Chapter 9 Ngayo'ng alam ko na!

17.3K 352 25
                                    

Adolf's POV


Sa makalawa na ang first monthsary namin ni Aica... hanggang ngayon wala pa rin akong plano, 

Sa lahat nang naging Girlfriend ko,,, feeling ko siya lang ang natatanging hindi special ang first monthsary...

hindi ko rin alam, kasi sa kabila nang pag-iisip ko sa amin ni Aica, hindi rin mawala sa isip ko itong si Joxel....

habang kasama ko si Aica, sa tingin ko mas gusto ko pang makasama si Joxel, kapag-iniisip ko si Aica,,, bigla-gigla nalang siyang sumisingit sa utak ko...

Tulad nalang nitong nalalapit naming monthsary ni Aica,,,  naguguluhan ako kasi bumabagabag sa diwa ko si Joxel...

pero bahala na! kung ano man ang mangyayari sa araw mismo ng monthsary namin.

hayyyy..... habang nakahiga pa ako dito sa kama ko inabot ko cellphone ko mula sa table malapit sa kama ko, tinignan ko, hay naku wala man lang text ni isa...

teka.... 

compose message

Good morning! have a nice sunday... katamad bumangon, napagod kaka-isip sayo kagabi... hayst

                                   - group message

text ko yan, tapos send to Jox... hahahah group message ang nilagay ko pero si Joxel lang ang tinext ko

hindi pa ako handa kung ano man itong nararamdaman ko, at isa pa hindi naman ako sigurado,  at lalong-lalo na na may girlfriend ako. binitawan ko cellphone ko at sinubsub ko ulit mukha ko sa unan. maya-maya pa'y pakiramdam ko nang ring ang phone ko, parang naririnig ko yung ringtone ko... agad kong tinignan cellphone ko pero wala namang nagtext... baliw talaga! binitawan ko ulit phone ko at nagring na! sigurado na ako na may nag-text ... 

hindi nga ako nagkamali at maynagtext nga! 

New Message from Jox

Joxel: Goodmorning din! 

- reply niya sa text ko... hummmm yun lang? wala man lang siyang reaction sa text ko? di man lang siya magtatanong kung sino yung iniisip ko kagabi? hay naku yayain ko na nga lang siya maglaro ng basketball

Ako: laro tayo? may bola ako dito

Joxel:  anong bola?

ano ba naman tong reply niya, malamang bola ng basketball... adik lang

Ako: basketball ball... hahah bakit ano pa ba ang gusto mong bolang laruin? hahahha joke pisss!!!

reply ko sakniya, habang naka-ngiti na ako nang hindi ko namamalayan

Joxel: taena mo!... ang aga-aga kung ano-ano 'yang iniisip mo! sige hintayin mo nalang ako sa court

reply niya, at hindi ko na siya nireplayan at agad na akong bumangon para magbihis at maghilamos at mag toothbrush...

sinuot ko yung jersey ko tapos kinuha ko na yung bola, 

Habang naglalakad ako papunta sa court, may mga tao na tila nagmamadali papunta sa direksyon ko, lumingon ako para tignan kung may mga tao sa likod ko, may nakita ako dalawang babae na tumatakbo... at narinig ko yung pinag-uusapan nila

Babae 1: dalian natin, baka tapos na 'yun ---- sabi nung isang babae habang hawak niya yung braso ng kasama niya habang parehas silang tumatakbo

Babae 2: oo nga, sana makita natin sila! --- sabi naman nung isa at napatigil ako, dahil halos lahat ng dumadaan ay papunta sa court... napakunot ako ng noo, dahil iniisip ko kung anong mayroon sa court... 

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon