Chapter.4

1.3K 44 3
                                        


MajestyPoV

    Na-istatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko si kuya marky at chinglyn ay magkayakap dito sa labas ng bahay .

    " Akala ko pa naman kayo ang masusurprise pero mukhang ako " sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa at nakapamewang . Halatang nagulat silang dalawa dahil sa itsura nilang mga nanlalaking mata .

" Best friend !" Sabi ni chinglyn na mukhang natauhan na sinunggaban ako ng yakap at sabay bulong ng " kwento ko sayo mamaya " napangisi nalang ako . So may something na?

" Kuya " tawag ko at nilapitan siya sabay niyakap . Niyakap niya din ako ng mahigpit at hinalikan sa noo . Nginisian ko nalang silang dalawa at sinabi kong papasok na muna ako at  mauuna na ako sa kanila . Sabi pa nga ni kuya sabay sabay na daw kami pero syempre di ko sinunod .

  Pagbukas ko ng main door namin agad na bumungad sakin si mom at dad na nasa sala . Agad silang napatingin ng pumasok ako at nakita ko na halatang nagulat at masaya sila sa pagdating ko agad naman akong lumapit sa kanilang dalawa at niyakap . Damn! I missed my family so much .

"Baket di mo sinabing maaga ka pala makakauwi ? Edi sana sinundo ka namin , kaya lang nasan gamit mo?" Tanong ni mom habang nandito kami sa sala. 

"Mom edi wala ng surprise kung sinabi ko , yung mga gamit ko po nasa condo ko dun po ako magi-stay " biglang nagbago itsura ni mom nung sinabi ko yun .

"Ha? Bket? Ayaw mo ba dito ?" Malungkot niyang tanong hindi naman talaga sa ayaw ko dito nasanay lang ako mag-isa .

"Mom hindi sa ganun , nasanay ako ng nagiisa lang but don't worry pag gabi lang ako uuwi doon at pag umaga dito naman ako magi-stay sa mansyon " paliwanag ko para maibsan yung pagaalala niya .

Nasanay ako ng ilang taong mag isang kumikilos sa bahay kaya siguro ganto ang gusto ko mangyari .

Hindi din nagtagal ay pumasok na sila kuya at ang best friend ko . Tiningnan ko lang sila ng makahulugan, naunang pumasok si ching at kasunod si kuya .

They both looked so  happy at nakakatampo di nila ako binalitaan, pero boto ako sa kanilang dalawa .

" Tita pwede ko po ba isama si majesty sa party ? " tanong ni ching ng nakaupo sa tabi ko , party? Aba saan naman ako dadalin nitong babae na ito?  Agad ko siyang tiningnan ng may tanong sa mata .

"Tanungin mo siya baka pagod siya sa byahe " tiningnan ako ni mom . " Ngayon na ? " tanong ko sa bestfriend ko . Ngumisi siya at tumango and she said na kasama si kuya kaya wag daw ako magalala . Buti nalang sakto yung suot ko tinali ko nalang sa bewang ko yung jacket .

"Mom,Dad alis na po kami" sabi ko at nagbeso sa kanila at sinabi kuna din na  sa condo na ako didiretso babalik nalang ako bukas ng umago dito sa mansyon . At di na sila pumayag na magtaxi ako kasi hahatid sundo daw ako ni kuya marky o ni kuya mackie.

Speaking of kuya mackie . Nang nakasakay na kami sa sasakyan ni kuya " Kuya asan si kuya mackie ? " tanong ko ng pinaandar niya na ang sasakyan at nasa likod ako nakaupo .

Dinungaw niya ako bago sagutin " Susunod sila dun sa pupuntahan natin " ohh napatango nalang ako .sabi ng best friend ko maliit na party lang daw yun kakabukas lang daw kasi ng bar ng kaibigan niya at inimbita sila .

Nilibot ko nalang mata ko sa labas ng sasakyan habang bumabyahe kami . Sanay ako sa mga party but hindi ako mahilig uminom noong nasa canada ako pumunta kaming bar ng kaibigan ko pero pag may birthday o anong okasyon lang hindi katulad ng iba araw araw nasa bar .

Hindi din nagtagal ay nakarating kami sa pupuntahan namin .

-------------

Vote & Comment

STILL THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon