Lora's POV:
"Mommy!! Si kuya kambal o. Ang kulit." Sabi saakin ni LJ. Lane Jewel. Ang cute at magandang bata. Mana sa mommy!
"Ano ba iyon anak?" Sabi ko. Nasa opisina kasi si Blake at kabwanan ko ngayon.
"Nilagyan niya po ako ng icing sa mukha." Sabi ni LJ sabay pout. Ang cute talaga. Haha.
"Ipalinis mo muna kay Lola. Okay lang ba?" Sabi ko.
"Opo mommy." Sabi niya at umalis na.
"EZEKIEL!" sigaw ko.
"Why mom?" Masungit niyang sagot
"Tsk! Ikaw ha! Nilagyan mo nanaman ng icing yang mukha ng kapatid mo " sabi ko.
"Edi I'm sorry. Happy kana?" Sabi niya.
"Yes anak." Sabi ko. We're a happy family. Hindi man perpekto, mahal naman namin ang isat isa.
"Lora.." sabi ni tita mom. Mommy ni Blake.
"Why po?" Tanong ko.
"Mag-ingat ka ngayon, kabwanan mo panaman." Sabi niya.
"Opo. Maraming salamat po sa pag papa-alala." Magalang na sabi ko.
"MOMMYYYYYYYYY!" anak naman ng pating oh.
"Why nanaman?" Tanong ko.
"It's so maiinit here!" Sabi niya. Ay nako!
"Syempre anak. Summer ngayon e. Magulat ka ang lamig lamig pero summer." Sabi ko.
"Whatever mom." Sabi niya. Hay nako. Nakaka stress.
Pero.. wait. O-ouch.
"TITA MOM!! MANGANGAK NA AKOOOOOOOOOO!" sabi ko.
"Harajusqo. Sandali lang. Ezekiel! LJ! Tawagan niyo daddy niyo! Sabihin mo manganganak na mommy niyo." Sabi nj tita mom.
--hospital. (ER)
"You can do it Lora. I know you can. Napanganak mo nga kambal natin e." Pag papakalma ni Blake sakin. Tumango naman ako.
"AHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko.
"Isa nalang misis." Sabi ng doctor.
"AAAAAARRRRRGGGGHHHHHH!!" sigaw ko.
"Uwaah uwaahh uwaaah." I-iyak ng baby ko.
"It's a girl." Sabi ni doc.
"Success baby." Sabi ni Blake.
"Success." Mahinang sabi ko and after that all went black.
--
After a year..
"Cutie, what do you want?" Sabi ko kay Bella.
"Mommy I want chuvig po." Sabi ni Bella. Hindi kasi siya makapag bigsan ng 'T'.
"Okay. Pero cutie it's tubig not chuvig." I said.
"Mom, I want chuvig na pooo!" Sabi niya kaya kinuwaan ko na sya.
"Oh ito na." Sabi ko.
"Chengkyu po." Sabi niya. Ang cuteeeeee! Hehe..
"Welcome lil' cutie." Sabi ko.
"Mommy!!! Look I got 5 stars!" Sigaw ni LJ pagkapasok. Nandito na pala sila LJ and Ezekiel.
"Wow! Very good naman ang bebe girl ko." Sabi ko.
"Ezekiel, how 'bout you?" I asked.
"I got 5 stars too." Sabi nya.
"Ang gagaling naman ng mga baby kooo!" Sabi ko.
"Thanks mom." Sabay na sabi nila.
"Baby Bella, look ohh. We have a stars." Sabi ni LJ.
"Vewy good!" Sabi ni Bella kaya nagtawanan kami.
"Haha!!"
"Ang sasaya naman ng mga baby ko!" Sabi ni Blake. Nakarating na rin pala siya.
"Hi dad!/Hi chaji!" Sabay sabay na sabi nila.
"Hello babies!" Sabi ni Blake. At kiniss kami.
"Dad! Ambaho mo na pooo!" Sabi ni LJ.
"Mabaho pala ah?" Sabi ni Blake at kiniliti si LJ. Syempre nakisali kami.
Ang saya...
BINABASA MO ANG
Secretly married to my boss..
Hayran KurguCredits: @KaiKaura hi ate! Thank you sa cover.
