Chapter 36 Ang Desisyon

8.3K 236 46
                                    

Joxel's POV

Hindi namin kaya ni Adolf na magkahiwalay..

ipanamukha sa akin na ako ang mahina,

ako ang unang sumuko sa aming dalawa...

pero ngayon, kailangan kong lumaban at patunayan na hindi ko kayang iwan

ang taong mahal na mahal ko...

napag desisyunan namin ni Adolf na puntahan si Aica sa Quezon Province

Lumipas ang ilang araw

at nakapagdesisyon kami ni Adolf

Nandito kami ngayon sa sasakyan,

buo na ang loob namin na harapin ang pagsubok na ito...

habang nagmamaneho si Adolf tumingin ako sa kaniya,

maliwalas na ang mukha niya....

halatang masaya siya sa naging desisyon namin...

tumingin siya sa akin saglit,

at ngumiti

hinawakan niya yung kamay ko

at tinignan ko yon

"maayos din ang lahat" nakangiting sabi niya

"oo, tama ka, sana pumayag si Aica sa gusto natin" sabi ko

"ito ang nakakabuti sa ating lahat, at ito din ang nakikita kong tama," sabi niya

" babae daw ba o lalaki?" tanong ko kay Adolf

"ahhhh hindi ko naitanong eh, sino kaya kamukha non?" sabi ni Adolf na nakangiti

"haha, kapag kamukha mo at moreno.. syempre ikaw ang ama, wala ng duda... at kapag kamukha ko at maputi ako ang ama"

"haha basehan talaga ang kulay kung sino ang ama!? hahha..." sabi ni Adolf

"excited ako sa baby" sabi ko at nakangiti ako...

"talaga?,,,, bakit naman?" tanong niya

"kasi, kung saka-sakaling ako ang ama.. atleast nabigyan ko ng apo yung mga magulang ko.. haha" sabi ko

"hahahahaha,,,, akalain mo yun... nagka-anak ka pa..." biro niya

" eh paano kapag ikaw ang ama?" tanong ko

"syempre masaya din dahil nagka-anak ako... kasi inisip ko na... na kahit walang anak basta't kasama kita" sabi niya at ngumiti

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon