28

11.5K 173 7
                                    

Chapter 28 - B-tch. Don't kill my vibe.

Zach's POV:

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko patungong hospital. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko.

At hospital..

"ASAN ANG ROOM NI CHARMAINE DELA FUENTE?!" halos sigaw kong sabi.

"R-room 206 po, sir." Sabi nung nurse tapos nag pacute pa. Tsk. Tumakbo na ako papunta sa room ni Charmaine pero bigla kong naabutan si Lora na sinisigawan si Paroutie. Si Paroutie naman, hindi lumalaban. Umiiyak lang.

"Dumating ka pa dito, Zach?" Sarcastic na sabi ni Lora.

"Nasaan si Maine?" Tanong ko.

"Nasa loob, alanganaman sa kabilang kalye diba? Pero hindi ka pwedeng pumasok kasi chinecheck pa ng nga doctor si Charmaine. Pero bago yun.. LANG YA NAMAN ZACH! WALA KANG KWENTA! LUMANDI KA PA, ALAM MO NAMANG BUNTIS YUNG ASAWA MO. AT DITO PA TALAGA SA PAROT NA ITO!" sigaw ni Lora.

"Anong ginawa mo kay Maine?" Tanong ko kay Paroutie.

"N..natul..lak k..ko s..siya.." nanginginig na sabi ni Paroutie. Ako naman ay nagtitimpi lang.

"Ito ang tandaan mo. Pag may nangyaring masama sa mag-ina ko, baka sa kangkungan kayo pulutin ng pamilya mo." Sabi ko.

Lumabas na ang doctor.

"Ano pong resulta? Okay lang po ba ang magina ko?" Tanong ko.

"Mabuti nalang at maagang nadala ang pashente. Kaya walang nangyaring masama. Malakas ang kapit ng baby. Pero kailangan ng pashente ng pahinga." Sabi ng doctor. Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero hindi pa ako papasok sa loob.. kailangan ko munang palamigin ang ulo ni Maine.

Charmaine's POV:

Puti. Puti ang nakikita ko.

"Besh, buti naman gising kana." Biglang sabi ni Lora kaya napatingin ako sakanya. T..teka ano bang nangyari?

Sh-t! Yung baby ko!

"Anong nangyari sa baby ko? Okay lang ba siya? Tell me!" Malakas na sabi ko.

"Kalma lang beshie, okay? Baka mapaano ka nyan. Ligtas ka at si baby. Buti nalang nadala kita ng maaga sa hospital." Sabi ni Lora. Kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Salamat besh, ha? Maraming thank you talaga. By the way, nasan na si ibon?" Sabi ko.

"S-sinong ibon?" Takang sabi ni Lora kaya napairap ako. Tskkk.

Slow.

"Sino pa ba, edi si Parot. Tsk." Sabi ko.

"Ayy! Oo nga no! Ayun, nasa labas. Alam mo ba yang ibon na yan, bumait! Sinabunutan ko na at sinigawan, pero sorry lang siya ng sorry. Ano kayang nakain ng bruhang yun." Sabi ni Lora.

Tsk. Pasalamat siya walang nangyari saamin ng anak ko.

"Hayaan nalang natin siya. Ang importante, ligtas ako at ang anak ko." Sabi ko.

Napalingon ako sa may pintuan kasi bumukas ito. At isang walang kwentang lalaki lang ang pumasok.

Walang iba kundi si Zach.

"Lora.. lumabas ka muna." Sabi ni Zach. Tumingin naman saakin si Lora na parang nanghihinhi ng purmiso. Tumango nalang ako. At lumabas na si Lora. "Maine, gusto kong makausap ka."

"Naguusap na tayo." Sabi ko. Pero hindi niya pinansin yun. Huminga nalang siya ng malalim.

"First of all, I wan't to say sorry. Because I'm a jerk and I always hurt you." Sabi niya. Magsasalita sana ako, pero inunahan niya ako. I rolled my eyes nalang. "Second, wag ka munang mag salita, okay? Third, I'm so happy kasi ligtas ka at ang anak ko." Sabi niya.

"Anak KO rin yun. Wag kang selfish." Sabi ko.

"Oo na." Sabi niya. Tignan mo ito, ang moody. Hay nako!

"Tsk."

"Dadalhin ko muna ang gamit mo sa bahay natin. Hindi kana aangal. Maliwanag?" Bossy. >.< tumango nalang ako. "Pero bago ang lahat nay gustong kuma-usap sayo." Sabi niya. Bumukas ulit ang pinto, at si Parot naman. Si Zach naman ay umalis na.

"Ohhh. Buti buhay kapa." Sabi niya. Kala ko bumait na ito?!

"Oo nga e. Kung namatay ako, matakot ka! Kasi isasama kita." Pangaasar ko.

"Ay! Natakot ako!" Maarteng sabi niya.

"Ohhhhh.. b-tch! Don't kill my vibe!" I said at tinawag na si Lora.

Paroutie's POV:

Galing ko bang umarte kanina? Wahaha. Sana talaga tinuluyan ko nalang si Charmaine. Pero yung sorry ko, I mean it.

Hi guys! Thank you sa read, ha? Vote, comment, follow! :*

Secretly married to my boss..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon