Suot kuna ang aking kulay red na halfshoulder long gown tinitignan ko ang aking sarili sa salamin . Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay lang ako ng konting make up , hindi ko kaylangan maging bongga dahil sila mom at dad dapat ang mapansin .
Nagsusuot ako ng aking hills ng biglang kinatok ako ni ching pinapatawag na daw ako kasi nagsisidatingan na yung mga bisita .
Tinignan ko muli ang itsura ko at ang damit na nasa kama ko para susuotin sa surprise namin sa magulang namin at hanggang ngayon natatawa padin ako . First time ko sumayaw kasama sila kuya sa harap ng madaming tao .
Last week lagi kaming nagigising ng maaga para makapagpractice sa mansyon nila ching at buti nalang laging maaga umaalis ang magulang namin at hindi sila magtataka .
Kahapon pako nandito sa mansyon at pinagbigyan ko sila na dito ako matutulog dahil sa ukasyon na ito .
Tama nga ang sabi ni ching nasa taas pako ay nakikita kuna ang ibat ibang tao na kakilala ng mga magulang ko nandoon din ang mga relatives namin mga empliyado at mga kaco-company namin . Malaking handaan nga ito pero simple lng .
My mom is a simple women hindi siya yung tipo na pag may handaan ay bonggang bongga .
Pababa nako ng hagdan ng sinalubong ako ni blake ,nitong mga nakaraang linggo nagpaparamdam na siya sakin hindi ko nmn binibigyan ng malisya kaibigan siya nila kuya so turing kuna din sa kanya ay kaibigan .
"Your so gorgeous "bulong niya ng nagbeso ako sa kanya . Isa lang masasabi ko magaling siya mambola ng babae . Nanotice ko yan sa loob ng isang linggo.
" Bolero always " natatawa kong sabi . Naglakad na kami papalapit sa lamesa nila kuya , at di ko inispect na andun din si shaun magtataka paba ako ? Andyan si ate shaine . Pagkatapos kasi nung nangyari sa condo di na kami nagkausap dahil nga busy kami sa pagpapractice .
" Majesty you look like a model , tignan mo mga mata ng bisita nasayo lahat " sabi ni ate shaine at tinuro yung mga bisita at bigla ako nakaramdam ng hiya pero binigyan ko padin ng ngiti ang mga nakatingin sakin . Napalingon ako sa katabi ni ate shaine na nakatingin sakin ng masama at tumingin siya sa kamay namin ni blake na hanggang ngayon magkahawak pa kaya natanggal ko yung kamay ko kay blake at umiwas ng tingin.
Tinawag kami ng magulang namin kaya iniwan muna namin sila . Pinakilala nila ako sa mga kaco-company namin sa at sa mga empleyado . Dahil nga nasa canada ako kaya sa aming magkakapatid ako ang mas di nila kilala .
"Mr and Mrs Valdez this is Majesty my daughter " papakilala sakin ni mommy sa kaco-company . Nagulat ako ng nalaman na magulang sila ni blake , nakipagbeso ako sa kanila .
"Goodevening po " bati ko at nginitian sila saglit lang nakwentuhan dahil puro na sila negosyo.
Nang bumalik kami ng mga kuya ko sa upuan namin kasama mga kaibigan namin ay may katabi na si shaun na babae nakeviolet tube dress siya at nakalugay din . Umupo ako sa tabi ni blake at sa tapat naman namin sila shaun .
"Hey ! Di mo sinabing ka co-company namin kayo " bungad ko kay blake at tinapik siya .
" Di ka naman nagtanong tsaka di naman importante yun ang importante nagkakilala tayo " sabi niya at kinindatan ako sinagot ko siya ng irap kahit kelan talaga." Kayong dalawa kelan pa kayo naging close ? " tanong ni ate shaine at sabay tingin samin . Wala bang balak si shaun ipakilala yung kasama niya ?
"Simula nung nagkita kami sa isang resto habang pinaguusapan namin yung surprise " paliwanag ko . Dahil nagkaroon kami ng oras para magkwentuhan ni blak!e . Graduate pala siya ng Bussiness Management kaya pala nagpatayo siya ng bar dahil nadin sa hilig niya ang negosyo . Nakakamangha din siya kasi tumulong muna siya sa kumpanya nila ng isang taon para matuto at mapagbigyan siya ng ama niya na magtayo ng sariling negosyo . Halos magkasing edad lang kami pero siya mag sarili ng negosyo . Maybe someday I will build my own company .
" Shaun plsss " napatingin ako dun sa babaeng kasama ni shaun na hanggang ngayon di niya padin pinapakilala . Para atang may pabor sa kanya yung babaeng kasama niya .
Napatingin din ako kay shaun na sakin pala nakatingin ng nahuli ko siya ay tinignan niya na yung kasama niya .
" tss . Okay " pokerface niyang sabi sa babae at tumayo . "Excuse guys " sabi nung girl at sumunod kay shaun. So saan sila pupunta ? Sino siya? Bat siya nakabuntot kay shaun?
" She's Melanie the spoiled brat daughter of Mr. And Mrs.Venia " sabi ni ate shaine at mukhang nabasa ata yung nasa isip ko. Napatango nalang ako at binalingan si blake na puro kayabangan niya lang ang kinikwento pero nakakatawa .
Pero di ko padin maiwasan tignan si shaun at yung kasama niya na sumasayaw sa gitna . Shaun still shaun have a pokerface aura at yung girl naman ay mukhang kilig na kilig at ang laki ng ngiti sa labi dahil sa kasayaw niya ngayon .
" Hey " sabi ni blake at pinaharap sa kanya yung mukha ko .
---------
VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
STILL THE ONE
RomanceMMMF BOOK2 Ang story na ito ay naglalaman ng may matured na usapan kaya kaylangan ng intindi at unawa bawat chapter ng kwento , Still Princess Majesty Lee & Prince Shaun Chua