Chapter 11.1

13.8K 280 23
                                    

Joxel's POV

Dumertso na ako sa unang klase ko, 6: 45 palang kaya kaunti palang mga ka-klase ko,

umupo na ako sa inuupuan ko, sa pinaka-likod...

ewan ko ba! kapag matatangkad laging sa likod, panu naman yung malabo ang mata pero matangkad... well... hindi naman malabo ang mata ko, ito lang katabi ko... si Arthur... 6footer pero malabo ang paningin, kaya nababanas ako kasi himbis sa whiteboard siya tumingin ng notes sa notebook ko siiya tumitingin,,, haystt kaya wala akong naiintidihan sa math e...

hhehehe ... math nga pala unang subject ko! sakit saulo no!

unang araw ng linggo,

unang klase sa araw na'to... 

MATH ang aaralin ko... bakit kasi ginawa pa 'yang math na 'yan...

since highschool.. palagi ko nalang tinatanong, na magagamit ba namin 'yang x, and y na yan... minsan pa ang daming variables sa board... haysstttt... ito pa, may mga symbols pa na bilog tapos may guhit sa gitna... theta daw 'yun... aba! anu bang malay ko diyan...

lumapit sa akin si Arthur...

si Arthur nga pala ang pinakamatangkad sa amin dito sa room, 6' or 6'2 ata ang taas nito, pero isa rin 'tong mahina sa math e...

pero wag ka, kapag nagdrawing 'yan.. lalo na kapag portrait... kuhang kuha niya...

" may assignment ka na?" tanong sa akin ni Arthur na ikanagulat ko

" ha???? may assignment ba?" sabi ko tapos kinuha ko yung notebook ko sa bag..

" oo tanga! may assignment ngayon... two items lang... pero nung nakita ko yung mga papel nila... punong-puno yung yellow paper ng solution" sabi ni Arthur at tumingin dun sa ka-klase namin na may hawak ng yellow paper at tumingin din ako... takte ... ang haba nga ng solution

" aabsent nalang ako!" sabi ko tapos kinuha ko yung bag ko at aktong isusuot ko na... nang biglang ...

dumating yung prof. namin

" okay every body take your seat!" sabi ni Sir sa amin... patay ako nito, wala akong assignment... madadali na naman ako nito, nung nakaraan naconfiscate yung cellphone ko.. ngayon mukhang mapapagalitan na naman ako a! habang busy si sir sa mga dala-niyang libro

siniko ko si Arthur

" ui, may assignment ka ba?" bulong ko sa kaniya

" wala nga din e... panu 'yan?" sabi din niya na pabulong, tapos tumingin ako sa relo ko, saktong alas siyete na, wala na akong lusot nito... 

" bring out your assignment!" sabi ni Sir tapos tumingin sa aming lahat, parang tinitignan niya kung sino ang hindi maglalabas ng assignment...

kinuha ko yung bag ko, tapos kumuha ako ng kung ano man ang meron sa loob ng bag ko,,, wala lang may masabi lang na may kinuha, kunwari may assignment ako.. hahhahaha

pero, si Sir nakatingin sa akin... ako naman binubuksan ko notebook ko, kunwari hinahanap ko yung papel ko pero si Sir...

"Mr. Nariciso,,, kindly answer no. 1, on the board!" sabi ni Sir at nanlaki talaga ang mata ko, yung mga classmate ko makalingon naman sa akin wagas... 

"a-aa.. S-sir... naiwan ko po e!" sabi ko... haystttt ano pa ba ang idadahilan ko?

" ano? standup..." sabi niya na nag-iba na yung tono ng boses niya at ako naman tumayo... takte nanginginig na ang tuhod ko

" kung talagang naiwan mo ang assignment mo... dapat alam mo kung paano gawin.." sabi niya sa akin tapos inaabot niya sa akin yung whiteboard marker niya...

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon