Chapter 16 Sapakan!

10.9K 232 19
                                    

Adolf's POV

Malapit na ang Sembreak... at saktong Monthsary namin ay walang pasok.. hahaha... mapag-hahandaan ko ito nang malupet...

Pero hanggang ngayon hindi pa nag-uusap si Joxel at Ustin tungkol sa pagkakasuntok ni Joxel kay Ustin...

Hindi kasi natuloy yung pag-punta ni Ustin sa bahay nun!! ewan basta marami siyang dahilan..

Alam ko naman na gusto rin makipag-usap ni Ustin e... kaso busy lang talaga siya... yun ang sabi niya e...

Malapit na kasi ang Final exam.. 

Kailangan mapag-usap ko na silang dalawa..

Nandito kami ngayon sa Classroom katabi ko si Ustin, habang may prof... binulungan ko siya

" Ui. 'tol... kailan mo balak kausapin si Joxel.. baka naman talagang galit ka kaya ayaw mo siyang kausapin?" bulong ko sa kaniya

" sira! hindi no! sige mamaya kaka-usapin ko na siya" sabi niya sa akin

Nang matapos na ang klase namin, 

tinawagan ko si Joxel

"Jox.. tapos na klase namin.. papunta na kami diyan?" sabi ko 

" kayo? sinong kasama mo?" si Joxel sa kabilang linya

" si Ustin, mag-usap na kayo ah!" sabi ko

"sige-sige dito lang ako sa lobby" sabi niya at agad kaming pumunta sa kinaroroonan ni Joxel... 

kasama ko si Ustin at si Kurt... yung ibang barkada ko umuwi na

nakita ko na siya naka-upo... nanood ng mga nagbabasketball..

"Jox..." tawag ko sakaniya

" musta 'tol" sabi ni Ustin kay Joxel

"Okay naman... pasensya na talaga sa nagawa ko a..." sabi ni Adolf

" wag mo nang isipin 'yun... ang mahalaga alam mong wala akong kinalaman dun" sabi ni Ustin

" oo nga e... pero simula nun.. wala nang nanggugulo sa amin ni Adolf..." sabi Joxel.. oo nga no! simula nun, wala nang masasamang loob ang may gumagawa nang hindi maganda sa amin ni Adolf.. takot lang nila..

" pero, wag tayong magpapasiguro, kasi baka hindi lang yun ang gawin nun" sabi ni Ustin...

" oo tama ka pero, 'yan pa si Adolf at Joxel.. mapapa-away talaga 'yan" sabi ni Kurt

" syempre naman, hindi ko hahayaan na may gumwa pa nun noh!" sabi ko... 

tapos okay naman na sila Joxel at Ustin e, yun nga lang ngayon lang sila nag-usap tungkol dun.. 

Nakinood nalang kami nang mga nagbabasketball...

Tapos yung ibang naglalaro umalis na kaunti nalang sila...

lumapit sa amin yung isang naglalaro..

"'tol... basketball?" sabi niya sa amin tapos tumingin ako kay Joxel.. 

" tara!" sabi ni Joxel sa akin, gusto din niyang maglaro, tapos si Ustin at Kurt gusto din nila...

Tinaggal na namin yung polo namin, naka-t-shirt lang si Kurt at si Joxel, samantalang naka sando naman ako at si Ustin,,,

kitang-kita ang malalaking katawan namin , takot lang nila kung may mangbastos sa amin... siguro alam na din nila...

Apatan kami, kami magkakampi nila Joxel, kurt at Ustin, samantalang apat din sila..

Boyfriend ko ang Ex-Boyfriend ng Ex ko! (boyxboy) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon