Chapter.7

1.4K 52 4
                                        

     "Ouch ! " sabi ko at napahawak sa ulo ko . Nasobrahan ata ako kagabi 2a.m na kami nakauwi galing sa bar . Napatingin ako sa orasan na nasa gilid ko . Alasnwebe na ng umaga .

Sumandal muna ako sa headboard ng akin kama . Pagkatapos namin ng paguusap ni shaun kahapon at di na ulit kami nagkausap at bumalik nadin siya sa upuan namin ng parang walang nangyari .

Nagulat ako ng biglang may nag doorbell kaya agad akong napatayo kahit ang sakit ng ulo ko .

Pagbukas ko ng pinto parang nagsisi akong binuksan ko. 

" What are you doing here ? " tanong ko habang hinihilot ulo ko . Bigla akong na-conscious dahil di ko alam kung anong itsura ko dahil kakagising ko lang .

" breakfast ? " sabi ni shaun at inangat yung dala niyang supot . Ano bang ginagawa niya ng ganto kaaga ? Hindi na ako magtataka kung paano niya to nalaman dahil sa kanya ako pinahatid nila kuya no choice na ako dahil disoras na ng gabi at may tama nadin ako ng alak .

Hindi na ako umapila dahil masakit talaga ulo ko kaya iniwan kong bukas ang pinto at naglakad papuntang sofa . Agad nmn siyang pumasok tinitignan ko ang bawat galaw niya .

Nilagay niya sa lamesa yung mga dala niya nanlaki mata ko ng feel at home na feel at home siya dahil naglagay nadin siya ng mga pinggang at kutsara .

Kaya agad din ako napatayo at tinulungan siya sa ginagawa niya .

" Ako na " sabi ko at naglagay ng mga kutsara .
"Sorry naistorbo ba kita ? " tanong niya at umupo na . Mayroon lang kasi akong maliit na lamesa pang dalawang tao lang kung may kakain .

"Ayos lng , gising na din naman ako " sabi ko habang nilalagay sa harap niya yung tinimpla kong kape , buti nalang may mga stock na ako dito dahil paguwi ko kahapon habang nasa bar kami sabi ni mom nagpadala daw siya sa mga katulong namin ng mga kaylangan dito .

" Kumain kana " sabi ko at iniwanan siya at pumuntang cr naghilamos nalang muna ako at nag-toothbrush at bumalik nadin.

" So uulitin ko tanong ko ano ginagawa mo dito? " tanong ko at uminon ng kape .

" Dinalan kita ng breakfast dahil alam kong may hangover ka pa " Sabi niya habang kumakain , di padin ata siya nagaalmusal .

" Bket mo ito ginagawa ? " tanong ko bago sumubo ng pagkain . " 'Cause I want " simpleng sagot niya kung wala lang kami sa hapagkainan baka nakapagmura ako .

Hindi na ulit ako nagsalita bukod sa masakit ulo ko ay hindi din ako sanay na ganto kami kalapit . Hanggang sa natapos kami hindi padin siya nagsasalita .

Inayos ko ang pinagkainan namin at nilagay sa lababo . Hinugasan ko ang pinagkainan namin ngunit habang naghuhugas ako nararamdaman kong nasa likod ko siya .

Nakapajama at naka sleeveless lang ako ngayon . Napaayos ako ng tayo habang naghuhugas .

" Princess hmm majesty I just want to say sorry for everything what I've done ," Hindi ako kumibo , kahit anong gawin kong pagbaliwala sa mga sinasabi niya ay nararamdaman ko yung sinseridad niya habang nagsasalita .

" Naalala muba nung umuwi tayo galing baguio , at nung araw na nag-confess ako totoo yung princess gusto na kita noon pa man , one week akong di nagparamdam oo aaminin ko natorpe ako kasi nilalayuan mo ako , akala ko wala akong pagasa dahil sa mga ugali kong pinapakita sayo - " hindi niya natuloy ng sinasabi niya ng napansin niyang umiiyak ako . Shit . Hindi kuna napigilan ayoko ng ganitong usapan .

" Shit ! " sabi ko at pinahid yung luha sa aking pisngi at nagmamadaling maghugas ng kamay .

Nastatwa ako ng niyakap niya ako sa likod na tuluyang nagpahagulgul sakin . Ansakit bumalik yung sakit lalo na ng naalala ko kung paano ko siya nakita sa condo niya na may kasamang babae .

I know hindi pa namin naayos relasyon namin nun pero kaya nga ako nandun para ayusin pero nadatnan kupa siyang ganun .

" leave.me.alone " matigas na sabi ko at hindi pa din niya inaalis yung yakap niya .
" No . Hindi kita iiwan hanggat hindi natin to naayos . Plss princess ayusin natin to matagal ko itong inantay " bulong niya habang nakayakap sa likod ko .

Tuluyan akong nanghina dahil sa sincere na pagkakasabi niya .

Nang lumuwag yung pagkayakap niya nagkaroon ako ng lakas na harapin siya , nasalubong ko yung mata niyang namumula .

Hindi niya pinutol yung pagtitigan namin , lumapit siya lalo at wala nakong nagawa ng siniil niya ako ng halik .

Parang bula na ng tuluyang nawala lahat ng galit ko sa loob ng limang taon limang taon paglayo ko ngunit sa isang iglap lng nawala din .

----------

Vote & comment

STILL THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon