..." tumawa lang siya

" oh bakit ka tumatawa?.. at isa pa yang pilik mata mo, sobrang lago niyan samantalang sa akin hindi naman" sabi ko pa ulit

" Oo, alam ko na Jox, mas gwapo ako sayo! hahaha" sabi niya at tinapik ko ulit bibig niya

" adik ka ba? ... sige na nga mas gwapo ka na!" sabi ko na parang ewan lang ang reaksyon ng mukha ko, tapos ginulo niya yung buhok ko

" hahaha,, ikaw talaga! gwapo ka rin naman e, naiinggit nga ako sa mga mata mo kasi may pagkabrownish... tapos ang puti mo pa," sabi niya... 

" sige na nga parehas na tayong gwapo... pero mas gwapo ka pa rin..." sabi ko tapos dahil sa magkadikit ang katawan namin, naramdaman ko ang sikmura niya na tumunog,,, at nagkatinginan kami sabay tawa

" hahahha... gutom na ako e, hindi pa ako nag la-lunch kasi si Aica ang pananghalian ko e, tapos ikaw yung dessert ko, hahaha sa pagkain nga naman, palaging nasa huli ang masarap " sabi niya 

" ewan ko sayo" sabi ko sa kaniya at kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya, parehas kaming tumayo at sabay kaming napatingin sa katawan namin,,, hahaha puro pintura ang katawan namin ng ibat-ibang kulay, 

" yung mukha mo bakit walang pintura?" tanong ni Adolf habang nakatingin s amukha ko, kasi mukha niya pintura, pero mukhang may binabalak 'to a, lumakd siya patalikod at pinulot yyung nakatumbang pintura, kulay green iyon at agad niyang sinaboy sa hubad kong katawan!

" Sira-ulo ka Adolf" sabi ko sa kaniya pero siya tuwang-tuwa sa ginawa niya, sinakyan ko nalang ang gusto niya

" aahhh, ganun a, akala mo ikaw lang" sabi ko at kinuha ko yung isang lata ng pintura na kulay pula at nang makita niyang pinulot ko iyon tumakbo siya sa loob ng kwarto, akala naman niya may lulusutan siya dito sa loob... hahahah 

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon