Chapter 14.1 Ang sikreto ni Adea

11K 246 12
                                    

Joxel's POV

Naglakad kami ni Adolf pabalik ng school,

Kahit wala pa kaming klase papasok kami ng University para ipakita sa may gawa nun na matibay  kaming dalawa! 

Nasa gate na kami ng university tapos tiginignan ako ni Adolf..

" tara na!" alok niya tapos inabot niya kamay ko... at tumango ako...

Papasok kami nang University na magkahawak ang kamay...

Bahala na! wala silang paki-alam...

DALAWANG GWAPO naka holding hands papasok ng school...

Taas noo si Adolf... masaya ako kasi walang halong takot ang itsura niya, samantalang ako... kinakabahan... kahit ganon, kahit gusto kong ipagsigawan na Bf ko si Adolf, kinakabahan pa rin ako... 

Yung mga nakakasalubong namin, syempre makatingin, kulang nalang mabunggo dahil sa amin nakatingin... 

wala naman akong naririnig sa kanila...

Yung mga kalalakihan nakangiti na pang-asar...

Yung mga kababaihan tahimik lang!!!

TAPOS yung ibang babae at mga kabaklaan sa loob ng lobby.. kita 'ko ang ngiti na halatang masaya sila sa amin,, kinikilig pa nga e...

tapos nginitian ko rin sila..

Nagtaka ako, bakit ganito ang asal nila ngayon samantalang kanina... parang pinagkakaisahan nila ako...

Hindi kaya sinindak sila ni Adolf?

Napatigil ako nang malapit na kami sa pader na pinagdikitan ng picture namin ni Adolf.

" Huwag kang mag-alala.. tinggal na 'yan ni Ustin... " sabi ni Adolf

tumango lang ako... 

" at isa pa, pinagsabihan ko na sila! hindi nila dapat tayo binabastos ng ganito" sabi pa ni Adolf..

Naglakad pa kami, tapos nasalabong namin si Aica at Adea

Tumagbo si Aica papalapit sa akin...

bigla niya akong niyakap..

" nabalitaan ko yung nangyari sa inyo kanina" sabi ni Aica na may halong pag-aalala..

"Okay lang kami Aica, salamat sa pag-aalala" sabi ko

"Kung sino man ang may gawa 'nun, pagsisisihan niya 'yun!" sabi ni Adolf..

tapos hindi ko maintindihan ang itsura ni Adea...

Bakit ganun ang reaksyon niya...

Hindi kaya! 

?

Hindi ko alam, pero pinaghihinalaan ko na siya...

Kailangan ko nalang patunayan!

"A-ammm Aica, mauna na ako.. akyat na ako sa room, maiwan muna kita a.." sabi ni Adea, tapos tumingin siya sa amin ni Adolf " sige mauna na ako" sabi niya tapos ng tumalikod siya nagsalita ako

"Huwag bata ka pa!" sabi ko.. sa pagkakataong ito hindi lang biro 'yun... may halong katotohanan

hindi na pinansin ni Adea yung sinabi ko, 

tapos nagpatuloy kami sa paglalakad...

Hindi naman lahat ng studyante dito e gusto ang relasyon namin ni Adolf.. pero wala kaming paki-alam dun.. meron naman mga nakakaintindi sa amin... at may lumapit, grupo ng kababaihan,,, tapos may kasama silang dalawang bading..

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon