Cassiopeia's POV
"Sa tingin mo , bakit dapat kang tanggapin bilang secretary ko ?" Tanong ng lalaking bastos - este ni Mr. Lastimosa na diretsong nakatingin sa mga mata ko habang pinapaikot sa mga daliri niya ang isang ballpen.
"Because I -" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Nasa Pilipinas ka , pwedeng magtagalog. Walang silbi ang pagkamit natin ng demokrasya kung di mo alam gamitin ang pagiging malaya !" Bulyaw niya.
"Ahhh *hawak sa dibdib* napakamakata ni kuya " bulong ko.
" Stop murmuring , I can hear you . I'm not a deaf " Sabi niya.
" Nasa Pilipinas ka , pwedeng magtagalog. Walang silbi ang pagkamit natin ng demokrasya kung di mo alam gamitin ang pagiging malaya " balik ko sa sinabi niya sakin kanina kasabay ng pagdekwatro ko ng upo gaya ng posisyon niya ngayon.
Agad niyang ibinagsak ang ballpen na nilalaro niya kanikanina lang.
Sumandal siya sa upuan , sumandal din ako. Nagcross arms siya , nagcross arms din ako.In short , ginaya gaya ko siya."What you reap , is what you sow " Matapang kong pahayag habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
Baran's POV
Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos niya akong gayahin.
"Tanggap ka na . " sabi ko
Nabigla siya sa sinabi ko pero agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya."And you will start now. " utos ko.
I gave her the folder with my schedule for this week.
"Business meeting in Batanes? Magsstay ng limang araw ? Sa panahon ngayon , matagal na pala ang limang araw. " sabi niya.
Babaeng to , ang daldal. Kanina pa to eh.
"Yes , and you will come with me. " I declared.
" Secretary ako, hindi yaya. " she murmured.
Tinitigan ko siya. Para malaman kung magsasabi siya ng totoo.
"Number one rule , kung nasan ako dapat andun ka. Para matutukan mo lahat ng sasabihin ko. Understood ?!" I asked without breaking our eye contact.
"Lahat ba ng bagay dapat intindihin ko ?" She asked back.
What the- may pinagdadaanan ba to ?
"Do you have any question about your job?" I asked.
"Bakit limang araw? Para sa business
Meeting ?! Buti sana Kung outing kahit isang buwan , payag ako " She answered." Bat ka ba nagrereklamo?! You're just my secretary " I said.
I stared blankly at her.
" Eh paano mo malalaman yung nararamdaman ko kung di ako magsasalita ?!" She said as she raised her right eyebrow.
BINABASA MO ANG
The Hugot Queen's Hidden Story(UNDER REVISION)
HumorPunong puno ng drama. May action at comedy din itong story na ito.